"T — thank you, okay na ako," mahinang tugon ni Yana sa binata. "What happened, ano'ng problema?" seryoso na tanong ni David sa dalaga. Bakas sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala. "Nothing, may naalala lang ako," ani Yana, hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ng binata. Natatakot siyang malaman ni David ang kanyang nakaraan. Baka isipin nitong masama siyang tao. "This time, I won't force you to answer my question. Maybe, kung nasa tamang huwisyo ka na," saad ni David. Muli, niyakap niya ang dalaga ng may buong pag-iingat at pag-suyo. Pumikit si Yana, tila nahimasmasan siya ng mayakap ang mainit na katawan ng binata. Aaminin niyang mas naging komportable siya sa posisyon nilang iyon. Idinikit pa niya ang sarili sa matipuno nitong dibdib, she could hear his heart beat. "Gu