Hanggang sa makarating sila sa kanilang pupuntahan ay nanatiling nakangiti pa rin si Keane. Nagtataka na si Alyana Jane sa kanya subalit hindi niya 'yon pinapansin. Dinala niya si Alyana sa kanilang vacation house sa gitna ng kagubatan pero napakalinis ng dinadaanan nila. Medyo matagal na rin siyang hindi nakakabisita dito pero pinapadalhan niya ito ng mga taong maglilinis twice a week. At well maintained ang kalinisan doon. Isa ito sa pinaka paborito niyang lugar na pagmamay-ari nila dahil lahat ay nandito na. Magagandang tanawin, malinis na ilog na pwedeng pagliguan, taniman ng mga prutas at marami pang iba. Meron ding mga taong namamahala sa mga tanim dito pero medyo malayo ang bahay nila mula sa kanyang vacation house. Pagkababa ng sasakyan ay humaplos kaagad sa balat nila ang sari