Pansin ni Yana na umalis na sina Paulo at ang mga kasamahan nito. Solo na naman niya si David. Lihim siyang napangiti. Naalala rin kaya siya nito? Kung tulog na ba siya o 'di kaya'y gising pa? Nagpakawala siya ng marahas na hininga. Napasulyap siya sa isang Ukulele. Nilapitan niya iyon at kinuha, saka niya tinungo ang maliit na balkonahe sa kwarto niyang iyon. Kumunot ang kanyang noo ng tila sintunado ito ng kanyang patugtugin. Inayos niya ang pagkaka-tono nito. Then, she lively play the Ukulele, she sang the song Someday (Crazy Love) by: Kim Chiu. Pumailanlang ang kanyang sintunadong boses dahilan para mapakunot ang noo ni David na ngayo'y nagpapahinga sa may hardin ng tree house. What the! Nailing si David at lihim na napangisi. Akala niya tulog na si Yana hindi pa pala. At ano naman