CHAPTER 2

1130 Words
HARMONEE I WAS sitting at the edge of bed while watching the teleserye of my favorite actress Avianna Alejandro. Hinihintay ko ang pagdating ni Pol na hanggang ngayon ay hindi pa nakakauwi. Dapat alasingko or alasais ay nasa bahay na siya kapag wala siyang ot. Pero nitong mga nakaraang araw ay palagi siyang late kung umuwi. Hindi ko alam kung saan siya pumupunta, ni hindi man lang nagpapaalam sakin. At dahil ayokong mag-away kami ay hinahayaan ko na lang at iniisip baka tungkol pa rin sa trabaho ang nilalakad niya. Hours has passed at natapos na ang pinapanood ko malapit na rin maghating-gabi pero wala pa rin siya. I tried to dialled his number and it took second when he answered the phone. But I was halted dahil babae ang sumagot ng tawag ko. Tiningnan ko pa ulit ang cellphone kung tama ba ang numero na tinawagan ko.  "Who's this?" tanong ng nasa kabilang linya. "Hello? I'm calling my husband, Cathy is this you? Where's Apollo?" I asked reffering to Cathy na secretary ni Apollo. "No, this is not Cathy. Wife?" Tumawa ito at bakas sa tono nito ang pang-uuyam. "Pol never told us that he has a wife kung ikakasal man siya kami dapat ang unang makaaalam non, so stop pretending lady kung sino ka man, he's peacefully sleeping beside me, he's tired, I don't want to disturb him, Okay? Bye!" aniya at pinatay ang tawag. Nang marinig ang sinabi niya pakiramdam ko nag-akyatan ang dugo sa ulo ko. "Sleeping beside me? Tired?" Hindi na ako nakapagsalita pa dahil pinatayan niya ako. Sino ang babaeng yun? Sinubukan kong tawagan ulit ngunit nakapatay na ang cellphone ng asawa ko.  Pinipigilan ko ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Nanginginig ang mga kamay ko, nagpupuyos sa galit ang dibdib ko. Mga hayop! Gusto kong sugurin sila, pero saan? Hindi ko alam kung nasaan sila! Hindi ko rin ma-track dahil patay ang cellphone niya! Tinawagan ko si Engr. Primo baka alam niya kung nasaan si Apollo subalit hindi rin daw niya alam kung nasaan ito. Pinagtatakpan ba niya si Apollo dahil kaibigan niya ito? Hindi ko siya masisi kung kay Apollo ang loyalty niya natural kaibigan niya yun. Sa inis ko ay pinatay ko ang TV at hinagis sa sahig ang remote. Wala na akong pakialam kung nasira yun. I was mad. I was jealous. Kung anu-anong eksena ang pumapasok sa isip ko. Sino ang babaeng yun? Yun din ba ang babaeng dinala niya dito? Si Trina? Sa pag-iisip ko hindi ko namalayan ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko. Kusa na itong kumawala. It hurts, It really hurts, my heart is aching thinking of a man I love sa piling ng ibang babae. Hindi ba siya masaya sakin? Hindi pa ba ako sapat para sa kanya? Ano bang wala sakin at naghahanap pa siya ng iba?  Hindi na ako nakatulog sa kakaisip. Hanggang sa marinig ko ang pagdating ng sasakyan. It was him. Tiningnan ko ang oras at alastres na ng madaling araw. Wow! Feeling binata lang? Na kung anong oras maisipang umuwi ay saka pa lang uuwi? Hindi niya iniisip na may asawa siyang naghihintay at nag-aalala sa kanya. Umayos ako ng higa at nagkunwaring tulog dahil ayokong makita niyang paga ang mga mata ko. Gusto ko mang sumbatan at saktan siya pero para saan pa? Paano kung hiwalayan niya ako at si Trina ang piliin niya. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya ko? Pinaglaki ko pa naman siya sa lahat pati sa mga kaibigan ko na matinong lalaki siya at hinding-hindi niya ako lolokohin at sasaktan. Pero tila kabaliktaran naman ang nangyari sa pagsasama namin.  Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Nakita kung kumunot ang noo niya at dinampot ang remote sa sahig. Nakatagilid ako at nakaharap sa pinto at bahagya lamang ang pagpikit ng mata ko. Dumeretso siya sa closet at nagpalit ng damit at humiga patalikod sakin. Ni hindi ako nilapitan para hagkan...pakiramdam ko para lang akong hangin sa kanya, I'm Invisible. Tsk! Kailan ka pa ba masasanay Harmonee? Isang panibagong agos na naman ng luha ang dumaloy sa mata ko bago hilain ng antok sa madaling araw.. "Hey! Harmonee! Get up!" Nagising ako sa malakas na sigaw. Pinilit kong minulat ang mga mata kahit sobrang antok pa ako. Nilingon ko ang wallclock na nakasabit katabi ng wedding frame namin and it says 6:45 in the morning pa lamang. Dalawang oras pa lang mula nang natulog ako at heto kailangan ko nang magising ulit. "Get ready, aalis tayo," aniya.  "Ha? Saan tayo pupunta?" taka kong tanong. "We're going to attend the meeting," Kumunot ang noo ko. Meeting? Ako? Isasama niya?  "B-Bakit mo ako isasama? Wala naman akong alam diyan," tugon ko. "Stop asking, you need to be there, you need to show up. It's a meeting for Home association and we need to be there as a share holder." Tumango na lamang ako at hindi na sumagot. Pinilit kung ibangon ang mabigat kong katawan dahil sa sobrang antok. Isinantabi ko muna ang hilo at antok ko. Mamaya ko na lang siguro itutuloy ang pagtulog ko. I act normally infront of him like nothing happen last night. He had no idea na alam kong ibang babae ang kasama at katabi niyang matulog kagabi. The inevitable ache is still here in my heart shouting for pain. But what can I do?  Paglabas niya ng kwarto ay pinilit kong maligo kahit puyat ako. I need to look good infront of his friends at para wala siyang masabi sakin. Make will do sa paga kong mata at eyebags.  "What happen to your eyes?" tanong niya habang pinagmamasdan at sinusuri ang mukha ko. I cleared my throat bago siya sinagot. "W-Wala to, nakakaiyak kasi yung pinapanood ko kagabi," I denied. "Then stop watching those movies, look at yourself? Mukha kang zombie, haharap ka sa mga tao mamaya!" mataas na ang boses niya. Napapikit ako at napakuyom ang mga kamao ko. "G-Gawan ko na lang ng p-paraan.. madadala naman to sa make-up," tugon ko. He shookt his head like he was disappointed. Mataman niya akong tiningnan pero iniwas ko ang mukha. "Can you please fix yourself Harmonee? Narito ka lang sa bahay at wala kang ginagawa hindi mo pa maayos-ayos ang sarili mo!" He complained. Bumuntong hininga ako. "Sige na magluluto muna ako," sabi ko na lang para tapusin ang usapan dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili at mauwi na namin kami sa pagtatalo. Hindi ko na hinintay ang susunod pa niyang sasabihin dahil tinalikuran ko na siya.  Kaya ko pa naman siyang tiisin, kaya ko pang magpanggap na walang alam. Pero sana huwag humantong sa araw na tuluyan na akong mawalan ng gana at walang pakialam sa kanya. But for now I need to be strong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD