Minsan lang naman nangyari ang pagdaan na 'yon nang mga Contreras. Hindi na naulit pa 'yon. Pasukan na at excited na siya sa unang taon niya sa kolehiyo. Full tuition siya sa El Contreras University kaya hindi na nahirapan pa ang kanyang tiyahin na e-enroll siya. Ganoon din naman si Porsia. Wala din naman silang problema sa allowance dahil nag-working student din siya sa university. Sa library siya nadestino bilang student assistant. Wala na siyang oras pa sa ibang bagay dahil sa kapag wala siyang klase ay may duty naman siya sa library. Alam niyang hindi madali 'yon pero kakayanin niya alang-alang sa pangarap niya. Hindi dapat ito ang buhay para sa isang seventeen year old na babae pero wala naman siyang choice. Kung sana buhay lang ang mga magulang niya. Pero nagpapasalamat pa rin siya na kinalinga siya ng tiyahin. Sila ng pinsan niyang si Porsia.
Tinupad niya talaga ang pangarap niya na kumuha ng medisina. Si Porsia ay Mass Communication naman ang kinuha nito. Bagay naman dito dahil madaldal ito.
"Matagal ka pa ba diyan Alex? Ma-late na tayo!" Sigaw ni Porsia sa labas ng kanyang silid. Matapos maisara ang lahat ng botones ng kanyang puting uniporme ay mabilis na niyang hinablot ang kanyang shoulder bag na nakapatong sa ibabaw ng maliit niyang kama.
"Nandito na," sabi niya na tuloy-tuloy na sa paglalakad.
"Hala Alex, bagay nga sa 'yo ang matawag na Dra. Alexandria Laurice Harris. Isang napakagandang doctor," humahangang sabi nito na pilit humahabol sa mabilis niyang paglakad. Matapos masiguradong naka-lock ang bahay ay nag-abang na sila ng tricycle. Wala na kasi ang tiyahin nila at nauna na itong umalis dahil mas maaga ang pasok nito.
Nang huminto ang tricycle sa tapat nila ay agad na silang sumakay. Dahil pasukan na ay medyo ma-traffic ang daan. Halos sakto lang ang oras nang marating nila ang malaking unibersidad. Maraming estudyante ang labas masok sa malapad na gate. Halos mapuno din ng mga sasakyang nakaparada ang parking space ng eskwelahan. May nakikita din siyang dating ka-batch niya sa highschool. Noong makapasok sila sa loob ng gate ay nagkanya-kanya na sila ni Porsia. Ang building kasi ng medisina ay nasa sentro na bahagi. Katabi ang building ng Engineering. At sa ibang direksyon naman ang kanila Porsia.
Matapos ang dalawang subjects niya na pang-umaga ay mabilis na siyang lumabas para pumunta sa library. Dalawampung minuto na lang at magsisimula na ang duty niya doon. Tumawid siya sa kabilang building. At madadaanan niya ang Engineering building dahil nasa gitna ito ng building nila at ng library. Natigil siya saglit at napasilip sa nakabukas na bintana ng isang classroom. Maingay sa loob at nakuha ang atensyon niya doon.
________
"What's wrong with you Mr. Contreras?!" Istriktong sita ng propesora niya sa structural mechanics subject nila ni Apollo. Iisang section lang sila ni Apollo. Graduating na sila sa kursong civil engineering ngayong taon na 'to. At itong professor niya na napaka-terror at walang pakialam anak man sila ng may-ari ng university na ito. Palibhasa kasi matandang dalaga. Mas lalo itong matapang tingnan sa napakakapal nitong salamin.
Napaunat siya ng upo pagkarinig sa sinabi nito. Damn. Sobrang inaantok siya, kasi halos inumaga na silang umuwi na magpipinsan galing sa isang bagong bukas na bar sa kabilang bayan. Hindi niya mapigilan ang mapaidlip habang nagdi-discuss ito sa harap ng klase. Sana hindi na lang siya pumasok kanina.
"Me?" Turo niya sa sarili, na liningon sa tabi niya si Apollo. Kampante lang itong nakaupo. Halatang nagpipigil lang itong matawa sa kanya. Damn. Bakit hindi yata ito inaantok? Pareho lang naman ang inom nila at pagpupuyat ng nagdaang gabi.
"Ikaw nga," pasimpleng bulong ni Apollo sa kanya. Dalawa kasi silang Contreras kaya hindi niya alam kung siya ba, o si Apollo ang tinawag ng professor.
"Mr. Tyler Mathias Contreras, ang klase ko ay hindi pahingahan kung balak mo sanang matulog sana doon ka sa mansyon n'yo nagpahinga, komportable ka pa sana," sarkastiko nitong sabi. Natawa na ang buong klase sa sinabi ng guro. At mas malakas ang tawa ni Apollo.
"Saan ka ba galing kagabi? Napuyat ka ba sa kabibilang ng yaman n'yo?" Hirit pa ulit nito. Nagpipigil lang siyang huwag magmura. Gusto niya itong murahin sa pamamahiya nito sa kanya. Ang antok niya ay tuluyang nawala. He looked at his classmates. One by one. He gave them a dangerous stare, may ilang natahimik pero may ilan na hindi alintana ang galit niya. Patulan man niya ang guro niya na 'to alam niyang siya pa rin ang malilintikan sa ama kapag makarating dito ang ginawa niya.
Natigil naman si Apollo sa kakatawa nang hinampas niya ito ng libro sa balikat. Mas lalo pang umingay ang guro nila. s**t, napapahiya na talaga siya. Lalo nang makita niya si Alexandria Laurice Harris na sumilip sa bintana, nagtama ang paningin nila. At mas lalo lang siyang napapamura sa isip niya dahil dinig na dinig nito ang ingay ng propesora patungkol sa kanya. Dammit, she even mentioned his name clearly. Alam niyang matatapos na ang klase nito sa paulit-ulit na pagsermon sa kanya. Ganito kasi ang ugali ng matandang 'to.
Tinapik siya ni Apollo sa kanyang balikat at nawala ang paningin niya kay Alexandria sa ginawang 'yon ni Apollo. Pilyo itong ngumiti sa kanya saka siya binulungan, sabay tawa ng mahina. Inisip niya muna ng ilang saglit ang sinabi nito, nang lingunin niya ang bintana ay nakita niya na nandoon pa rin nakasilip si Alex. Tumayo na siya at susundin niya ang suggestion sa kanya ni Apollo. His suggestion was just less heavy, compared to the sharp tongue of their professor.
Walang kaabog-abog niyang hinubad ang suot niyang t-shirt at itinapon iyon sa sahig. Natigil sa pagtawa ang buong klase sa ginawa niya. He looks so stupid, but he can't stand the lambasted words of his teacher, anymore. Napapahiya siya at kailanman hindi niya matatanggap ang bagay na 'yon. Never in his life ang may gumawa no'n sa kanya.
He looked around. Everyone looks at him like he was a God, stoop down from above. He heard them gasped while looking frequently at his well-built body. Ang propesora niya ay biglang nawala ang bagsik sa mukha habang walang kurap na nakatingin sa katawan niya. Ang mga kaklase niyang bakla at babae ay hindi napigilan ang mapasinghap habang nakatitig sa kanyang katawan. Ang mga kalalakihan naman ay nakita niya ang inggit na nakarehistro sa mga mukha ng mga ito. At ang huli niyang tiningnan ay si Alex na bahagyang nakaawang ang bibig na nakatitig sa katawan niya at ang nanlaki nitong mga mata. Nang makabawi ito sa gulat ay mabilis itong umalis mula sa pagsilip sa bintana at nakita niyang kumaripas ito ng takbo.
Si Apollo naman na tumatawa ng walang tunog sa ginawa niya. Napasubsob na ang ulo nito sa arm rest ng upuan nito sa kakatawa sa kanya. Palihim niya itong sinipa sa binti. Niyuko ang t-shirt niya sa sahig at pinulot.
There! Everybody's quite. No one dares break the silence, he caused.
"Damn you, Tyler Mathias!" Mahinang sabi ni Apollo sa kanya.
"And damn you more, Francis Apollo!" Isinuot niya ang t-shirt. Walang salita na lumabas ng klase. Bahala na ang bukas kesa naman sa pinapahiya siya tulad kanina. Nagpalinga-linga siya at hinanap si Alex pero wala na ito doon. Ambilis ah!
"Ang hayop mo talaga Tyler, I didn't know that you will take my suggestion seriously!" Malakas na tumatawa si Apollo habang nakasunod sa kanya. Iniwan nila ang biglang natahimik na klase.
"Siguradong matatawa nito, sina Dean, Joaquin, at Nathan mamaya. Ang hanep ng move na 'yon, ah!" Hindi siya umimik at patuloy lang na lumalakad papunta sa nakaparada niyang Mercedes Benz.