CHAPTER 3

1435 Words
Kinabit niya sa tainga ang bluetooth earphone. She checked her gun and put it in the gun holder. Naka belt kasi siya na may suksukan ng baril at kutsilyo. They need weapons because they know that their enemy is not that dumb. For sure mas marami ang nakabantay rito. "We're here. Sumunod na kayo." rinig niyang sabi ni Jaxon. Lumabas siya ng hideout at sinuot ang helmet. Pinaandar niya ang engine ng motor, sumilip muna siya sa kabilang gilid para makita kung nakasakay na ba sa kotse si Veronica at Johanna. Tinanguan niya ang mga ito tsaka pinihit ang motor, pinaandar niya ng mabilis ang motor niya. Inunahan niya na ang dalawa dahil mas makakasingit siya. "They are still playing, may tatlong bantay malapit sa mesa niya. Mayroong naka-bantay na dalawa sa kotse niya." narinig niyang sabi ni marvic, one of them. "Armado ang mga bantay, mag ingat kayo. Stick to the plan." Jaxon said. Mas pina-harurot niya ang kaniyang Ducati hanggang sa makarating siya. She park it outside. Yung mas madali niyang masasakyan pag nagka-roon ng aberya. Pinindot niya ang suot na relo. "I'm here, papasok na ako." hindi na siya nag hantay ng sagot at pumasok na sa loob, hinarang siya ng mga bantay kaya nilabas niya ang card para makita nito na member siya. It's a real access card pero siyempre fake ang information. Thanks to their hacker team. Yumuko ang mga ito bago siya pag buksan ng pinto. She confidently walks inside the big casino, maingay, amoy alak at puno ng mga bantay. Actually, this is a legal casino, but someone makes illegal inside. It’s about drugs transaction. If they succeed with this mission tonight, maybe they can get information about the hidden boss. Nilibot niya ang paningin at nakita niya naman na nakapasok na si Veronica, wearing a long dress to hide her weapons. She smirked when Veronica saw her. Tumango naman ito ng bahagya at kunwari inayos ang buhok. She tap her smartwatch, "We're ready," she said. Sinundan niya si Veronica nang umupo ito kong na saan ang target. Umupo naman siya sa kabilang table at nginitian ang mga naglalaro. "I'll play." binigyan naman siya ng poker chips, napangisi siya nang magsimula nang kausapin ni Veronica ang target. Mr. Magino, a fvcking pervert, isa itong matanda na adik sa pera. He's rich and will do anything to become richer and richer. he's a drug lord, ang alam nang iba ay businessman lang ito. "Oh... you are good at this!" malanding sambit ni Veronica. Malapit lang siya kaya naririnig niya ang usapan. "Yes, bago ka rito? Ngayon lang kita nakita" "No... medyo matagal na rin, siguro ngayon lang tayo nagka-sabay mag-laro." Nakita niya sa peripheral vision niya na hinaplos ni veronica ang braso nito at kita niya ang malawak na ngiti ng matanda. Fvcking old man. For sure nasusuka na at gusting-gusto na sapakin ito ni Veronica. Buti nalang talaga seryoso itong uma-arte. Acting is part of their job. It depends on the situation if you need to act like that. She's multi-tasking, naglalaro siya pero ang pakiramdam niya ay nasa kabila. Natapos ang isang game, napansin niyang tumayo ang dalawa. "They are going in private room, be alert" sambit ni jaxon. Buti na lang talaga ‘yong bluetooth earphone nila ay sobrang liit at ka-kulay ng balat kaya hindi halata. Tumikhim siya at tumayo. "I'll join you again later." nakangiting paalam niya sa iba. "Sige ganda bumalik ka." tumalikod siya agad at pasimpleng dumeretso sa banyo. Nagtagal siya roon ng isang minuto. Bago lumabas at pasimpleng umakyat. Sa second floor ang private room nito kaya roon niya kailangang pumunta. Nasaktuhan naman na may waitress na naglalakad may dalang tray at alak, na galing sa bar station mismo ng casino. "Hi! kay Mr. Magino ba yan?” napahinto ito nang harangan niya. "Yes ma'am." tiningnan niya ito ng mabuti, pero mukhang wala namang iniisip sa kaniya. Isa lang Itong simpleng staff sa Casino. "Okay, ako na ang magdadala, papasok na rin ako" tumango ito at inabot sa kaniya ang dalawang bote ng alak. Nagpasalamat ito at tumalikod na. "Veronica?" "Fvck." Kumunot ang noo niya nang walang tugon si veronica. Mabilis ang lakad niya at pinihit ang pintuan pero naka lock. Damn... Nakarinig siya ng kalabog sa loob. Agad niyang sinipa ang pinto pero masiyado iyong matibay. Umatras siya nang bahagya para sipain ulit ngunit may humawak sa kaniyang leeg at sinakal siya. Mabilis naman siyang naka react at siniko ito nang malakas sa tiyan nang hindi pa rin siya makawala, hinawakan niya nang mahigpit ang dalawang boteng alak at hinampas sa ulo nito ang isa. Nakawala siya sa bisig nito kaya gamit ang isang bote hinampas niya ito sa mukha. Tumalsik ang laman sa kaniya pati na rin ang kaunting bubog. Napatingin siya sa kanan nang makitang may paakyat. Mabilis niyang kinuha ang baril at pinaputukan ang doorknob. pumasok siya agad sa loob at nakita niyang nakahiga sa sahig si Veronica at naka-hawak sa mukha. Dumilim ang paningin niya at agad tinutukan ng baril ang bungo nito. "Akala niyo ba maloloko niyo ako?!" Sigaw nito sa kanila. Naglakad siya papuntang harapan ni Veronica. "Who is your boss?" kalmadong tanong niya. Ngumisi ito sa kaniya na parang baliw. "Ako ang boss dito!" "Bobo ka kaya imposibleng ikaw ang boss." walang ganang sambit niya, nanlaki ang mata nito at kinuyom ang kamao. "Hindi ako bobo at sisiguraduhin kong hindi kayo makakalabas dito ng buhay!" Nagkibit-balikat siya at hindi pa rin inaalis ang tingin dito. "Do you think we will let go of you?" Magsasalita sana ito nang may tumalsik na kutsilyo rito. Naramdaman niya ang pagtayo ni Veronica. "Ahh!" Unti-unti siyang lumapit hanggang sa masipa niya ang sikmura nito. "Are you okay?" tanong niya kay Veronica. "Oo, knuckles lang ang dala niya. Napakabobo talaga, umaasa sa tauhan niya." nakangising sambit ni veronica habang kinakapkapan pa ito. Diniinan naman ni veronica ang kutsilyo na nakatarak sa hita nito. "Ahh.... putangina niyong lahat!" sigaw nito. "if you don't want to be tortured, tell us who is the boss. Sino ang nasa likod ng black market?! Nasaan ang black market?!" sigaw ni Veronica habang mas dinidiin nito ang nakatarak na kutsilyo. Mas lalong kumulo ang dugo niya ng tumawa ito. "Kahit patayin niyo ako hindi ko sasabihin, wala kayong malalaman sa akin!" "Then I’ll kill youㅡ" *bang* Agad siyang napalingon nang may nagpaputok ng baril, mabilis niyang tiningnan si Veronica at may daplis ito sa balikat. "s**t nadali ako." mabilis niyang pinaputukan ang isang lalaki sa kamay at binti, kaya nabitawan nito ang baril sa kamay at bumagsak. They can kill, but as long as they can avoid killing people they will not kill. Yeah, they are bad, pero ‘yong ibang tauhan dito ay napipilitan lang. At kailangan nila ng impormasyon at ito lang ang mga makakapag sabi. Napaluhod siya nang may sumaksak sa hita niya. "Fvck this old man!" rinig niyang sambit ni veronica, mabilis niyang tinanggal ang kutsilyo. Binalik niya rin ang tingin sa harapan dahil pinatumba na ng tuluyan ni Veronica si Magino. Sakto naman ang pagpasok ni Jaxon at Marvic, kaya napatayo na siya nang maayos at binaba ang kamay na may hawak na baril. Nilingon niya si Magino at nakasandal ito sa gilid ng sofa habang duguan ang bibig. "You two are bleeding." puna sa kanila ni Jaxon. "I'm okay." sambit ni Veronica habang tapak-tapak nito ang hita ni Magino. Tumingin naman sa kaniya si Jaxon. "It's just a small cut." Masakit pero kaya niya naman ang sakit. Hindi naman sobrang baon ang pagkaka-saksak sa hita niya, at isa pa maliit lang ang kutsilyo. "So, who's your boss? the main boss, fvcker," marvic said. lumapit ito at bahagyang umupo tiyaka tinutok ang dulo ng baril sa bibig nito. "Wala akong sasabihin, iputok mo na ‘yan! Kahit patayin niyo ako wala akong sasabihin." nagkatinginan sila, mukhang walang itong balak magsabi ng totoo sa kanila. Tumango si jaxon at nilapitan ito bago kwelyuhan at malakas na sinuntok. Bumagsak ito ng malakas, at nahimatay. "Let's get out of here, parating na ang mga police kaya sila na ang bahala rito" muling sinipa ni Veronica si Magino bago sila lumabas ng kwarto. Nakita nilang nagkagulo ang iba dahil na rin siguro sa putok ng baril. Sa likod sila lumabas para walang maka-kita. "Let's go!" sigaw ni johanna ng huminto ang sasakyan na dina drive nito. Nauna naman ang mga ito at siya naman sumakay sa motor niya. Napangisi siya nang marinig ang police car. Wala man silang nakuhang impormasyon sa ngayon, nahuli naman nila ang drug lord. So, mission accomplished.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD