CHAPTER NINE

1871 Words
After his confession, Damon fell silent. I didn't say a word either. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko. Isang bahagi ng utak ko ang nagsasabi na imposibleng totoo ang sinasabi niya gayong kailan lang kami ng nagkakilala. But I can't deny that a part of me also feels happy with his confession. It made my heart feel lighter, and everything around me brighter. We didn't talk even when we reached the hospital. It was like a routine, one that I wished would break. Gustong-gusto ko na talagang gumising si Tatay. Nakatungo lang ako sa kanyang tabi, hawak-hawak ang kanyang kamay at walang tigil sa pagkausap sa kanya at paghiling na sana ay gumising na siya dahil miss na miss ko na siya. Sa gilid ko naman ay matamang nag-uusap si Dr. Garcia at si Damon. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil sa hina ng kanilang boses, ngunit napansin ko ang pabalik-balik na tingin ng doctor sa akin at kay Tatay habang mariin at may pagbabanta naman ang tinging pinupukol ni Damon sa kanya. Kinain ng kaba ang sistema ko. May hindi ba sila sinasabi sa akin? Tungkol ba iyon kay Tatay? Masama ba ang kanyang lagay? Nang hindi na ako makatiis ay hinarap ko sila. "May problema po ba kay Tatay, Doc?" kinakabahan kong tanong. Umiling siya, ngunit hindi ako kumbinsido. May kung ano sa tinginan nila ni Damon, na nagbibigay sa akin ng kakaibang pangamba. "Your father is stable as of now, Ms. Mondreal. He's recovering, and he's positively responding to medication," paliwanag ng doctor. Binalingan ko ang walang malay na si Tatay. Kung maayos naman pala ang lahat, bakit hanggang ngayon ay tulog pa rin siya? "Kung ganoon, doc, bakit hindi pa rin po siya gumigising? Magdadalawang buwan na po siyang tulog." Nanghihina kong tanong. Paano kung sinasabi niya lang na okay si Tatay para hindi ako mag-alala, ngunit ang totoo ay malala na pala siya? Tila ba tinusok ng libu-libong karayom ang puso ko sa isiping iyon. Nagmamakaawa ang mga matang bumaling ako sa doctor, ngunit nag-iwas lang siya ng tingin. "Like I said, Ms. Mondreal, we cannot really tell when he will wake up. Wala na sa atin ang makapagsasabi kung gigising ba siya ngayon, bukas, sa makalawa o baka hindi na. What we can do is to continue praying for him, and talking to him every chance we get. Makatutulong iyon para mas maging mabilis ang kanyang paggaling." He paused, then heaved a deep sigh. "Also, we'll run another set of tests and another CT Scan to check if there are abnormalities that may be a reason why he's still in comatose." Tumango ako. Tama naman siya. Ang tanging magagawa ko ay manalangin para sa kaligtasan ni Tatay. Hinigpitan ko ang paghawak sa kanyang kamay, humuhugot ng lakas ng loob upang patuloy ba tibayan ang paniniwala ko na gigising siya. Hindi nawala sa isipan ko ang palitan ng tingin ni Damon at Dr. Garcia, kaya naman hanggang sa pag-uwi namin, tahimik din ako. Kahit anong pagpalubag ng loob ang gawin ko, bumabalik pa rin ang pangamba at takot sa isipan ko. Dala-dala ko ang takot na iyon hanggang sa eskuwelahan. Kasalukuyan kaming nasa library para mag-research tungkol sa Thesis namin. Kasama ko ang mga kagrupo ko na sina Rachelle, Mika at ang nag-iisang lalaki na napabilang sa amin, si Kirby. Hindi nakatakas sa akin na panay ang kanyang mga nakaw na tingin, ngunit hindi ko iyon pinansin. Matagal na rin siyang nagpapahaging sa akin, ngunit wala pa talaga sa isipan ko ang pakikipag relasyon noon. Mabait naman si Kirby, at matalino. Sadyang wala lang talaga akong panahon noon. Ngunit ngayon, kahit pa siguro marami akong panahon, natatakot ako'ng hindi ko pa rin aiya mapagtutunan ng pansin. I'm afraid that I can no longer give time or affection to anyone, because Damon ruined everyone for me. Simula nang nakilala ko siya, nagbago na ang lahat sa buhay ko. "Okay ka lang?" Narinig ko ang boses ni Kirby na siyang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Nginitian ko siya. "Okay lang ako. Pasensya na, I spaced out." Humingi ako ng paumanhin sa kanila. "It's alright, Cassandra. Naiintindihan ka namin. Alam naming hindi madali ang pinagdaraanan mo ngayon." Ngumiti si Mika at hinawakan ang kamay ko. Guminhawa ang pakiramdam ko sa isiping napunta ako sa mga mabubuting ka-grupo. Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatitig si Kirby kaya napalingon din ako sa kanya. Tipid siyang ngumiti. "Magiging maayos din ang lahat, Cassie. Darating din ang araw na muling gigising ang Tatay mo," aniya. Hindi ko inasahang hahawakan niya ang kamay ko, kaya natigilan ako. "Just keep on praying. The Lord listens, even to our silent prayers." Agad niya rin iyong binitiwan at nag-iwas ng tingin, saka niya muling tinuon ang kanyang atensyon sa binabasang libro na gagamitin namin bilang isa sa mga references namin. "Uy! Ano iyan?" nanunukso naman ang tono ni Rachelle. Napailing na lang ako, pero hindi na ako sa sumagot. Saga sumunod na araw, mas lalo pa kaming naging abala. Araw-araw kaming nasa library sa tuwing may vacant time kami, ngunit sa araw na ito, nagpasya kaming sa study shed na lang gawin ang write-ups namin. Kaming tatlo pa lang ni Mika at Rachelle ang naroon dahil umalis pa si Kirby para bumili ng snacks namin. "Napapansin namin na panay ang tingin ni Kirby sa 'yo, Cass. Mukhang may gusto siya sa'yo," puna ni Mika. Kinibit ko ang balikat ko at nagkunwaring walang alam. "Hindi ko alam, baka naman napapatingin lang. Huwag niyo ngang lagyan ng malisya. Alam niyo namang wala pa akong oras para riyan." Nag-iwas ako ng tingin. Walang oras, kaya pala nakikipaglaro ka ng apoy kay Damon, sitsit ng traydor na utak ko. "Naku, graduating na rin naman tayo. Saka bagay ba bagay kaya kayong dalawa. Maganda ka, gwapo naman siya," ika ni Rachelle. "Hindi naman ako bumabase sa panlabas na anyo ng isang tao. Bonus na lang iyon. Mas gusto ko iyong taong may magandang kalooban," mahina kong sagot. Pumasok sa isipan ko si Damon. Katulad niya, isang mabait na estranghero. Kahit hindi niya kami kaano-ano ay tinulungan niya pa rin kami. Kulang pa ang sarili ko para matumbasan ang nagawa niyang tulong sa amin. "Mabait rin naman—" "Sshhh!" putol ko sa sasabihin ni Rachelle nang namataan ko si Kirby na naglalakad na papunta sa shed. Katahimikan ang bumungad sa kanya nang umupo siya sa tabi ko. "Bakit ang tahimik ninyo?" Nagtatakang tanong niya. "Wala. Naging abala lang kami sa pagsusulat," maagap kong sagot. Tumango naman si Kirby. "Siya nga pala, mag meryenda muna tayo. Etong sa'yo, Cassie," aniya. Inabot niya sa akin ang isang soft drinks na nasa lata, at isang ham and cheese na sandwich. Mabilis na kumislap ang mga mata ni Rachelle at Mika, at sa likod ng kanilang tipid na mga ngiti ay ang mapanuksong mga mata. "Ehem... Parang ang daming langgam dito, Mika. Kinakagat ako," parinig ni Rachelle. "Oo nga, e. Ako rin, parang kinakagat ng langgam..." pakikisakay naman ni Mika. Binalingan ko sila at sinaway, ngunit tumawa lang sila. Nang lingunin ko naman si Kirby ay may multo ng ngiti sa kanyang labi, habang nakanguso siya. He looked cute, but I don't why I couldn't feel anything towards him. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko nararamdaman sa kanya ang nararamdaman ko kay Damon. Walang kaba, walang mabilis na pagtibok ng puso. Wala ako'ng ibang nararamdaman sa tuwing nagdidikit ang mga balat namin. Hindi katulad kay Damon, na sa tuwing nagkakatabi kami ay parang mayroong kuryente na dumadaloy sa mga balat namin. I sighed. Bakit ko ba pino-problema ito, gayong mayroon pa ako'ng mas malaking problema na dapat isipin. I chose to ignore them, and concentrate on my work instead. Nangangalay na rin ang batok ko sa kakayuko, kaya nag-inat muna ako. Doon ko napansin na unti-unti na palang dumidilim ang paligid. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang orasan. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang alas sais y media na pala. Kailangan ko pa palang pumunta sa hospital! Nang buksan ko ang cellphone ko ay kinain ako ng labis na kaba. Halos sumabog ang inbox ko sa text messages ni Damon. Damon: Hey. Ano'ng oras matatapos ang klase mo? Baby? Baby? Cassandra? Where are you? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Baby, where the f**k are you? Nang tingnan ko ang call logs ko ay mahina akong napamura. I have 50 missed calls, all from Damon! Nanginginig ako sa isiping baka galit na si Damon dahil hindi ko sinasagot ang tawag niya, lalo pa at gabi na. As if on cue, muling lumitaw ang pangalan niya sa screen, tanda na tumatawag siya. Mabilis ko iyong sinagot. "H-hello," nauutal kong saad. "I've been calling you for hours. Where are you? I'm sure na kanina pa natapos ang klase mo," malamig niyang tanong. Ilang malalakas na buntong hininga pa ang narinig ko, na para bang pilit niyang kinakalma ang sarili niya o pinipigilan ang galit niya. "I'm sorry, hindi ko nasagot ang tawag mo kasi naka-silent ang phone ko kanina. Nandito pa ako sa school. My group mates and I were doing our write-ups. Hindi ko na napansin ang oras. I'm really sorry..." paliwanag ko. I heard him sigh on the background again. Mukhang galit nga yata talaga siya. "Alright. I'll be waiting here in the parking lot." "Okay." Damon ended the call. At dahil madilim na nga, nagpasya na lamang kami na ituloy na lang sa ibang araw ang paggawa ng Thesis namin. Iniwasan kong tingnan ang mga ka-grupo ko sa takot na baka magtanong sila kung sino ang tumawag sa akin. Mabuti na lang at hindi na sila nag-usisa pa. "Ihahatid na kita, Cass," presenta ni Kirby. Umiling ako. "Huwag na, Kirby. Okay lang ako." "Hay naku, Cassandra. Sige na, magpahatid ka na kay Kirby at madilim na. Baka kung mapaano ka pa sa daan," singit ni Rachelle. "Tama si Rachelle, Cassandra," Mika agreed. Wala akong nagawa kundi ang hayaan si Kirby na samahan ako papunta sa parking lot ng University. Malayo iyon sa gate na ginagamit naming mga estudyante. Ramdam na ramdam ko ang paninitig ni Kirby habang naglalakad kami. "Sino iyon?" tanong niya. "Ang alin?" Maang-maangan kong tanong pabalik. "Yong tumawag sa'yo," aniya. Huminga ako nang malalim. "Ah, siya iyong taong tumutulong sa amin ni Tatay. Napakabait niya. Kahit hindi niya kami personal na kilala, hindi siya nagdalawang-isip na tulungan kami." Nasa parking lot na kami. Nagulat ako nang biglang hinawakan ni Kirby ang kamay ko. "Mag-iingat ka, Cassandra. Hindi ka dapat nagtitiwala sa mga taong hindi mo pa lubusang kilala," paalala niya. Bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala. Ngumiti ako para mapanatag siya. Pinisil ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. "Huwag kang mag-alala sa akin, Kirby. Alam ko ang ginagawa ko." Napabitiw kami sa isa't isa nang makarinig kami ng malakas na busina. Halos nabitin sa ere ang paghinga ko nang sumalubong sa akin ang galit na mga mata ni Damon habang nakaupo siya sa loob ng sasakyan. A chill ran down my spine, and without a word, I left Kirby. My heart was beating wildly as I opened the door beside Damon and he started driving away.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD