Chapter 13.5

2162 Words
LORRINE'S POV "ILANG ARAW kang nawala, Lorrine. Ang sabi'y bumalik ka ng Verphasa. Hindi mo ba alam na limang araw ang itatagal ng paglalakbay patungo roon mula rito?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Nyx. Totoo bang limang araw ang nilakbay ko? Hindi ko 'yon naramdaman dahil lakas lang ako nang lakad sa kagubatan. Palibhasa'y lagi kami roon nina Miandro at Nhykira kaya nagawa kong kabisaduhin ang gubat na iyon kaya nakaya kong makauwi sa aming tahanan nang hindi nahihirapan. Ngunit ang hindi ko alam ay limang araw pala ang tinatagal ng paglalakad. Napatingin ako kay Aryll, nagtatanong ang mga mata. Ngumuso naman ito atsaka marahang tumango-tango. Sunod-sunod iyon habang nakatingin sa akin. Kinokompirma na tunay ang sinasambit ng matalik niyang kaibigang lalaki. "At ilang araw ka ring walang malay. Hindi naman pupuwedeng ipagpaliban ang pag-eensayo dahil wala ka," paliwanag pa ni Nyx wari'y naiilang na sabihin sa akin ang totoo ngunit ayaw niya ring magsinungaling o magtago sa akin nang kahit na ano. Gusto kong kumustahin si Miss Felirha dahil ang huling beses na nagsanay kami ay noong nagkaroon sila ng hidwaan nang bahagya ni Aryll ngunit hindi ko na lang ginawa. Dahil ayaw ko na ring maungkat ang nakaraan sa pagitan ng dalawang salamangkera. Sa pagitan ng aming guro, at ng aking kaibigang si Aryll. Ngunit gusto ko sanang malaman ang lagay niya dahil nag-aalala rin ako sa kaniya noong oras na lisanin niya ang arena. Hindi man ako isang magulang, pakiramdam ko ay nararamdaman ko ang emosyon na naramdaman niya ng mga oras na iyon. Pakiramdam ko, gusto ko ring umiyak sa tabi niya at sabay naming pananabikan ang oras na muli silang magkikita ng kaniyang anak. Ngunit gaya ng sinabi ni Nyx, ilang araw na raw silang nag-eensayo at ilang araw din akong walang malay. Ibig sabihin, nakakaya na ni Miss Felirha na magturo muli. Bagay na ikinatuwa ko. Ngunit siya ring ikinalungkot ko. Dahil sa mga oras at panahon na iyon, wala ako. Hindi ako napagsanay, hindi ako nakasama sa mga oras na sinusubukan nilang palakasin ang mga salamangka na mayroon sila. Samantalang ako, heto, kinakapa pa rin ang paggamit ng ibang salamangka na mayroon ako. Doon bumagsak ang lakas ko. Ano pang aasahan nila sa akin kung gayong ako pa yata ang magpapabagsak ng Questhora? Kung tutuusin, ako dapat ang laging nagsasanay dahil ako ang bago sa grupong kinabibilangan ko ngayon. Ako ang dapat na nagpupursige dahil ako ang walang alam sa mga teknik o gawain ng mga salamangkerang nakatira dito sa Questhora. Ni hindi na nga ako ang tumira dito nang matagal kaya ako ang pinakamahina sa aming lima, ako pa itong kulelat pagdating sa pag-eensayo. Tila pinagsisihan ko ngayon ang aking nagawang aksyon nang ako ay nasaktan sa insidenteng nagkaroon kami ng hidwaan ni Loie. Saglit akong napatingin sa kaniya ngunit agad ko ring binawi dahil ayaw kong mahuli niya ako na nakatingin sa kaniya. Baka ano pa ang isipin, mas lalo pa siyang magalit sa akin. Sa ngayon ay hindi ko alam ang iisipin ko. Dahil umalis ako ng Questhora dahil hindi ko na siya kayang pakisamahan. Hindi ko na kayang lunukin ang mga salitang binibitiwan nila. Hindi ko na kayang ipagpasawalang bahala ang mga masasakit na salita na pinupukol nila. Ngunit tinatanong ko ang sarili ko. Tama ba ang ginawa ko? Tama bang takbuhan ko ang mga bagay na hindi naaayon sa gusto ko? Tama bang lumisan ako sa mga bagay na makakapagpalakas sa akin kapalit ng pananahimik ng isipan ko? Tama bang iwan ko ang mga taong tinatanggap ako nang buo dahil sa mga taong sinusuka ako? Tama bang iwanan ko ang Questhora nang dahil lang sa nasasaktan ako at umuwi ng Verphasa nang hindi handa sa desisyong iyon? Sa tingin ko ay hindi. Tuloy ay nagdaramdam ako sa aking sarili. Nang dahil sa akin, hindi tuloy ako nakapagsanay, bagay na kailangan na kailangan ko. Hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa kanila. Sila ay nakatira dito sa Questhora— ang kaharian ng mga malalakas na salamangkera, ngunit kinakailangan pa rin magsanay dahil sa nalalapit na digmaan. Kahit dito sila nakatira sa kaharian na ito ay kinakailangan pa rin nilang magsanay upang mas maging malakas. Samantalang ako na taga-Verphasa— bayan ng mga mahihinang nilalang, ni hindi naisip na may pagsasanay na nagaganap araw-araw at inuna ang sariling kagustuhan kaysa ang manatili at magpalakas. Sa madaling salita, hindi na naman ako nag-iisip nang maayos bago kumilos. Sa desisyon ako na naman ay nagpadalos-dalos. Ako dapat ang tinuturuan at tinututukan. Pero nasaan ako ng mga panahong dapat ay nagpapakalakas ako? Nandoon sa Verphasa, pilit sinisiksio ang sarili sa lugar na iyon ngunit pagtataboy ang siyang natanggap ko. Nagsayang ako ng ilang araw, wala naman akong napala. Inuna ko ang pagiging makasarili ko. Huminga ako nang malalim. Hindi ko kinakaya ang mga naiisip ko ngayon. Alam kong matagal na sandali akong nanahimik. Nagpapasalamat ako dahil hindi ako ginulo nina Aryll at Nyx dahil ang lalim ng iniisip ko ngayon. Pakiramdam ko, sa sobrang lalim niyon, maski ako ay mahihirapan sisirin. Tumingin ako sa dalawang salamangkero na nasa magkabilang gilid ko. "Pasensya na kung naging pabigat ako sa inyo." Sinabi ko iyon kasabay ng isang malalim na paghinga. Bumagsak ang balikat ko dahil sa lungkot na nadarama. Hindi ko magawang ngumiti dahil nalulungkot ako. Sa huli kasi ay iniintindi pa rin nila ako. Tumawa si Aryll na bahagya kong ikinagulat ngunit hindi ko iyon pinahalata dahil mas namumutawi sa puso ko ang lungkot dahil sa sariling paglisan. "Ano ka ba! Wala 'yon. Nami-miss ka nga namin, eh!" aniya sabay hampas nang mahina sa aking braso. "Sa sobrang miss namin sa iyo, hayun at sinundan ka ni Loie," dagdag pa ni Aryll na animo'y kinikilig pa. Oo nga, 'no? I mean, I saw Loie that one dark night. He was there. He saved me. Kanina ko pa nga iniisip iyon, eh. Pero hindi ko masyado maalala dahil pakiramdam ko niyon, isa iyong guni-guni lamang. Kung bakit siya ang naisip ko noong gabing iyon ay hindi ko alam. Basta ang nais ko lang ay makaligtas ako sa estranghero na pinagtatangkaan ang buhay ko. Napatingin ako kay Loie. Gulat ang namutawi sa akin nang makitang nakatingin na rin siya sa akin. Sabay kaming nagbawi ng tingin nang magulat sa pagsasalubong ng aming mga mata. "Hindi ko siya sinundan!" pagtanggi nito kasabay ng pag-iwas ng tingin. Doon ay matalim naman niyang tiningnan ang kaibigan kong si Aryll. Hindi niya ako sinundan? Eh, sino ang nagbuhat sa akin papunta rito sa Questhora? Sino iyong salamangkerong nagligtas sa akin sa mapagsamantalang estranghero na nais tanggalin ang aking hininga? Sino ang salamangkero na iyon? Ang natatandaan ko ay Loie. Maski ang kaniyang boses hanggang ngayon ay tila naririnig ko pa. Natatandaan ko rin ang detalye ng pagpasok namin ng kaharian ng Questhora. Ang sigaw niya nang magtawag siya ng Servus ay malinaw pa sa aking alaala. "Oh? Hindi ba?" Nagugulat at parang hindi makapaniwalang tanong ni Aryll sa kaniya. "Eh, ang sabi ng servus ay ikaw ang nagtungo sa Verphasa." Sa pagkakasabi niyang iyon ay parang siguradong-sigurado siya sa tinuran. Kung totoo ang sinasabi ni Aryll, bakit naman tinatanggi ni Loie? Ayaw niya bang malaman ko na nag-aalala siya sa akin? Kung iyon ang iniisip niya ay hindi naman ako nag-iisip ng ganoon. Ang akin lang, nagpapasalamat ako dahil nailigtas niya ako. Sa kung ano man ang dahilan ng pagparoon niya sa kagubatan ay hindi ko alam at wala akong balak na itong alamin. Ang nais ko lang ay magpasalamat sa salamangkerong sumundo sa akin at naghatid sa akin dito sa kaharian ng Questhora. Nang dahil sa kaniya ay patuloy pa rin akong humihinga. Nang dahil sa kaniya ay heto, buhay na buhay pa rin ako. Nang dahil sa kaniya ay ligtas ako. Ang nais ko lang ay magpasalamat. Bukod doon ay wala na. Kung si Loie nga iyon, sa tingin ko ay dapat ko siyang pasalamatan. Ngunit paano ko gagawin iyon kung heto at tinatanggi niya? "Sinabi na ngang hindi ako!" Tumaas ang boses niya bagaman kalmado pa rin ang seryoso nitong mukha. Tinawanan siya ni Aryll. "Oh, ba't nagagalit ka? Huwag ka ngang feeling guilty diyan," pang-aasar niya pa. "Tch." Tumaas ang gilid ng labi nito saka tiningnan ako nang mabilisan. Agad niya ring iniwas ang paningin. "Why would I save a trash?" Basura? Iyan na naman siya sa masasakit na salitang pinupukol niya. Ang tingin niya pala sa akin ay isa lamang basura. Sabagay, tunay nga iyon dahil galing ako ng Verphasa. Siguro ang tingin ng mga salamangkero sa amin ay isang basura. Wala naman akong magagawa kung iyon ang pananaw nila. Hindi naman namin kasalanan na hindi kami pinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Ang mahalaga sa amin ay kuntento kami sa kung ano ang mayroon kami. Hindi kami naghahangad ng mga bagay na imposibleng mangyari. Well, depende pa rin sa mga salamangkero. Tulad na lang ni Nhykira. Sa kagustuhang makapasok sa kaharian na ito, gumawa ng isang bagay na hindi naman niya ikakabenipisyo. Muli akong napatingin kay Loie. Iwas ang paningin niya ngunit hindi naman kinakikitaan ng pangamba. Pero teka. Malinaw sa alaala ko na siya ang tumulong sa akin nang pagtangkaan ng isang salamangkero ang buhay ko. Bakit ngayon ay sinasabi niyang hindi siya ang nagligtas sa akin? Naaalala ko pang kinausap niya ako... binuhat... dinala muli rito sa Questhora. Kung hindi siya, eh, sino 'yon? "Hindi ikaw ang nagligtas sa akin, 'di ba?" Hindi makapagpigil na tanong ko. Gusto kong kumpirmahin dahil ayaw kong masayang lang ang pasasalamat ko. Baka bigla akong magkaroon ng utang na loob sa kaniya, hindi naman pala siya 'yong nagligtas sa akin. Swerte naman niya kung ganoon. "Bakit naman kita ililigtas? Kung may nagtangka sa iyong buhay, sa tingin ko'y dapat ko iyon ipagpasalamat," singhal niya nang hindi sa akin nakatingin. Naroon pa rin sa kawalan ang paningin niya bagay na wala namang problema sa akin. If he can't look straight in my eyes, I don't really care. Alam ko namang hindi siya ang nagligtas. Sinasabi niya iyon nang hindi nauutal o anupaman, sa tingin ko ay dapat ko iyong paniwalaan. Ngunit hindi iyon ang sinisigaw ng puso ko. Para bang sinasabi nito na huwag akong makinig sa isip ko. "Pero hindi ba't—" Naputol ang dapat sana'y pagsasalita ko nang sumingit na si Czearine sa usapan, animo'y naririndi na. "Sinabi na ngang hindi siya. Manahimik ka na lang," sabat naman ni Czearine. Pagkatapos niyon ay agad siyang tumayo at tumalikod sa akin. Kasunod naman niyon ay tumayo rin si Loie atsaka mabilis na sinundan ang kaibigan niyang kapareho niya ng ugali. Sabay silang umalis ng kuwarto ko na tila nainis pa dahil pinagpilitan ko ang isang bagay na hindi totoo. Gusto ko lang naman kumpirmahin, may masama ba roon? Eh, sa sinusunod ko lang naman ang gustong ipagawa sa akin ng puso ko. Oh, kung hindi, totoo, bakit kailangan magalit? Bakit ba ang tindi ng galit sa akin ng dalawang 'yon? Tsh. "Pagpasensyahan mo na ang dalawang iyon. Laging mainit ang ulo," sambit ni Nyx. Bumuntong-hininga na lang ako at hindi na siya sinagot. Ibinagsak kong muli ang katawan ko sa malambot na kama saka tumingin sa puting kisame. Agad na namasa ang aking mata. Sa hindi ko maipaliwanag ba dahilan, bigla akong pinangiliran ng luha. Ang tindi ng galit nila sa akin samantalang wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Kasalanan ko bang taga-Verphasa ako? "Bakit nga ba ganoon sila sa akin? Sa totoo lang, sila ang dahilan kung bakit ako umalis ng Questhora. Pakiramdam ko'y hindi nila gusto na manatili ako rito," pagdaramdam ko. Hangga't maaari ay ayoko sanang sabihin sa kanila ang dahilan kung bakit ako umalis ng Questhora. Hanggat maaari din ay ayoko sanang banggitin sa kanila ang mga bagay na nagpapagulo sa isip ko at mga bagay na nasasaktan ako. Pero hindi ko na kayang kimkimin. Gusto ko na rin ilabas ang nararamdaman ko. Baka kasi sakaling magkaroon ng sagot ang lahat ng katanungan sa isip ko kung bakit ganito na lang ako itrato ng dalawang iyon. Muling lumapit sa akin si Aryll at hinawakan ang kamay ko na marahan pang pinisil-pisil. "H'wag mo isipin iyon, Lorrine. Nais nilang nandito ka. Hindi lang nila pinapakita saiyo." Hindi nila pinapakita sa akin? Bakit? Ano ba gusto nilang isipin ko? Ano bang gusto nilang iparating? "Ano naman kung ipakita nila?" Huminga nang malalim si Aryll, "Hindi kasi sila showy. Like, you know? They are not sweet when it comes to words. Pero sweet sila sa action." Nakangiti si Aryll na para bang siguradong-sigurado na naman siya. Hindi ko na naituloy ang pagbagsak ng luha ko. Ipinaikot ko ang mata saka bumuntong-hininga. Hindi sweet sa salita pero actions? Para ngang maski sa actions ay wala. Kasabay ng mga masasakit na salitang binabanggit nila ay ang mga aksyon na lubha ring nakakasakit sa akin. Hindi na lang ako muli pang nagsalita at tinakluban ng kumot ang mukha ko. "Whatever you say, Aryll."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD