The past months were really the best days of life.
Being with her is having the most wonderful feelings, lakas maka bading ang putcha pero yun talaga ang aking nadarama.
Napangiti ako ng maalala bawat mga asaran at pikunan namin ni Misha pakiramdam ko abot kamay ko na lahat lahat basta nan'dyan siya sa tabi ko.
Pero na papansin ko na may kakaiba sa kanya. Maging pati na sa dalawang kaibigan n'ya. Parang hindi lang mga basta ordinaryong babae.
Malakas ang pandama ko sa mga ganito dahil kagaya ko madami din akong lihim na itinatago.
Maging ang aking Ama wala ring
kaalam alam kung ano ba o sino ba ang anak niyang pinalaki. The tragedy that happened way back twelve years ago ay talagang lubos na nakakaapekto sa akin.
Kung sino man ako ngayon dahil din ito sa nakaraan na 'yun.
"Huwag.... Huwag po tama na po. Mommy ko.... Huwag kang aalis please po dito lang kayo.."Pakiusap ng batang ako.
Isa lang ito sa mga una kong panaginip. Akala siguro ni Dad na talagang wala akong memories with my mom. His wrong! mali talaga s'ya, alam ko lahat alam na alam ko.
May mga gabing magigising ako na sobrang pagod. Maging takot rin lalo't bumabalik sa akin kung paano namatay ang dalawang taong pinakamahalaga sa babaeng minamahal ko. Kung talagang sila ba ang pakay o ako? Hindi pa iyun klaro hahanapan ko pa ng sagot..
Akala ko iyon na ang pinaka nakakatakot na panaginip. Hindi pa pala.
Dahil paulit ulit ko din nakikita ang muka ni Misha ng gabing mamatay ang kanyang ama't ina ang takot, galit, pagkamuhi at pag aakusa.
Buhat ako ni Dad noon habang
hawak n'ya ang baril mabilis ang pang
yayari naiwan kaming anim roon,.
Oo anim naroon din si kuya Joma pero
naalala ko maraming tao doon nagsisigawan.
Lahat ay galit. Ang sabi lang isang lalaki na bumar*l sa ama ni Misha hindi mapuputol ang lahat hanggang may humihinga sa bawat angkan.
Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit at paano?.
Dahil mag mula noon na tahimik naman na ang mundo ng pamilya ko.
Pero ako iba, gusto ko ng kasagutan kaya pilit akong nag hahanap ng pwedeng maging sagot.
Napawi ang isipin ko ng tumunog ang cp ko isang text mula sa mga kaibigan ko.
Yeah may kaibigan din namn ako five kami to be exact. Pero as the years go by nadadagdagan na. Naging kaibigan ko sila dahil natitiis nilaang ugali ko. Maging ako naman rin nasasakyan koa ang ugali ng bawat isa.
Marus Manzano anak ng isang Business tycoon. Playboy na choosy.
Logan Yu nag isang tagapag mana ng akang ng mga Yu. Pero ang sira ulo kong kaibigan trip mag pretend na magsasaka. Oh diba lakas ng tama..
Hayes Hermoso anak ng may ari ng Hermoso Enterprise pero itong kaibigan ko gustong my mapatunayan..
Darius Demoso pinaka malihim we know him for the longest time pero family background wala kaming alam.
At syempre ako Thamaus Rexor Severillo the only heir of Severillo clan, bakit na ubos na kasi mga babae na lng ang natira at mga tito kong uugod ugod..
The Brotherhood that we have was extremely powerful, kung bakit yan ang aalamin nyo sa kwento ng buhay ko. Maging ng mga kaibigan ko.
Malayo na naman ang nilakbay ng isip ko ayan na intro ko pa ang mga Kwago.
Speaking di ata naka intay sa reply ko, tumunog ang cellphone ko.
" Bro" it's Logan.
"Yes Logan, Anong masamang hangin ang nalanghap mo at na patawag ka? " .. sarkastikong tanong ko.
Pero ang loko tumawa pa.
" I just want to check on you, Kamusta ka d'yan sa Indang may balita na ba?? alAny development from you and your tagay." tsimosong tanong nito.
Napakamot na lang ako sa ulo apaka tsimoso din talaga ng mga ito. But good thing s'ya lang ito at wala ang iba.
Nag tagal ang pag uusap namin ng ilang minuto matapos iyon na patingin ako sa pulsuhan ko 1 pm na pala..
Lingo ngayon nandito ako sa isang
bayan din nga cavite. Doon sa tanong ni
Misha kung may bahay ako sa indang ang sagot ay wala. Nasa trece talaga. Kung may kasama ko sa bahay meron yung katiwala. Kapatid malamang wala. Hindi ko s'ya sinagot dahil alam kong mas pagdududahan n'ya ko alam ko naman at dama ko naman nung una na iba ang kutob n'ya sakin pero sorry s'ya di pa ito tamang panahon para makilala n'ya ko..
Dumaretso ako sa Kumidor at
kumain muna. Matapos kung kumain
pumasok ako sa aking silid tinawagan
ang taong pinagkakatiwalaan ko sa kumpanya.
Gusto ko lang kamustahin kung Ano ang
mga ganap doon. mukha namang wala
pang mga ganap dahil base sa mga
sinabi n'ya sa akin maayos na maayos naman.
Hindi pa sila gumagalaw mabuti yun para hindi mahati ang atensyon ko.
Alam kong iniiwasan ako ni misha
ramdam ko. Aam kung ayaw niya na
humigit pa sa magkakilala ang na
mamagitan samin.
Pero titibagin ko ang bader na yan hindi maaribkailangan ko siyang mapaibig bago n'ya malaman kung sino ako, at anong bahagi ko sa buhay n'ya noon at ngayon.
Isa pang problema ang pagtatapos
ng school year na to. Paano pa ko lalapit kung wala ng dahilan?
Pasalamat na nga lng ako at wala lagi ang dalawang kaibigan n'ya. Malaya ko s'yang nakakasama, nasosolo ko s'ya pero ang hirap n'ya pa ding basahin.
Sa totoo lang iba't ibang emosyon ang kaya ilabas ng mata n'ya halos segundo lang pagitan.
Hindi ko kayang isipin kung ano ang dinanas niya noong mga nagdaang taon.
Isang katok sa pinto ang narinig ko ng buksan ko mukha ni manang Biray ang bumungad sa akin..
"Ah 'Hijo magpapaalam sana ako sayo na ako'y uuwi muna sa amin. May sakit daw ang nag-iisa kong kapatid at walang mag aalaga. Matandang dalaga rin iyon tulad ko. Sana'y maunawaan mo. darating naman si Melva ang isa pang katiwala s'ya muna ang bahala sayo... "mahabang paliwanag nito habang nakikisuyo at nakikiusap.
Pag alis ni manang Biray bumalik ako sa silid. Humiga sa kama at dahil din sa pag iisip unti unting hinayon ng antok ngunit bago iyon ay lumarawan ang napaka gandang muka ni Misha.
Sana lunes na agad..
mukhang tama ang mga kaibigan ko bata palang ako may tama na ko...
malala ang tama ko sayo tagay ko..