"Don't look back!" angil ni Santa kay Tony nang akma itong lilingon sa likuran nila. Nararamdaman niya ang titig ni Dominic na halos tumagos na sa likod niya. Mabilis niyang kinaladkad si Tony papasok sa loob ng bahay. Pasalamat siya at walang tao sa sala, siguro ay tulog na ang lahat. "Honey–" Hindi na niya ito pinatapos pang magsalita dahil dumapo na ang isang palad niya sa kabilang pisngi nito. Malakas niya itong sinampal, sa tigas ng mukha nito ay malamang sumakit talaga ang palad niya. "What was that for?" inis na asik nito sa kanya. Kumunot ang noo nito at halatang galit sa ginawa niya. "That was for me, dahil sa ginawa mo sa akin!" angil niya. Biglang lumambot ang facial expression nito. Nakita niya na naman ang pagbalatay nang pagsisisi sa mukha nito. "I thought you forgave