Ysah's POV It's been a week na narito lang ako sa resthouse na pinagdalhan sa akin ni Lorenzo. Nagpapasalamat ako sa Panginoon at okay na rin ang sugat ko. And I can walk better now. "Ma'am, narito na po ang breakfast niyo. Nasa office/library po ang abuelo niyong si Mr. Genovese. Cancelled nga po pala ang flight niya patungong Italya dahil sa bagyong paparating." "Really, narito si Mr. Genovese sa Pilipinas? K—kailan lang siya narito?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay manang. "No'ng isang araw pa po." "Gano'n ba, honestly, ngayon ko lang din 'yan nalaman." "Siya nga po pala ang nagluto ng breakfast n'yo, ma'am. Sana raw po magustuhan niyo," ani manang sa akin. "Totoo?!" bulalas ko. "Yes po, ma'am." Nakangiting tugon sa akin ni manang. "Hmm..., matikman nga natin. Pakilapag an