CHAPTER 1

1079 Words
HARMONEE NAALIMPUNGATAN ako dahil sa malakas na pagtapik sa braso ko. "Hoy bumangon ka na! Magluto at maglinis ka na sa labas, anong oras na nakahilata ka pa rin diyan?!" bulyaw sa akin ni Apollo. Bumangon kaagad ako. Hindi pa man ako nakasagot sa kanya ay tinalikuran na niya ako at padabog niyang sinarado ang pinto. Ang aga-aga ang init ng ulo, anong nangyari do'n? Inuna kong ligpitin ang higaan bago lumabas. Nagluluto, naglalaba, namamalantsa at naglilinis, yan ang ginagawa ko dito sa bahay sa loob ng isang taon naming pagsasama bilang mag-asawa. Araw-araw iyon at walang palya. Hindi siya nag-abalang kumuha ng katulong dahil dagdag gastos lang daw at kaya ko namang gawin ang mga gawaing bahay which is totoo naman. Living in an exclusive village here in South Ridge is like living in hell pakiramdam ko katulong ang turing niya sa akin. Hindi niya ako pinapayagang umalis kasama ng mga kaibigan ko. Lalabas lang ako kapag pupunta ng grocery. Minsan naisip kong umalis at layasan siya pero nanaig pa rin ang pagmamahal ko sa kanya.  Pagkatapos kong maglinis ay naglista ako ng mga bibilhin. Mag-grocery ako dahil wala nang laman ang fridge. Nagagalit pa naman siya kapag nakikitang kaunti lang ang laman nito. Pumunta ako mag-isa upang mamili ng mga pangangailangan sa bahay. Bitbit ang tatlong malaking ecobag ay umuwi agad ako, hindi na ako dumaan kung saan-saan pa dahil siguradong magagalit sakin ang asawa ko. Nang makarating ay bubuksan ko sana ang pinto ngunit napatigil ako dahil naka-lock ito. "Bakit naka-lock? Nandito lang naman siya?" Nilapag ko muna ang bitbit, at kinuha sa wallet ang duplicate key na binigay niya sa akin. Binuksan ko ang pinto at kinuha muli ang tatlong mabibigat na ecobag. Subalit napatigil ako nang marinig ang ingay sa loob, tila humahagikhik na boses ng babae. Tumuloy ako sa sala at sabay silang napalingon nang mapansing dumating ako. Tila huminto ang ikot ng mundo ko nang makitang may ibang babaeng kalampungan ang asawa ko. Nakaupo sila sa sofa at nakadantay ang mga kamay ng babae sa hita ni Apollo. Parang hiniwa ng punyal ang dibdib ko sa sakit. Ngunit hindi ako nagpatinag kahit pareho nila akong tinitingnan. Tumawa ang babae ng malakas at sinuri ako mula ulo hanggang paa. "Sino siya?" baling niya sa asawa ko. "My housemaid," malamig niyang tugon. Napalunok ako para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. He denied me. He's lying. Tiningnan ko siya ngunit nag-iwas ito ng mukha. "Ah siya pala ang sinasabi mo sakin,"  "Oo," maiksing tugon ni Apollo. Nakaramdam ako nang pagkapahiya at pagkadismaya sa mga sinabi niya. Nag-init ang mukha ko at anumang oras ay dadaloy na ang namumuong luha sa mga mata ko. Pinipigilan ko lang para ipakita sa kanila na hindi ako marupok. I'm not Fragile like what they think. "Bakit tulala ka pa diyan? Ipasok mo na yan sa kusina!" mataray na sigaw sa akin ng babae.  Kapal ng mukha! Hinayaan lang siya ni Apollo na sigawan ako. Pigil ko ang sariling ibato sa kanya ang ecobag na bitbit ko. Yumuko ako at dahang tinungo ang kusina ni hindi ko alintana ang ngalay sa kamay dahil sa bigat ng dala ko. Mas nanaig ang sakit na nararamdam ko ngayon. Pabagsak kong tinapon ang mga pinamili sa sahig. Bumuga ako ng hangin para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Bakit siya nagdala ng babae dito? Hindi ba niya nererespito ang kasal namin? Napalingon ako sa gawi nila nang marinig ulit ang tawanan nila lalo na ang babae. Akala mo'y kinikiliti kung makahiyaw ay wagas. Pagkatapos kong ligpitin ang mga pinamili ay lumabas ako at tinungo ang pool sa labas dahil ayokong marinig ang mga boses nila. Sa kusina ako dumaan para hindi nila makita.  So, tama nga ang hinala ko. I am just a maid for him. Alila at katulong lang ako para sa kanya. Ang sakit! Ang sakit isipin na ang lalaking akala mong magbibigay sayo ng magandang buhay ay yon rin pala ang magiging dahilan kung bakit ka nasasaktan. Hindi ko na namalayan ang pagbalong ng luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi na kinaya ng mata ko ang pigilan pa ang luha nito. Kusa na itong dumaloy dahil sa sobrang hapdi at sakit na nararamdaman ko. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng pag-alis ng sasakyan. Binaliwala ko iyon ngunit bahagya akong napalingon ng tawagin ako ng asawa ko.  "Harmonee!" malakas na tawag niya sakin. Hindi ko siya tiningnan dahil masama ang loob ko sa kanya. Umikot siya sa harap ko at inangat ang mukha ko para matingnan siya.  "Can you please stop crying, Harmonee! It was Trina, ang nakita mo kanina ay wala lang yon, nag-uusap lang kami, we're talking about business," aniya.  Tinabig ko ang kamay niyang humahawak sa pisngi ko. "Business? Linggo ngayon Apollo pero business pa rin ang inaatupag mo! What about me?!" singhal ko sa kanya. "Pwede ba Harmonee stop this nonsense, okay?!" Napangisi ako ng hilaw. "Wow, nonsense?! Nonsense ba sayo ang sabihin sa babaeng yon na katulong mo ako dito, ha?! How dare you?! Hindi mo man lang ba naisip ang mararamdaman ko?!" bulyaw ko sa kanya. Natigilan siya at hindi nakapagsalita.  "Pwede ba Harmonee, kailangan kong kunin ang loob niya dahil isa siya sa mga investor ng kumpanya." paliwanag niya. "Ows kunin ang loob?! Kaya pala hinahayaan mong hawakan ka niya? Ganun ba?! Alam mo kung hindi ako nakapagpigil kanina baka naingudngod ko sa sahig ang mukha niya." sumasabog na ako sa selos at galit. "Yan ang huwag mong gagawin Harmonee, dahil ayokong mawala ang pinaghirapan ko para lang sa kumpanya!" untag niya. "Negosyo! kumpanya! yan na lang parati ang inuuna mo! Ni wala ka nang oras sa akin! Bakit mo pa ko pinakasalan kong ganitong buhay lang din pala ang ibibigay mo sa'kin?!" "Tumigil ka na pwede ba!" singhal niya pabalik sakin. Saka ako tinalikuran. Hindi man lang siya humingi ng pasensiya. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ko. Mas mahalaga pa para sa kanya ang negosyo at kumpanya niya.  "Ano Harmonee, kaya pa ba? Hanggang kailan ka magiging marupok diyan sa asawa mo? Hanggang kailan mo panghahawakan ang pangakong binitawan niya noong araw ng kasal niyo? Hanggang kailan ka magtitiis sa piling niya?" tanong ko sa sarili.  Tanong na hindi ko alam ang kasagutan. Ang alam ko lang mahal ko siya. Hangga't kaya ko ay mananatili ako sa kanya. Pinili ko siya  at iniwan ang pamilya dahil ang buong akala ko mahal niya rin ako at sasaya ako kasama siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD