Ysah POV Narinig ko ang ugong ng kotse. Napasilip ako sa mismong pagbukas ng gate nang pumasok ang isang sasakyan. Nang mag-park ito sa garage, napansin ko ang pag-ibis ng dalawang babae. "Si Lauren?!" bulalas ko. "At ano'ng ginagawa ng babae na 'yan dito?" takang turan ko. Napansin ko rin ang kasama nitong babae. "Hindi kaya—siya talaga si Lavinia?!" bulalas ko ulit. Para lang akong tanga na kinakausap ang sarili. Inubos ko ang aking lemonade at tumayo. Napansin ko ang pagsalubong ng aking abuelo sa dalawang babae. Naglakad ako palapit sa mga ito eksaktong papasok ang mga ito sa looban. Napansin ko kaagad ang pagkagulat sa anyo ng dalawang babae. "Ms. Montenegro?!" bulalas ni Lauren. "Hi," ani ko, napasulyap ako sa aking abuelo. Ngumiti ito sa akin, bilang respeto rito sa mga mat