Maaga pa lang ay bumangon na ako. Hindi natuloy ang paglilinis ko kahapon dahil hindi pa man nagsisumula ang araw ay ilang beses ba akong pinagod ni Damon. Maging kagabi ay dalawang beses niya pa akong inangkin bago kami tuluyang iginupo ng antok. Nararamdaman ko pa rin ang pagod, at pananakit ng katawan ko, ngunit hindi ko iyon ininda. Bitbit ang mop, at isang maliit na baldeng naglalaman ng tubig, tinungo ko ang second floor ng bahay.
Sa mahigit isang buwan ko nang pananatili sa bahay na ito, ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na purihin ang kagandahan nito. It was a modern designed house, with a beautiful minimalistic interior. Naglalaro sa kulay abo, puti at itim ang kulay ng mga dingding at ceiling ng bahay.
There's an elegant chandelier hanging on the ceiling, above the wide living room where a huge flat screen TV was mounted. Mayroong pasilyo na patungo naman sa dining area, at isa pang pintuan na papunta naman sa kitchen area. Sa loob ng mahigit isang buwan, ay kakatwang doon pa lang ako nakakapunta.
Mayroong dalawang guest room, isang common bathroom at maid's quarter sa ground floor ng bahay. Naroon naman sa ikalawang palapag ang master's bedroom, na inookupa namin ni Damon. Bukod doon ay tatlo pang kwarto roon. Nilibot ko ang paningin ko at pilit inalala kung saan doon ang kwartong unang pinagdalhan ni Damon sa akin. Uminit ang pisngi ko nang bumalik sa alaala ko ang unang beses na dinala ako ni Damon sa langit. Pinilig ko ang ulo ko nang unti-unting lumukob ang init sa katawan ko.
Binuksan ko ang unang kwarto, at namangha nang makitang ito pala ang library na nagsilbi na ring study room at opisina ni Damon kapag nandito siya sa bahay. My jaw dropped, seeing countless books piled on the shelves. Karamihan doon ay tungkol sa pagnenegosyo, marketing strategies at financial management. Mayroon ding mga english novels, literature books at iba pang academic books. Pinagsawa ko muna ang sarili ko sa pagtitingin ng mga aklat, bago ko iyon inilipat sa malayong sulok ng silid kung saan naroon naman ang isang desk, at laptop. Sa ibabaw ng mesa ay naroon ang mga dokumento na kinakailangan ni Damon para sa kanilang mga negosyo.
I was tempted to look at his computer and the documents, but I had to remind myself na mali iyon. Sa halip ay kinuha ko ang mop, at nagsimula nang linisan ang sahig. Pakanta-kanta pa ako, at hindi iniinda ang pawis na namumuo sa noo ko habang nag ma-mop ng sahig. Kinuhan ko rin ang isang basahan at pinunasan ang mga shelves. Pagdating sa working space ni Damon ay ingat na ingat naman ako. I saw contracts, and other reports kaya naman todo ingat ako na masagi, o hindi kaya ay mabasa ang mga dokumento dahil alam kong mahalaga iyon.
Pagkatapos ko sa library ay dumiretso ako sa kabilang pinto. Nilagpasan ko muna ang master's bedroom dahil balak kong gawing pang huli iyon. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang iba't ibang gamit na hindi ko alam kung para saan. Sa gitna ay naroon ang malaking kama, kung saan una akong inangkin ni Damon. The lighting inside this room was warm. Beside the gigantic bed were equipments that I could imagine Damon would use. There were ankle and handcuffs, bondages, bed restrain sets and arm binders. Mayroon ding latigo na sari-sari ang haba at laki.
Napalunok ako. Kinakabahan, ngunit hindi ko maintindihan kung bakit. Sari-saring mga s*x toys pa ang nakita ko na labis na nagpagulantang sa akin. Marami pa akong nakitang mga gamit na hindi ko alam kung para saan, mga costumes at sexy na damit, katulad noong pinasuot niya sa akin noon. My throat went dry as I imagine myself being restrained to the bed, while Damon was pleasuring me. And damn it, kahit sa imahinasyon ay mabilis ako'ng nag-init. Ganoon ang epekto ni Damon sa akin. Iniwas ko ang mga mata ko sa mga kagamitang iyon at nagsimulang maglinis.
Inayos ko ang mga costumes, pati na rin ang mga gamit. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang hinahawakan ang isang posas at nililinisan iyon. Nagpasya na akong lisanin ang kwartong iyon sa sobrang kaba.
Lumagpas ako sa common bathroom dito sa ikalawang palapag. Nakatayo na ako sa harap ng kwarto na naroon sa pinakadulo. Matagal akong nakatitig sa pintuan nito, tila natatakot sa kung ano'ng naghihintay kapag binuksan ko ang pintuan. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko ang seradura.
"What are you doing here?" Dumagundong ang boses ni Damon. Napatalon ako sa gulat at mabilis na bumaling sa kanya.
He was looking at me with murder clear in his eyes. His face was stoic, and cold, it brought me chills. Nilukob ng takot ang puso ko. Ngayon ko lang siya narinig na nagtaas ng boses, at hindi ko na ulit gugustuhin na marinig iyon.
"I-I was just cleaning, D-Damon..." nauutal kong sagot.
"Hindi mo kailangang gawin iyon, Cassandra. Hindi kita pinatira rito para gawing alila." Kinuha niya ang mop at balde sa kamay ko, at nagsimulang maglakad pababa habang nakasunod ako. "Leave the cleaning to the helpers, that's what they're paid to do. And don't enter that room. I forbid you."
Lumunok ako. "P-pasensya na, gusto ko lang namang makatulong. Sobra-sobra na ang binibigay mo sa amin. It's the least I could do for you," katwiran ko.
Kumunot ang kanyang noo, at umigting ang kanyang panga. Hindi ko maintindihan kung bakit nagagalit siya. At ano raw? Hindi ako pwedeng pumasok sa kwartong iyon? Pero bakit?
"Believe me, Cassandra. Having you here is more than enough. Hindi kita sinisingil kaya huwag mo nang abalahin ang sarili mo. Promise me... You won't go into that room, ever again. Do you understand?" He whispered, his voice sounding oddly dangerous in my ears. "Go, get change. We'll have breakfast outside, and we'll visit your father."
Bahagya siyang lumayo sa akin. Noon ko napansin na pawis na pawis siya, ngunit kahit ganoon ay mabango pa rin ang amoy niya. Nakasuot siya ng sweat pants, hoodie at sneakers. He looked like he just came home from jogging. Nang banggitin niya si Tatay ay agad na napalitan ng kasabikan ang kaninang takot na umusbong sa puso ko.
"Sige, maliligo lang ako." Tumalikod ako kay Damon at muling bumalik sa kwarto. Ngunit bago pa ako makapasok ay napasulyap pa ko sa kwartong nasa dulo.
A shiver ran through my spine as I look at the closed door. Kinibit ko ang balikat ko at pilit na winaksi iyon sa isipan ko. Mabilis na pagligo ang ginawa ko at nagbihis ng damit.
Habang nasa sasakyan ay parehas kaming walang imik. Muli kong naalala ang naging reaksyon ni Damon kanina. Madilim at seryoso ang kanyang mukha, ang kanyang boses ay tila kulog na dumagundong. Nakakatakot, at tila nakaka-trauma. Kahit na hindi ko alam ang rason kung bakit siya nagkakaganoon, hindi ko maikakaila na nag-ugat na ang kaba sa puso ko dahil sa pangyayaring iyon.
Gulat pa rin ako hanggang ngayon. Nasanay ako sa kabaitang pinapakita niya sa akin, kaya bago sa paningin ko ang naging reaksyon niya kanina. It shouldn't be a big deal dahil kaya lang naman ako naroon ay para maglinis. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ganoon na lang ang galit niya, na para bang natatakot siyang buksan ko ang pintuan na iyon. Hindi ko tuloy maiwasan na ma-curious kung ano ang naroon.
Tumigil ang sasakyan sa drive thru ng isang sikat na fast food chain. Binigay ni Damon ang order namin, at saka siya nag-drive papunta sa sunod na window. Tumikhim siya kaya napalingon din ako. "I'm sorry about what happened earlier. Ayaw ko lang na pinahihirapan mo ang sarili mo, Cassandra. I don't want you getting tired from all those exhausting hard work." His eyes gazed on me. Titig na titig ang kanyang mga mata, at wala na ang galit roon. It was soft, gentle, and sorry. He looked at me like nothing mattered in this world, except me.
I was immediately lost in his gaze. Para akong nalulunod sa kanyang mga titig, at mabilis na napawi ang kabang umusbong sa puso ko kanina. Iyong tipo na kahit gustuhin kong magtampo, ngunit mabilis na nalusaw ang ano mang takot na namutawi sa puso ko. "Pasensya na rin, Damon. Kung pinakialaman ko ang bahay mo. I just wanted to help, to repay for all the good things you did for me. Pasensya ka na dahil hindi ako sanay na nakukuha sa isang pitik ng kamay ang mga bagay na naibigay mo sa akin at sa Tatay ko. I work hard for everything I had, Damon. Kaya pasensya na kung hindi mo nagustuhan ang ginawa ko."
Yumuko ako. Nahihiya, dahil alam kong kahit paano ay may punto siya. Siya pa rin ang may-ari ng bahay. Hindi dapat ako umaasta na parang bahay ko rin iyon. Tama lang din naman na dapat ay nagpapaalam ako sa kanya. Hinigit ni Damon ang kamay ko, at hinawakan iyon nang mahigpit.
"I know, Cassandra. Believe me, I know of all your struggles. Ayaw kong nahihirapan ka, lalo na kung kaya ko namang paginhawain ang buhay mo. That's what I'm here for, Cassandra. I want to give you the life that you deserve." Bulong niya.
Parang hinaplos ng mainit na kamay ang puso ko, ngunit hindi inulit ko sa isipan ko ang sinabi niya. Hindi ako manggagamit. Hindi ko kayang gawin iyon kay Damon. Hindi ko kayang suklian ng ganoon ang lahat ng kabaitan niya.
"Damon..." Tawag ko sa kanya. "Hindi naman yata tama iyon. Ayaw kong isipin mo na sinasamantala ko ang kabaitan mo. Hindi ako ganoong klase ng tao."
Dinala niya ang kamay ko sa mga labi niya at hinalikan. "Alam ko rin, Cassandra. Alam kong hindi ka nadadala sa materyal na bagay. Huwag mong isipin na sinasamantala mo ako, dahil kagustuhan ko ito. I'm doing all these things because I care for you."
His husky voice resounded in my ears. My heart started beating loudly, like a drum. I was stunned by how my heart reacted, and how I was anticipating his every word. He looked into my eyes once again and spoke. "Cassandra... Let me do these things for you. Let me be your anchor, your provider, your shoulder to lean on. Let me love you. I think I'm falling in love with you, Cassandra."