CHAPTER 81 Matagal muna bago umakyat si Gjiam sa witness stand. Panay ang bulong ng Mommy at Daddy niya sa kanya pero nakakapit siya sa kanyang upuan at nakayukong umiiyak. Parang alam ko na agad ang mangyayari. Natatakot na ako sa maari niyang sabihin ngunit kumakapit pa rin ako. Naroon pa rin ang tiwala kong hindi niya ako bibiguin, na hindi niya ako papabayaang mabulok sa kulungan. Nangako siya at iyon ang kinakapitan ko. Hanggang sa bago siya magsalita ay tumingin muna sa akin at nabasa ko sa kanyang mga labi ang pagbigkas ng “sorry” saka siya yumuko. Para na akong pinagsakluban ng langit at lupa. Mukhang alam ko na agad ang aking aasahan. Ngunit sana hindi. Nagawa kong bumulong ng “please” sa kanya habang nakatingin siya sa akin habang magkasaklob ang aking mga palad na parang nagda