CHAPTER 84 Nakaplano na kung sino ang aking isusunod. Yung isa na siyang unang nanuntok, nanipa sa aking tiyan nang paulit-ulit kaya ako nakunan. Dito ako mas may matinding galit ngunit gusto ko sa simpeng paraan lang siya mamatay ngunit dama niya yung sakit ng tiyan at lalamunan. Yung gumapang siya sa sakit na kanyang nararamdaman. Gusto kong maramdaman niya yung unti-unting nasusunog ang kanyang tiyan at gusto niyang iluwa kasama ng kanyang bituka. Siya ang sinasabi ni Rocky na pinakapinuno nila at gusto kong pahirapan nang husto sa aking paghihiganti ngunit hindi sa paraang ginawa nila sa akin. Parehong kamatayan ang ipapataw kong parusa kagaya nang sa nauna bilang kabayaran sa ginawa niyang pagpatay sa aking anak. Simpleng paghihiganti na muna ang gagawin ko dahil gusto ko ring kahit