Hindi ako nakapagsalita nang buhatin ako nang lalakeng masungit at isakay sa kabayo niya. Parang pang movie lang ang eksena. Feel na feel ko na sana ang moment kaya lang walang tigil ang pagsigaw niya sa akin. Ang sarap lang padugoin nang bibig niya sa kakamura…
“Fúck stop moving. Ihagis na lang kaya kita sa dagat. No one ‘gonna know if you drown” sigaw niya at mabilis na pinatakbo ang kabayo kaya napatili ako.
“Ang sama mo talaga! Ang bata-bata ko pa para mamatay” balik kong sigaw sa kanya. Nararamdaman ko ang matigas na bagay na tumutusok sa may pang-upo ko tuwing napapadikit ako sa kanya.
“Mister may tumutusok sa may puwitan ko. Ano bang mayro’n d’yan sa katawan mo? Ang tigas niya tuwing tatama sa pang-upo ko” Hindi ko na napigilan isatinig ang nasa isip ko dahil kanina ko pa nararamdaman ang bagay na ‘yon at sobrang curious ako kong ano ang bagay na ‘yon na kanina ko tumutusok sa likoran ko at naghahatid nang kiliti sa gitna nang mga hita ko…
“Jùst fúcking stop moving and stop talking kong ayaw mong iwanan kita dito” Sigaw na naman niya.
“Hindi ‘ata alam nang lalakeng ‘to ang salitang hinahon. Lagi na lang nakasigaw. Pati pagsasalita pinagbabawal na rin” turan ko nang may kalakasan para iparinig sa kanya.
“Pinaglihi talaga siguro ang lalakeng ‘to sa sama nang loob. Lagi na lang galit” sa isip ko. Dahil wala na akong ibang pagpipilian kaysa ihagis niya ako sa dagat mas pinili ko na lang na manahimik at huwag gumalaw katulad nang gusto nang mahal na prinsepe…Para na akong poste na nakasakay sa kabayo.
Ilang sandali pa narating na namin ang mala-palasyo niyang bahay. Hindi nga ako nagkamali mas malaki pa eto sa mansyon ni ma’am Alysa kaya lang parang nakakatakot. Parang isang haunted house. Walang buhay. Wala akong nakikitang mga halaman at may maliit na ilaw sa parteng kanan na hindi man lang nakatulong para lumiwanag ang paligid. Nangilabot ako nang pasadahan ko ang labas nang bahay madilim at nakakarinig ako nang mga kaluskos.
“Haunted Palace pala ‘to! Sabagay ang sungit nang may-ari kaya bagay lang siya dito. Ang laki-laki nang bahay walang ilaw sa labas” naibulalas ko ang dapat sa isip ko lang.
“What did you say?” sigaw na naman niya at mabilis na bumaba nang kabayo at tumingin sa akin.
“Alam kong narinig niya naman ‘yong sinabi ko kaya hindi ko na uulitin” bulong ko. Kahit madilim na nakikita ko pa rin ang nanglilisik niya na namang mata. Ang sarap lang tusokin para matigil siya sa pagtingin nang masama sa akin. Kaya lang pagtinusok ko ang mata niya masisira ang magandang kulay nang mata niya. Napangiti ako sa mga pumapasok sa isip ko.
“Stop smiling!”
Agad kong itinikom ang bibig ko. Mariin kong pinagdikit ang labi ko sa inis ko sa lalakeng kaharap ko. Tumalon ako mula sa kabayo nang tumalikod na eto at humakbang papasok sa mansyon niya. Kinabahan ako nang makarinig na parang alulong nang aso.
“Mukhang totoo ang sinasabi ni Claire na may multo” mahina kong turan at nakarinig ako nang kaluskos. Sa pagtalon ko napasama ang bagsak ko……
“Aray!” sigaw ko nang mapaupo ako sa lupa. Masakit ang pang-upo ko at balakang ko.
“Stúpid!” mariin na turan nang masungit na lalake. Gusto ko na naman maiyak pero pinigilan ko dahil sabi niya ang pagiyak ay tanda nang kahinaan at ayaw na ayaw niya ‘yon. Kaya kahit napapangiwi na ako sa sobrang sakit pinilit kong makatayo at pinigilan ko ang pagpatak nang luha ko. Humawak ako sa paa nang kabayo para makatayo ako na nagawa ko naman.
“Buti ka pa mabait hindi katulad nang amo mo” pagkausap ko sa kabayo at hinimas-himas ko ang puting-puti niyang buhok. Hinawak ko ang isang kamay ko sa balakang ko dahil nanakit eto at ang isa nakahawak pa rin sa kabayo. Nang tingnan ko ang lalakeng pinaglihi sa sama nang loob mariin siyang nakatingin sa kamay ko na nakahawak sa kabayo kaya agad ko etong inalis baka ayaw niyang hinahawakan ang kabayo niya.
Bumalik eto at kinuha ang kabayo. Itinali nito ang kabayo sa isang puno. Nang naglalakad na eto papasok sa bahay agad akong sumunod kahit masakit na masakit ang balakang ko. Lalo na at nakarinig ulit ako nang kaluskos. Pinagala ko ang paningin ko sa paligid at kadiliman lang ang nakikita ko. Kaya lalo ako nakaramdam nang takot. Tumakbo ako para habolin ang lalake……
“Aray!” Sa pagtakbo ko bumangga ako sa isang matigas na bagay. Tumama ang mukha ko.
“Ang bango naman nang poste na ‘to” Kinapa-Kapa ko ang nasa harapan ko.
“Ang tigas”
“Damn it! Don’t you dare touch me again kong ayaw mong mawalan nang buhay” sigaw nito at tinulak niya ako. Pumikit ako dahil tiyak na sa lupa na naman ang bagsak ko. Pero hindi ako sa lupa bumagsak muli akong napasandal sa dibdib niya at nalanghap ko ang natural na amoy niya. Nakapulupot ang braso niya sa baywang ko. Mukhang walang araw na hindi naliligo ang lalakeng nasa harapan ko. Napakabango nito. Pinaghalong shower gel at ang gamit niyang shampoo ang naaamoy ko……Inamoy-amoy ko siya.
“Ang bango mo kahit masungit ka” bulalas ko at umalis na ako sa dibdib niya baka sigawan niya na naman ako. Lalo na at sinabi niyang huwag ko siyang hahawakan. Lagi na lang sinasabi nang lalakeng ‘to na kukunin niya ang buhay ko.
“Walang awa! Ngayon lang ako nakakilala nang makalaglag panty na kagwapohan pero ang sama-sama nang ugali” sa isip ko habang pinagmamasdan ko siya.
“Don’t f*****g stare at me like that!” sigaw na naman niya kaya ibinaling ko sa ibang direction ang paningin ko at sumipol-sipol ako. Baka pag tumingin pa ako sa kanya tuloyan niya na akong itapon sa dagat.
“Sayang naman ang beauty ko kong mga pating lang ang makikinabang sa akin” mahina kong turan. Tumalikod na eto at muling naglakad papasok sa loob nang palasyo niyang haunted. Agad akong sumunod nang mapatingin ako sa kadiliman.
Nang makapasok kami sa loob namangha ako sa ganda nito. Dahil siguro mukhang haunted house sa labas dahil walang ilaw. Nang bumukas ang mga ilaw sa loob napanganga ako sa kagandahan nito. Palasyo talaga etong tingnan. Naglalakihan ang mga painting sa dingding ang hagdanan na nasa gitna; dalawa eto na nagtagpo sa itaas. Ang mga railings ay gawa sa salamin. Modernong palasyo ang pagaari nang lalakeng pinaglihi sa sama nang loob. Hindi lang isang chandelier ang makikita sa sa kisame kundi tatlong magarang chandelier na kulay ginto. Kapansin-pansin din ang isang malaking painting na taong may sungay. Nakakatakot eto. Parang ayaw kong tingnan…Agad kong inalis ang tingin ko doon.
“Bakit naman ganyan ang painting na yan nakahubad na tapos may sungay pa. Ewww!” naibulalas ko at ginalaw-galaw ko pa ang ulo ko para mawala ang imahe sa isip ko. Tumikhim ang lalake kaya napatingin ako sa kanya. Masama na naman ang tingin niya sa akin.
“Tanong ko lang sir, boss, mahal na hari magkaaway ba tayo sa nakaraang buhay natin? Lagi kang galit sa akin. Mabait po kaya ako sabi nang kaibigan ko at nang ibang kapitbahay namin. Sabi din ni Porcopio ako ang pinakamabait at pinakamaganda sa sitio Bukang-Buka—”
“Can you just fúcking shut up? Just for once!” sigaw na naman niya. Simula nang nagkita kami sa dalampasigan lagi na siya nakasigaw at masama ang tingin sa akin.
“What is your name and how old are you? fúcking tell me the truth or else I’ll throw you out” seryosong turan nito. Naupo na parang hari at hinagod nang tingin ang kabuoan ko. Pinasadahan nang dalawang beses ang kabuoan ko at muling tumingin sa mukha ko. Napasinghap ako sa malamig niyang tingin.
“My name is Liz Freya Sandoval, 18 years old from Sitio Bukang-Buka. I thank you, bow” Pang beauty pageant pa ang pagpapakilala ko para marinig niya talaga. Nakita ko na naman ang pagtaas nang gilid nang labi nito na halatang pinipigilan ang mangiti. Panandalian ko lang nakita ang pagpipigil nitong mangiti bumalik agad ang awra nitong napakalamig at parang galit sa mundo.
“Tomorrow I want you to fúcking leave my island. Paggising ko ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo dito at pag nakita pa kita dito hindi mo magugustohan ang gagawin ko sa’yo. You understand?!”
Wala pa lang pag-asa na manatili ako dito. Saan kaya ako pupunta tiyak na nakaalis na sina Claire bago pa ako makaalis bukas. Dahil madaling araw ang alis nila. Hindi na ako nagsalita baka sigawan niya na naman ako. Naging tahimik sa pagitan namin. Kinagat ko ang pangibabang labi ko dahil bigla akong nakaramdam nang kaba sa tingin nang lalake sa akin. Napahawak ako sa tiyan ko nang tumunog eto. Kanina pa ako nakakaramdam nang gutom dahil kaunti lang ang kinain kong tanghalian dahil naging abala kami sa pagaayos at pagluluto. Tiyak kanina pa nagsimula ang event sa Alysa’s Paradise.
“Follow me!” Agad akong sumunod sa kanya nang tumayo eto mula sa pagkakaupo at malalaki ang hakbang na tinungo ang isang malaking kusina na kasing laki nang buong bahay ni tita Maorine.
“Sit down!” Hindi talaga marunong magsalita ang lalakeng ‘to nang mahinahon laging nakasigaw o kaya nakasinghal.
“Kong sino man po ang nanay nang lalakeng nasa harapan ko bakit naman po pinaglihi n’yo ang anak niyo sa sama nang loob. Ang gwapo-gwapo sana…sayang” mahina kong turan. Mga salitang ako lang ang nakakarinig.
“Stop mumbling. Here you can eat bread that’s the only food I have”
“Salamat po sir—sungit” ibinulong ko ang huling sinabi ko”
“Agad kong kinain ang tinapay na binigay niya. Nagsunod-Sunod ang subo ko dahil sa gutom ko. Nang mag-angat ako nang tingin sa kanya titig na titig siya sa akin.
“Gusto n’yo po ba nang tinapay?” tanong ko. Iniisip kong gutom na din siya kaya binabantayan ako baka ubosin ko ang tinapay niya. Hindi eto nagsalita inabot lang sa akin ang tubig at umalis na sa kusina……
“Ano kaya ang problema no’n? Ayaw naman pala nang tinapay makatingin akala mo kakainin ako namg buhay” mahina kong turan at pinagpatuloy ko na ang pagkain ko nang tinapay……Matapos akong makakain tumayo ako tinungo ko ang lababo at hinugasan ang baso. Lumabas ako nang kusina at bumalik ako sa sala. Pinagala ko ang mata ko. Hindi ko na makita ang masungit na lalake……
“Ano kaya ang pangalan niya?” mahina kong turan. Pinagmasdan ko ang sofa sa harapan ko. Puti ang kulay nito. Parang nakakahiyang upoan at baka madumihan ko. Ilang beses akong bumuntong hininga…
“Saan ka na pupunta Liz? Wala ka nang ibang matitirhan. Ayaw ko nang bumalik sa Sitio Bukang-Buka” pagkausap ko sa sarili ko. Nakakaramdam ako nang lungkot. Umupo ako sa sahig. Niyakap ko ang tuhod ko at pinatong ko ang baba ko sa tuhod ko. Mabilis kong pinunasan ang luha na pumatak sa mata ko……
“I don’t want to see you crying pag dito ka tumira. Hindi ka pwedeng magpakita nang kahinaan sa harapan ko. Sumunod ka sa akin” Mabilis akong tumayo at sumunod sa kanya. Dinala niya ako sa dulong bahagi. Ang laki nang silid.
“Ibig n’yo po bang sabihin pwede na akong tumira dito?”
“Get up early in the morning pupunta tayo nang bayan” Ngumiti ako sa kanya.
“Okay po sir. Salamat po” Iniwan n’ya ako at hindi na muling lumingon. Masaya na ako na pwede na akong manatili dito……