"Girl, ano'ng nangyari sa'yo? Bakit absent ka kahapon?" bungad ni Mika sa akin pagdating na pagdating ko sa classroom.
"At saka ano 'yang nasa leeg mo? Bakit may pula?" kuryosong sabat naman ni Rachelle.
Mabilis na lumingon si Kirby sa akin, nagtatanong ang kanyang mga mata. Hindi ko kayang tagalan ang titig niya kaya naman nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya.
"Nagkasakit kasi ako kahapon kaya ako um-absent. Pasensya na, hindi ako nakapagsabi. Masama kasi talaga ang pakiramdam ko kahapon," pagdadahilan ko.
"Eh bakit may pula sa leeg mo?" Ulit ni Rachelle.
"Allergies. Nakakain kasi ako ng hipon no'ng isang gabi. Noon ko nga lang din nalaman na may allergies pala ako sa seafood." I let out an awkward laugh after saying those words. Ayaw kong magsinungaling, pero ayaw ko ring magsabi ng totoo. Duwag na kung duwag, ngunit hindi pa ako handang mahusgahan ng mga taong ito.
Tumama ang mga mata ko kay Kirby, at nakita kong nakatitig pa rin siya sa akin. Nakakunot ang kanyang noo at halatang hindi naniniwala sa mga sinasabi ko. Muli ay umiwas ako ng tingin sa kanya. Kinakabahan ako, at natatakot ako na baka mabasa niya sa mukha ko na nagsisinungaling ako.
Buong araw ay halos hindi ako makapag-concentrate sa klase dahil ramdam na ramdam ko ang mga titig ni Kirby kahit hindi ako nakatingin sa kanya. I can sense that he's dying to ask me something, and the only thing that stops him is the fact that we're still in class. Pilit kong inignora ang presensya niya sa takot na mahalata niya ako.
Habang kumakain kami nina i
Mika at Rachelle sa cafeteria ay napag-usapan namin ang tungkol sa Thesis. They filled me with the details I missed, and I listened to them intently. "Mamaya, sa library na lang tayo ha. Kahit one hour lang. Tapusin lang natin iyong ibang write-ups," ani Mika.
Tumango ako. Kinuha ko ang cellphone ko para magpaalam kay Damon na baka gabihin ako. Gusto ko rin sanang bumisita sa ospital, pero marami pa akong kailangang gawin sa eskuwelahan at kailangan ko ring mag-review dahil malapit na ang midterms examination namin. The last thing I'd want is a failing grade. Gusto ko na kapag gumising si Tatay ay maipakita ko sa kanya na hindi ko napabayaan ang pag-aaral ko. Knowing him, kapag bumagsak ako ay sigurado akong sisisihin niya ang sarili niya, kahit pa wala naman talaga siyang kasalanan.
Ako:
Damon, baka gabihin ulit ako ngayon. Kailangan naming mag-extend para sa Thesis namin.
Ilang minuto pagkatapos kong ipadala ang mensahe ko sa kanya ay mabilis akong nakatanggap ng reply.
Damon:
Okay, baby. Just text me when you're done. I'll be waiting.
I told him okay, at tinago ko na ang cellphone ko. Inayos ko rin ang buhok ko para itago ang mga markang iniwan ni Damon sa leeg ko.
Pagdating ng hapon ay naroon na kami sa library. Muli akong ginapangan ng takot, lalo na at napapansin ko na panay ang tingin ni Kirby sa akin. Tila ba naghihintay lang siya ng tamang pagkakataon para maisatinig ang kanyang tanong. Nang hindi ko na matagalan ang paninitig niya ay nagpaalam akong kukuha ng iba pang reference books.
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa isang book shelf. Nasa tagong bahagi na iyon ng library kaya wala gaanong tao roon. Napasinghap ako nang may biglang humila sa kamay ko. Muntik pa akong mapatili kung hindi lang mabilis na tinakpan ni Kirby ang bibig ko. Hinila niya ako sa sulok ng library, saka niya sinipat ang leeg ko. Mabilis akong lumayo sa kanya at tinakpan iyon ng kamay ko.
"That's not caused by an allergy," mariin niyang saad. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pilit na inihirap sa kanya. "What really happened to you, Cassandra? Hindi ako naniniwala na nagkasakit ka lang basta-basta."
"Ano'ng bang pinagsasabi mo, Kirby? Of course, I was sick yesterday. Mataas ang lagnat ko kahapon at masakit ang buong katawan ko dahil sa trangkaso kaya hindi ako pumasok," paliwanag ko. Habang nagsasalita ay hindi ko magawang tumingin sa kanya. Kahit na ba totoo na nagkalagnat ako, pakiramdam ko ay parang excuse lang iyon para pagtakpan ang totoong dahilan kung bakit wala ako kahapon.
"Sinungaling," aniya. His eyes pierced through me, as if stripping the truth from me. Napalunok ako. "I know what that is, Cassandra. That's a hickey, and we both know it wasn't caused by an allergy."
Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Tinulak ko siya palayo sa akin, ngunit maagap niyang nahawakan ang kamay ko. "Please, Cassandra. Kung tinatakot ka niya, sabihin mo sa akin. I can help you. I'll protect you—"
Umiling ako. Nagbadya ang luha sa mga mata ko. Para bang nahuli niya ako sa akto kahit na ang totoo ay wala siyang alam. "Tama na, Kirby. Hindi mo alam ang sinasabi mo. Tama na."
"Siguro nga hindi ko alam ang buong kwento, pero sapat na ang nakita ko para malaman kung ano'ng mayroon sa inyo, Cassie," seryoso siyang nakatitig sa mga mata ko. Naroon ang pagsusumamo na sundin ko siya, ngunit alam ko sa puso ko na hindi ko kayang ipahamak si Damon. Kung ano man ang mayroon kami, sa amin na iyon. Labas na ang kung sino man sa mga kaibigan ko roon.
"Wala kang alam, Kirby. Kung ano man ang iniisip mo, sarilihin mo na lang iyon. I don't need your opinion," matigas kong sagot, saka ako tumalikod.
"Cassandra, pag-isipan mo ang sinabi ko. You don't have to be afraid. I'm here. Nandito lang ako para sa'yo," pahabol niya.
Hindi na ako sumagot. Bumalik ako sa puwesto namin at nagsimulang magsulat kahit na parang lumilipad ang isipan ko. Bumigat ang dibdib ko sa naging pag-uusap namin ni Kirby. Sa mga panahong katulad nito, kung kailan nalulunod ako sa dagat ng mga isipin, isa lang gusto kong kausapin. Bigla ko tuloy na-miss si Tatay. At dahil doon, hindi ko napigilan ang tahimik na paglandas ng luha sa mata ko.
T-in-ext ko si Damon na tapos na kami. Mag-isa lang akong naglalakad patungo sa parking lot ng University kahit pa muling nagpresenta si Kirby na ihahatid niya ako. Sumunod pa rin siya sa akin kahit na iniiwasan ko na siya simula kanina.
"Kirby, please. Huwag mo na akong sundan. Kaya ko ang sarili ko," sita ko nang makita ko siyang naglalakad sa likod ko.
Saglit siyang tumigil at bumuntong hininga. "I just want to make sure that you're safe. Hindi kita guguluhin," pagsuko niya.
"I know. But please, trust me when I say na kaya ko ang sarili ko. I appreciate your concern, but I'm really fine." Sinubukan kong ngumiti sa kanya, baka sakaling umalis na siya. Hindi rin ako mapakali dahil natatakot ako na baka maabutan ulit siya ni Damon. I don't want to be punished again.
"Alright," aniya. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palayo. "I'll go ahead," narinig ko pang paalam niya.
Para akong nabunutan ng tinik nang wala na siya. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Pilit kong kinalma ang sarili ko nang makitang papalapit na ang pamilyar na kotse ni Damon. Agad akong lumapit, ngunit mabilis siyang nakababa at lumapit sa akin. Napalunok ako sa kaba nang makitang seryoso ang kanyang mukha. Nakita niya ba si Kirby?
Imposible. Sinubukan kong ngumiti. Nagulat na lang ako nang mas inilapit pa niya ang sarili niya sa akin at ginawaran ako nang marahang halik sa mga labi. Namilog ang mga mata ko sa gulat, ngunit bago pa man ako makapag-react ay hinawakan hinawakan niya ako sa baywang at hinila palapit sa kanya upang mas lumalim pa ang mga halik namin.
My heart pounded so loud and fast inside my chest. Para bang sasabog ito sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Nang pakawalan niya ang mga labi ko ay isang nakakalokong ngisi ang sumilay sa mga labi niya. Agad kong nilibot ang mga mata ko upang masigurong walang nakakita sa amin. Nakalayo na siguro si Kirby, hindi ba?
Kinakabahan pa rin ako nang muli kong ibinaling kay Damon ang mga mata ko. Ang kaninang ngisi ay biglang naglaho, at napalitan ng kaseryosohan ang kanyang ekspresyon.
"Sinong hinahanap mo? Are you afraid that someone might see us?" He asked.
Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. Sa totoo lang ay naninibago ako sa kanya, para bang mas naging mapang-angkin siya ngayon.
"Are you afraid that the man I saw last time might see us?" Malamig niyang tanong nang hindi ko nasagot ang nauna. Mabilis akong umiling. Ayaw kong mag-away na naman kami. Pagod na ang utak ko sa mga requirements sa school, at isa pa, gusto kong makita si Tatay ngayon. I need to see him, to remind myself of the things I should stay focused on.
"Hindi naman sa gano'n, Damon..." Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi lang ako sanay sa ganito. I have never kissed a guy in public." Yumuko ako, pilit na iniiwasan ang kanyang mainit na titig.
"Good. Because I honestly don't care if anyone sees us here. In fact, I would be happy to show everyone here that you're taken. You. Are. Mine. Cassandra," mariin niyang sagot. "And besides, dapat masanay ka na. Because from now on, I'll kiss you whenever I want. And wherever I want."