Tahimik lang siyang naupo sa upuang kahoy. Naupo din sa tabi niya si Tyler. Sumandok ito ng kanin at inilagay sa pinggan niya. Walang imik niya lang na binabantayan ang bawat kilos nito. Hindi niya maiisip na kakain talaga ito. Sanay ito sa marangyang buhay, hindi tulad niya na simpleng buhay naman ang kinalakihan niya. Kumuha na din ito ng sariling pagkain, at hindi niya talaga inaasahan na totoong kakain ito. Parang sarap na sarap pa nga ito sa kinakain nito, eh. "Hey, ayaw mo ba ng pagkain, babe?" baling nito sa kanya dahil nanatili lang siyang nakatingin dito. Bigla naman siyang napahiya dahil naaubutan talaga siya nitong nakatitig sa mukha nito. "H-hindi, ah. Hindi naman ako mapili sa pagkain," sagot niya saka mabilis na yumuko sa plato niya. "Bilisan mo na diyan, para makauwi na