"Dito po tayo ma'am sa doctor's office," ani ng isang nurse na nag-assist kay Yana. "First, I need to check your vital signs, temperature, blood pressure and you're heart rate," pagpapatuloy ng nurse. Sumunod lang si Yana sa naturang nurse. Tahimik lang siya at patuloy na nanalangin ng tahimik. Hindi niya alam pero ibang-iba ang nararamdaman niya sa babaeng tinulungan nila kanina. There was something strange that she couldn't explain. Pumikit siya, tiyak na hinahanap na siya ngayon ni David. Hindi pa nga pala siya nagpaalam dito. Damn! Mga ilang minuto bago natapos ang nurse, napangiti siya ng qualify siyang makapag-donate ng dugo sa naturang babae. Nagalak ang kanyang puso sa tuwa. Tumayo na siya para umpisahan ang procedure. Hindi naman nagtagal ay agad iyong natapos, thirty minutes