Loren's POV Ang sarap ng tulog ko na walang magulo, makulit at walang nanggagapang na langgam. Ang ibig kong sabihin walang Haden na nangungulit at nang-iisturbo sa dis-oras ng gabi. Tamang-tama pagtayo ko ng kama ay tumunog naman ang aking tiyan. Halatang gutom na. Hinaplos ko ang umbok ng aking tiyan na halatang-halata na. Lumapit ako sa salamin. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Suot ko lamang ay bulaklakin na duster. "Baby, ilang buwan na lang makikita na kita." kausap ko rito habang hinahaplos ito. Apat na buwan na nga pala siya sa araw na ito. At ngayong araw ang balik ko sa aking OB. Naalala ko si Haden. Ilang araw na ako rito sa bahay nila Inay pero walang Haden na sumusulpot man lang sa pintuan ng bahay na ito. Inaamin ko, na-mimiss ko siya at nasasaktan ako ngayong ila