Napahawak si Santa sa dibdib nang marinig niya ang lock ng pintuan. Nanlaki ang mga mata niyang humarap ulit sa may pinto ngunit nabangga lang siya sa matigas at matitipunong dibdib ni Dominic. "Relax." Amused na saad nito sa kanya, hinawakan pa ang magkabilaan niyang balikat. Umatras siya at inilayo ang sarili kay Dominic. "Ganoon ba talaga ka-worst ang experienced mo sa akin? Parang takot na takot ka, ah!" palatak nito. Tumaas pa ang isang sulok ng labi nito na tila pinipigilan nitong hindi matawa sa ipinapakitang reaksyon ng mukha niya. Sa totoo lang hindi niya naman maalala kung ano ang pakiramdam na may ka-s*x dahil lasing siya, tanging na aalala niya lang ay ang ungol niya at ang s*x postion na ginagawa nila. Pinamulahan siya ng mukha, umiling-iling siya para iwaksi sa isipan niya