"Damn it, man! I miss you!" Nag-angat nang tingin si Dominic nang marinig niya ang pamilyar na boses, akala niya ang secretary niya ang pumasok kaya hindi siya nag-aangat nang tingin. Kumunot ang noo niya nang makita ang bestfriend. Ngayon lang ito pumunta sa kompanya niya, most of the time ay nagkikita lang sila sa labas. Ang pagkakaalam niya ay nagbakasyon ito sa France kasama ang fiancèe. "Why are you here, Alaric?" tanong niya rito, may halong iritasyon ang tono nang boses niya. Sanay na ito sa kanya at sanay na rin siya sa personality nito kaya wala itong pakialam kung sungitan niya o hindi. Umupo ito sa couch, ang dalawang kamay nito ay naka- stretched sa ibabaw ng sandalan ng couch. Naka-cross legs pa ito na animo'y pagmamay-ari niya ang buong office. "Nice office Dom, it suit