"Mabuti naman at gising ka na!" ani Yana, inayos niya ang kanyang sarili. Nalasahan pa niya ang dugo sa kanyang mga labi, palibhasa'y kinagat niya ang pang-ibabang labi ni David para lang maisalba ang sarili dito. "Damn you, woman!" muli ay mura ni David. "Damn you, ka rin! Dapat ako ang dapat magalit dahil bigla ka nalang nanghahalik!" asik ni Yana. "Kunwari ka pa, gustung-gusto mo naman!" ani David at dahan-dahang napatayo mula sa duyan. Nang hindi sinasadyang ma out of balance ang binata, siguro dahil kagagaling lang ito sa pagkakaidlip at agad na tumayo, sinubukan na tulungan ni Yana ang binata ngunit sa malas ay kapwa sila natumba sa bermuda grass. Sa malas ay tumama ang ulo ni Yana sa may dumi ng pusa na si Thompson. Napangiwi ang dalaga, samantalang si David ay nagpakawala ng