“Hello Love?” bati ni Ethan pagkasagot ko sa telepono “Hello, napatawag ka?” malamig kong sagot na halos kasing lamig na ibinubuga ng aircon. “Love, pasensya ka na, ha? Busy lang ako kay Mama. Dumalaw ka raw dito kahapon?” I rolled my eyes. “Oo, dinalaw ko si Tita. Buti medyo ok na pala siya… Saka naka-leave ka pala for two weeks?” Na kung hindi pa binanggit ni Tita Florie ay hindi ko pa malalaman. “Love, babawi ako. Just spare me this time. Mag-usap tayo kapag naayos ko na ang lahat. At…sana pumayag ka.” Pinigil ko ang paghinga ko at tumango tango. “Ok lang, take your time. Siya nga pala uuwi ako sa'min bukas.” “Ok, ingat ka, ha? I-text mo ko kapag nandoon ka na.” “Ok.. I lo..” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil naputol na ang linya. I bit my lower lip. ‘Yong luhang mat