Loren's POV "You don't know her." kunot ang noo na sinagot ni Haden ang lalaking nagsalita sa likuran ko. Nang lingunin ko ito ay tsaka ko lang tuluyang nalaman na si Governor Dee pala ang nagsalita sa aking likuran. Familiar ang boses nito kaya alam kong siya ang nagsalita sa likuran ko. Pero hindi pa rin ako makapaniwala kaya sinigurado ko na lang na lingunin ito. "You are wrong, I know her." Nagpalipat-lipat ng tingin si Haden. Hindi yata makapaniwalang magkakilala kami ni Governor Dee. Sino ba naman ang maniniwalang magkakilala kami? "In that case, it is better that this woman works for you. This woman is WORTHLESS. Wala akong pakialam kahit na isama mo pa siya ngayon sa bahay mo." mas diniinan pa niya ang salitang worthless. Natulala na lamang ako at bumagsak ang panga ko da