Nagising si Alyana ng may maramdamang mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang tiyan. Hindi niya mawari kung ano ito dahil siya lang naman mag-isa dito sa loob ng kwarto. At nang imulat niya ang kanyang mata, muntik na siyang mapasigaw nang makita si Keane na nasa tabi niya at nakasubsob sa leeg niya ang mukha habang nakapatong sa tiyan niya ang isang binti nito. Nakapulupot din ang braso nito sa bandang ilalim ng kanyang dibdib. Oh my... Hindi niya alam kung bakit napunta sa loob ng kanyang kwarto si Keane dahil ang alam niya ay siya lang ang pumasok sa kwarto at kaagad na humiga sa kama kagabi. Halos pigil niya ang paghinga nang gumalaw si Keane at dahan-dahan nitong iminulat ang mata. "Morning.." inaantok pa na bigkas nito. Halos hindi siya makapaniwala sa ginawa nito dahil ang ibig