Natatawa si Santa dahil palagi niyang na-aapakan ang paa ni Alaric, masyado siyang kinakabahan lalo na at maraming nakatingin sa kanila, buti na lang hindi ito nagagalit sa kanya. I'm sorry, palagi kong na-aapakan ang paa mo." Tumatawang saad niya kay Alaric. "It's okay, darling." Nakangiting sagot nito sa kanya. "Hindi kasi siya sanay sa sweet music," ani ni Dominic sa baritonong boses.Napatigil silang dalawa sa pagsasayaw. Napakunot naman ang noo ni Alaric, nagtataka kung bakit lumapit si Dominic sa kanila. Napayuko naman siya, ayaw salubungin ang tingin ng boss niya. Napalunok siya nang lumapit ito sa kanya at walang anu-ano'y hinapit siya palapit sa katawan nito. Nanlaki ang mga mata niya na napatingin kay Dominic, mariin itong nakatitig sa kanya. "Excuse us Alaric, I need to da