Ipinatong ko sa lamesa ang simcard na inalis ko sa cellphone ko na hindi ko pa binubuksan mula ng dumating ako rito. Tinusok-tusok ko ito ng gunting na nahagilap ko sa kitchen ni Ate Cherry. “Luka luka! Anong balak mo? Ayaw mo na ba sa earth at pati ‘yan simcard mo eh pinupuntirya mo? Paano na lang kung hinahanap ka pala ng Ethan na ‘yon? Or nila Tita, lagot ka!” I blinked my eyes. Tinungga ko ang isang bote ng beer na himalang tumagal ng isang oras na hindi ko pa rin nauubos. Lumalala na yata ang sakit ko sa tiyan at pati ang alak ay parang inaayawan na nito. Kinuha ko ang laptop at dineactivate ang lahat ng social media account ko. Pati ang cellphone number ko ay pinalitan ko na rin. “Hoy, ano na?” “Aray!” Hinigit nito ang buhok. “Plano ko maghanap ng trabaho rito. May alam ka ba