CHAPTER 82 “Request denied, pakiayos ang inyong mga kliyente, counsel. Huwag nating gawing parang eskwelahan ang sala ko!” malakas na tinuran ng judge. “Please, kahit sandali lang ho, your honor!” “Gjiam ano ba! Tumigil ka na ha!” singhal ni Mayor. Tinignan ko ang judge. Wala siyang reklamo. Nakita kong parang nag-uusap ang mga mata nilang dalawa ng Judge. Ramdam kong may sabwatang nangyayari at hindi ko lang makumpirma. Wala kaming nagawa ni Gjiam. Hindi siya pinagbigyan. Nagpatuloy ang pagtatanong ng abogado niya. “Mr. Olivarez, maari mo bang isalaysay sa hukumang ito ang buong pangyayari? Magsimula tayo nang gabing sapilitan kang dinala ni Miss Faith Sandoval sa isang hotel?” Tumingin si Gjiam sa Daddy niya na noon ay nakatayo at dinuduro na siya. May sinasabi ito ngunit hind