DICKSON SERIES 1 ONLY LOVE CAN HURT LIKE THIS

1466 Words
ONE MONTH LATER... "Pabili po ng bigas, Aling Nita." Tiningnan ko ang hawak kong pera na tamang-tama lang sa isang kilong bigas. Wala ng pambili ng ulam. Nalungkot na lang ako bigla dahil sa hirap ng buhay namin. "Ikaw pala iyan, Loren. Isang kilo ba kamo ang bibilhin mo na bigas?" pag-uulit niya. Medyo bingi na rin kasi ito kaya hindi niya siguro narinig ang sinabi ko. "O-opo, Aling Nita." Umalis ito at nag-kilo ng bigas. Bumalik rin kaagad ito para ibigay sakin ang binili kong isang kilo na bigas. "Ulam ba, Ineng? Hindi ka bibili?" "Wala na po akong pera, Aling Nita. Bigas lang po muna ang bibilhin ko. Maghahanap na lang po siguro ako ng gulay sa tabi-tabi." "O sige, masustansya pa ang gulay para diyan sa pinagbubuntis mo. Bakit kasi iniwan ka ng asawa mo? Hay naku! Mga lalaki nga naman. Kapag nagsawa ay iiwan ka na lang ng luhaan. Lalo na kung wapo ay naku! Marami ka pa kaagaw." Hindi ko na lang pinansin pa ang sinabi ni Aling Nita. Tinalikuran ko na lang ito para hindi na marinig pa ang susunod na sasabihin niya. ---------- Seryoso kong binabaybay ang kalsada dala ang binili kong isang kilo na bigas. Natigilan ako sa paglalakad ng marinig ang tilian at sigawan ng mga kababaihan. Yung iba pa ay nagsitakbuhan. Anong meron? "May bagong tatakbong Gobernor. Usap-usapan galing raw iyon dito sa Brgy. natin. Sobrang gwapo pa. Nakita mo ba yung picture niya?" Narinig kong usap-usapan ng dalawang babae na dumaan sa aking harapan. Sobra akong naintriga sa kanilang pinag-uusapan. Sino kaya ang bagong Gobernor na tumatakbo rito sa aming Province. Wala kasi akong oras na makipagkwentuhan sa mga kapitbahay dahil lahat naman sila ay pinagtsi-tsismisan ako dahil sa nangyari sakin. Nalaman nilang buntis ako pagkatapos ma-anunsyong hiwalay na kami ni Haden. Isa raw akong disgrasyadang babae. Iniwan ng asawa at kung anu-ano pa. Masakit marinig ang mga iyon pero binalewala ko na lamang. Dahil gusto kong malaman ay nagawang humakbang ng mga paa ko para sundan ang dalawang babae. Nagmadali akong maglakad para lang masundan ang dalawa. Balik na naman ako sa high way. Nasa kalsada na kasi ako papasok sa amin pero bumalik ulit ako sa high way dahil sinundan ko ang dalawang babae. Ang daming tao na nag-uumpukan pagdating ko sa high way na kalsada. "Ate, ano po ang meron dito? Bakit ang daming tao?" tanong ko sa hindi naman gaano katandaang babae. "Hindi mo ba alam? Dadaan rito ang bagong tumatakbong Gobernor. Usap-usapan medyo bata pa raw ito. Hindi gaanong bata na katulad mo. Atleast hindi katulad ng ibang tumatakbo na Gobernor na matanda na. Mamimigay raw iyon ng groceries. Kaya nga nandito kami naghihintay baka mabigyan." sagot nito sa akin. Tamang-tama pala ang pagsunod ko sa dalawang babae. Kung totoo man ang sinabi nito. Baka mabigyan na rin ako ng groceries. Mas lalong umingay ang kalsada. Nakarinig ako ng nagsasalita sa megaphone. Dahil hindi naman ako gaanong katangkaran ay kailangan ko pa makipagsapalaran na pahabain ang aking leeg. Para lang makita ito. Sa tangkad ba naman ng nasa aking unahan ay matatabunan lang din ako. Bakit ba kasi pinanganak akong hindi matangkad? Kung matangkad lang siguro ako sumali na ako sa Miss Universe. Hinaplos ko ang aking tiyan. Mukhang ipinapahamak ko pa yata ang pinagbubuntis ko sa ginagawa kong 'to. Mukhang hindi naman ako makakasingit pa sa dami ng taong nag-aabang sa bagong tumatakbong Gobernor. Tumalikod ako para umalis na. Wala na akong pag-asa na masilayan kung sino ito. Uuwi na lang ako kaysa mapahamak pa ang pinagbubuntis ko. "Siya po si Haden Dickson ang tumatakbo bilang Gobernor dito sa inyong probinsya." Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang announcement na iyon. Bumilis ang t***k ng puso ko at natigilan ako sa kinatatayuan ko. Si Haden? Tama ba ang narinig ko? "Sana po ay suportahan niyo si Haden Dickson bilang Gobernor dito sa inyong Probinsya!" muli ay announcement ng lalaki. Unti-unti kong ginalaw ang aking katawan para humarap kung saan naroon ang sasakyan na nag-aannounce. "Haden?" ang lakas pa rin ng t***k ng puso ko habang sinasambit ang pangalan ng Ex -husband ko. Isang buwan lang ang nakalipas pagkatapos namin maghiwalay at mapawalang bisa ang aming kasal ay bigla na lang siyang nawala. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Pero ngayon, nandito siya at tumatakbo pa ng Gobernor dito sa aming Probinsya. Ganoon pala talaga siya kayaman. "Baby, ang Daddy mo, bumalik siya." sambit ko sabay haplos sa aking tiyan. Isang buwan na rin ang dinadala ko at gusto ko ulit kausapin si Haden. Gusto kong sabihin sa kaniyang buntis ako. Hindi ko man lang nasabi sa kaniya iyon nang magharap kami sa judge. Nawalan na ako ng pagkakataon dahil bigla siyang nawala pagkatapos ng araw na iyon. Hindi ko akalaing mapapatakbo ako ng wala sa oras para lang makipagsiksikan muli sa mga tao. Tumigil ang mga sasakyan na naka-parade. Nagsilabasan ang mga kalalakihan na may mga dalang groceries. Iyon na siguro ang ipamimigay nila sa mga tao. "Please, excuse me po. Makikiraan." pilit kong isiniksik ang sarili sa masikip na daraanan. Namimigay na ng groceries ang mga naglalakihang katawan na mga lalaki. "Miss, pumila ka. Ano ka ba? Hindi mo ba alam na first come first serve?" masungit na sabi sa akin ng isang babae. "Pasensya na ho ate. Meron lang kasi akong gustong makausap." "Aba! Kung sino man yang gusto mong makausap dapat pumila ka pa rin. Groceries ang pinamimigay rito hindi ang makipag-usap lang sa mga hunk na ito." masungit pa rin na turo niya sa mga lalaking namimigay ng groceries. Napatingin ako sa isang lalaki. Bahala na. Wala na akong pakialam kahit magalit sila sakin. Hindi naman yung mga namimigay ng groceries ang gusto kong makausap. "Ano ba naman 'yan!" narinig kong sabi ng isang babae ng nilagpasan ko sila. Nilapitan ko ang isang lalaki na naka-shade. "Miss, pumila po muna kayo." puna ng lalaki sa akin. "May gusto lang akong makausap." sagot ko. "Aba naman! Napaka-kapal naman pala ng mukha ng babaeng ito." narinig kong sabi ng isang babae na nasa aking likuran. Binalewala ko pa rin ito. Kailangan ko talagang makausap si Haden kaya kinapalan ko na lang ang aking mukha. "Sino ang gusto mo makausap, Miss?" tanong ng lalaki sa akin. "S-si Haden, gusto ko siyang makausap. . .please..." tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago ito nagsalita. "Bakit gusto mo makausap si boss?" "Importante lang po ang sasabihin ko sa kaniya...please..." pagmamakaawa ko ngunit umiling-iling ang lalaki. "Ibinilin sa akin ni boss na huwag muna siyang sturbuhin. Natutulog si boss sa loob ng van. Kaya kung ano man 'yang sasabihin mo ay sabihin mo na lang sa akin." "H-hindi puwede. Kailangan ko siyang makausap ng personal...please..." muling umiling ang lalaki. Nawalan ako ng pag-asa na makausap si Haden. "Ano ba yan? Umalis ka na nga diyan! Nakakasagabagal ka lang alam mo ba?" narinig ko ulit na sabi ng isang matandang babae. Nabigla na lang ako ng itulak niya ako kaya nadapa ako at natapon pa ang bigas na dala ko. "Pasensya ka na, Ineng. Ikaw kasi eh! Kanina ka pa pinapaalis ayaw mo umalis. Natapon pa tuloy 'yang bigas mo. Kung ako saiyo umuwi ka na lang at magluto." sabi nito. Tumulo na lang ang aking luha. Paano na? Iyon na lang yung pera namin tapos ito natapon pa ang bigas na pinabili sa akin ni Inay. "Kunin mo na itong groceries, Miss. May bigas na rin diyan." Iniabot ng lalaki sa akin ang hindi gaanong kalakihan na karton na may lamang groceries. Tinanggap ko iyon. Nang makita kong unti-unti ng umaalis ang van na itinuro ng lalaki sa akin kung saan naroon si Haden ay kaagad akong napatayo. Hindi ko inaasahang titigil ito at ilang minuto ay biglang bumukas ang pintuan ng van. Abot tenga ang ngiti ko dahil masisilayan ko na si Haden. "Lalabas na si boss." sambit ng isang lalaki. May kausap ito sa phone. Hinihintay ko ang paglabas ni Haden. Abot tenga pa rin ang ngiti ko. Ngunit kaagad naman nawala ang ngiti sa aking labi ng makitang hindi lang siya ang lumabas sa van. Kundi may kasama siyang isang babae at halos ipulupot nito ang braso sa kaniyang braso. Bumaba ang paningin ko sa kamay ni Haden na pumulupot rin naman sa bewang ng babaeng maganda, sexy, maputi at higit sa lahat katulad niyang mayaman. Nanikip ang dibdib ko sa nakita ko. "Ang gwapo pala talaga niya!" tili ng kababaehan sa aking likuran. "Sayang nga lang taken na." dagdag naman ng mga ito. Unti-unti akong tumalikod para hindi na ako masaktan pa sa makikita ko. Mayroon ng bagong girlfriend si Haden. Isang buwan pa lang simula ng kami ay maghiwalay meron na kaagad siyang ipinalit sakin. Sino ba naman ako? Isang hamak na pobre.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD