"No way!" palatak ni Santa. Nanlalaki ang mga matang tingin niya sa damit. "No way I'm going to wear this Tricia!" Nagsusukat na sila ng mga damit, halos lahat nang wardrobe nito ay hinalungkat na. Wala rin siyang magustuhan na dress dahil napaka-revealing ng mga damit nito. Kanina nAng pauwi na siya ay dumeretso siya sa condo ni Tricia, doon na rin siya nag-shower at nag-dinner. Pinahiram siya nito nang bagong set na undies at toothbrush. At ngayon nga nagsusukat na sila ng mga damit, hindi niya alam kung damit bang matatawag iyon. Parang kinulang sa tela. "Ano ka ba girl! Kailangan magpaganda para sa birthday party ni Mica, alam mo bang madaming mga boylet sa bar na iyon at puro mayayaman pa!" saad nito, puno nang excitement ang boses nito. "Saang bar ba tayo pupunta?" Curious na ta