Dahan-dahang tumayo si Henry mula sa pagkakaupo nito, tila tulirong nakatingin ito kay Carmela. Mababakas sa mga mata nito na marami itong gustong itanong sa kanya. Ang lakas ng kaba sa kanyang puso,hindi niya akalaing nasa malapit lang pala si Henry. Hindi niya alam kung anong paliwanag ang sasabihin niya dito. Kahit siya kasi ay naguguluhan din sa mga pangyayari. " C-Carmela, ano ang ibigsabihin ng mga sinabi mo kanina?" nauutal na tanong nito habang nakatitig sa kanyang mga mata. Umiwas siya ng tingin dito bago sumagot. " Wala iyon Henry, marami lang akong iniisip kaya nasabi ko siguro yon. Pagpasensyahan mo na ang Ate ha, sige maiwan na kita. Paparating na kasi ang Kuya Hector mo at si Papa, ipapahanda ko na kina Manang ang pananghalian nila. " sagot niya dito tsaka nagpaalam