CHAPTER 60 Gusto kong kilalanin siya nang husto kaya naging mas interesado ako sa buhay niya. Gusto kong malaman kung anong naging buhay niya. Kung bakit umabot sa puntong nakulong siya. “Ano ulit ang nangyari sa’yo?” Umiling siya na para bang nakulitan siya sa akin. Nagkukuwento siya tungkol sa kanyang buhay nang nakaraan ngunit ako yung hindi nakikinig. Humitit muna siya sa kanyang sigarilyo. Ibinuga niya ang usok saka siya tumingin sa akin. Tumitig rin ako sa napakaguwapo niyang mukha. “Ano ba naman ‘yan Faith. Paulit-ulit ka naman eh. Hindi ka ba nakikinig sa mga kuwento ko? palibhasa, sa tuwing nag-uusap tayo laging malayo ang iniisip mo na para bang naka-focus lang lagi sa buhay mo at diskarte mo ang nasa isip mo. Ni hindi ko nga alam kung nakikinig ka sa akin talaga o dumadaan l