CHAPTER 2

1251 Words
Dumeretso siya sa ARCO ng maka-tanggap ng mensahe, bahala na mag ca-cut na lang siya ng class. Mukhang wala namang gagawin dahil first day. "What happened to your face?" hinaplos ni jaxon ang pisngi niya at napadaing pa siya nang kumirot iyon. Bumuntong hininga ito at tiyaka kumuha ng first aid kit. Umupo siya sa isang swivel chair. "Napaaway ka na naman? Umagang-umaga." "Hindi ko naman p-puwedeng lagpasan ‘yong holdupper, umagang-umaga nang ho-hold-up ng matanda" Bumalik ito sa harapan niya at ginamot ang sugat niya sa pisngi at labi. Mahapdi pero kaya naman niya ang sakit. "Hiㅡ anong nangyari sa’yo?!" Umupo si johanna sa harapan niya at nagbukas ng laptop. "She helped someone again" si jaxon na ang nag-salita. Nang matapos siya gamutin nito tinuon niya ang pansin sa makapal na folder at binuklat ‘yon, "Is this the case?" "Yes, we're very sure that they are the one who sell girls. Pero hindi pa rin ma track kung sino ‘yong boss nila" sagot ni johanna at tsaka tumingin sa malaking led screen. Naikuyom niya ang kamao ng makita ang imahe ng mga babaeng patay at bugbog ang katawan. "That's why you need to transfer in SDU... halos lahat ng babae na ‘yan ay nag-aaral sa SDU." "And most of them are scholar." dugtong ni jaxon at umupo sa tabi niya. Inabutan siya nito ng berry yogurt, her favorite drink. She really needs to investigate the school. Kailangan niyang usisain at pakiramdaman. Kung halos lahat ng babaeng nawawala ay taga SDU, malakas ang pakiramdam niya na merong gumagawa no’n sa loob ng paaralan. "By the way... ang bilis mong pumunta rito. May klase ka ‘di ba?" she opened the yogurt drink. "Cutting," she said then drink her yogurt. "Wow," sambit nito pero hindi naman talaga mukhang nagulat. "Prepare yourself " napa-lingon siya ng pumasok si Veronica, ito ang mas matanda sa kanila ng tatlong taon. Ka-edad din ni Jaxon. She is 20 youngest but dangerous. "10 pm sharp, Casino De Grande." nagkatinginan silang apat at ngumisi siya. Pinatunog niya ang kamao, she can't wait to capture and punch those assh*les. "I’ll get my ducati." sambit niya at mabilis na lumabas ng meeting room. "Samahan na kita!" huminto siya at naglakad din ulit nang sinundan siya ni Jaxon. "Naka-motor ka? Or car?" "Car," she nodded. Sumakay sila sa elevator at pinindot ang button ng parking lot. "What happened to your ducati?" Pumasok siya sa kotse at umupo sa shotgun seat. "Yesterday, someone caught us... kami ni Veronica." "Baki hindi ko alam?" Napatingin siya rito dahil mukhang galit ito. Pinaandar nito ang sasakyan. "You had your own work. Alangan namang tawagan ka namin." kaya naman nila ang sarili at limang lalaki lang naman ang nakalaban nila ni Veronica. "So, what happened? You two okay, right?" Napa-ikot ang mata niya, pakiramdam niya may kuya siya. "Yes. Of course, nakita mo naman nakipagbugbugan pa ako sa holdupper kanina." "Oh yeah... I forgot... you are the youngest but most dangerous one." He smirked. Ngumisi na lang din siya at nanahimik. Marami siyang iniisip, marami siyang dapat gawin. Pagkarating nila, agad niyang niyakap ang ducati niya, ayos na iyon at bagong ligo pa. "Malinis, maayos at makintab" pagmamalaki ni Errol ang nag-aayos ng mga kotse o motor nila. "Thank you." "No problem." Pina-andar niya ito at sinakyan, pinapainit niya muna ang makina. "I can go home on my own. Babalik ako mamayang 8 pm." tumango si Jaxon sa kaniya. "Okay, drive safe!" pagpapaalala nito, tumango naman siya. "Merong trabaho mamayang gabi?" tanong ni Errol habang sinasauli ang tools sa toolbox. "Yes... i need a knife... meron ka?" Ngumiti ito nang malawak, sinenyasan siya nito para pumasok sa loob ng isang kwarto. Hinayaan niya lang na naka-open ang makina ng ducati niya at sumunod dito. Nilibot niya nang paningin sa loob ng kwarto, may mga bago itong gamit. "You should use this. Matatago mo ‘yan kahit nasaan ka, for emergency purposes. Sa Italy ko pa ‘yan na kuha." inabot nito ang itim na suklay. Hinugot niya ang baba at nakita niya ang matalim na kutsilyo, may pa arko pa ang dulo. "I’ll buy this." "No need it’s my freebie, ARCO buy a lot of weapons from me. Hindi ba nila sinabi sa’yo? " umiling siya, hindi naman kasi sila nag-uusap about sa mga ganitong bagay. Bigla-bigla na lang ia-abot kung kailangan. "Okay then, thanks for this and for my baby ducati." "If you are thankful, ilakad mo ako kay Veronica." inirapan niya naman ito. "I'll try... pero hindi ko hawak ang puso niya. You know her. Kung sa tingin ng iba mas nakakatakot ako paano pa kaya siya?" Mabilis itong umiling sa kaniya kaya, tinaas niya ang isang kilay. "Ikaw ang mas nakakatakot sa inyo, hindi mo ba alam? You don't smile, well you smile to us pero tipid lagi. Mas malamig ka pa nga kaysa sa freezer koㅡ" "Aw! Sh*t ang bigat pa naman ng kamay mo!" umiling lang siya rito at tinalikuran tsaka lumabas ng kwarto. Sumakay siya sa motor at sinenyasan ang worker nito. Hindi ka kasi basta basta makakapasok sa pinakaloob kung na saan sila. It’s a secret basement kung saan ginagawa ‘yong mga sasakyan ng miyembro ng ARCANUM ORGANIZATION (ARCO). "Basta ilakad mo ko ha!" pahabol pa na sigaw nito sakaniya. Napailing nalang siya sa pangungulit nito. Unti-unting umangat ang pinapatungan ng Ducati niya. Nang makapunta siya sa upper basement pinaandar niya na ang motor at pinaharurot hanggang sa secret exit sa likod ng building. Dumating siya sa bahay nila, dumapo ang tingin niya nang makita ang kotse ng step-sister ng daddy niya "You're here! Nag cut ka raw?!" masama ang tingin nito sa kaniya. "Yes," walang ganang sagot niya. "You shouldn't! I pulled some strings para makapasok ka sa paaralan na ‘yon!" muntikan na siyang matawa sa sinasabi nito. "I have scholarship kaya ako naka-pasok doon. I hate liar you know?" umawang ang labi nito at akmang sasampalin siya ng mahawakan niya ang kamay nito. Hindi na siya katulad noong dati na binubugbog lang pagkatapos mawala ang magulang niya. "Ang kapal ng mukha moㅡ" "Ikaw ang makapal ang mukha. You're in my house and you also took the position of my dad in our company! Don't forget that i owned that company... malaman ko lang na guma-gawa ka ng katarantaduhan sa kompanya ng magulang ko na inagaw mo... hindi na ako magda-dalawang isip..." winaksi niya ang kamay nito. Kinuyom niya ang kamao at pilit na kina-kalma ang sarili. "Ano?! Papatayin mo ako?!" tinitigan niya ito... hindi siya nag salita, tinalikuran niya ito at dumeretso sa kaniyang kwarto, ni lock niya iyon at binato ang jacket niya sa inis. She can't fight without evidences... she can't fight for now... babawiin niya ang kompanya at papatalsikin ito sa pwesto. Simula nang mawala ang magulang niya sa hindi malaman na dahilan, mabilis na kinuha ng mga ito ang posisyon ng daddy niya. Pero hindi niya rin akalain na nakapangalan na sakaniya ang company na pinag-hirapan ng magulang niya. Pero hindi niya magawa na maipatakbo iyon sa ngayon, dahil may mas importante siyang kailangan gawin. She has a 50 percent share, ang tita naman niya ay 40 percent at ang 10 percent ay sa mga ibang shareholders. Tatahimik muna siya ngayon pero sa susunod, hinding hindi na. Sisiguraduhin kong malalaman ko ang lahat... Lahat-lahat at kung paano namatay ang mommy at daddy ko... Sa lahat ng nasa likod nito, magdudusa kayo habang buhay...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD