“Bakla, bakit parang maga ‘yan mga mata mo? Umiyak ka ba?” tanong ni Noemi habang kumakain kami ng lunch. Tumawa ako. “Oo, kagabi. Wala kase akong magawa kaya nag-movie marathon na lang ako. Ayon, eto ang ending," I said pretending to be cheerful. “Ahh, hanggang ngayon iyakin ka pa rin sa mga ganyan 'no?” Inirapan ko siya. “Look who's talking? Sige nga manood tayo ng sine sa weekend, anong bang bago ngayon? Ung heavy drama ah?” Nangalumbaba ang isang kamay nito at nakatingin sa plato habang ngumunguya. “Hay nako, gusto ko sana kaso kailangan ko yata araw-araw mag-OT hanggang sa umalis ang amo ko.” “Bakit?” Sinubo ko ang natitirang pagkain sa plato ko. “Pupunta raw ng US, sa California yata. Personal issue raw, kasama nga ung ex-rival mo,” nakanguso nitong sagot. “Ha? Kelan daw? Co