“Sir Lucas naman pwede bang mamaya ka na mangyakap at manghalik gagamotin mo ba ang binte ko o ako na lang ang gagamot sa sarili ko?” Kahit gustong-gusto ko ang yakap at halik ni sir Lucas kailangan ko muna siyang pigilan dahil nanakit ang binte ko. Nararamdaman ko ang pagkirot nito. “I’ll take care of you, Sweetie” Naghahatid nang saya sa puso ko ang lambing nang boses ni sir Lucas. Inalis niya ako sa kandungan niya at pinaupo nang maayos sa tabi niya. Kinuha niya ang binte ko at ipinatong sa kanyang kandungan. Seryoso ang kanyang mukha habang ginagamot ang sugat ko sa binte. Matapos niyang linisan nilagyan niya eto nang gamot at benda. “S-Salamat sir Lucas” Mautal-Utal kong turan dahil sa pagdampi nang palad niya sa hita ko. Ang mata ni sir Lucas ay punong-puno nang pagnanasa……Napas