Pansin ni Alex na mas dumarami pa yata ang tumatambay sa library simula ng mapadpad si Tyler dito. She doubted it kung magbabasa talaga ng libro ang pakay ng mga ito, o nagpapansin lang sila kay Tyler. Dahil halos lahat ng pumupunta doon ay mga kababaihan. At ito namang si Tyler ay proud pa na maraming nagpapa-cute sa kanya. Magagandang babae lang siguro ang laman ng kukote nito. Inirapan niya ito nang makita niyang pumasok ito sa loob ng library. Kung titingnan mo parang pumunta lang ito doon para bumisita. Umikot ang paningin nito sa loob ng lugar. At nang matuon sa kanya ang paningin nito, ay nakita niyang tumaas ang isang sulok ng labi nito. Hindi niya alam kung nasusuya ba ito sa kanya. Ang yabang talaga ng dating. Bahagya din nitong tinapunan ng tingin ang food pack at rosas na na