Chapter 1:Failed

1624 Words
“SH*T, Laura! Mukhang kailangan kong mag-cutting class bukas!” bulalas ni Asia habang nakatitig sa cellphone niya. “At bakit naman?” kunot-noong tanong ng kaibigan. Bumaling siya sa aking kaibigang si Laura. “Hindi mo ba nakikita?” Tumingin pa siya sa cellphone niya na ikinasunod din ni Laura. “Ano ba ‘yan?” Kinuha ni Laura sa kanya ang cellphone niya at tiningnan ang post ng isang pubhouse. “Bukas na ang book signing event ni Ismael para sa second book niya.” Nakasimangot na ibinalik sa kanya ni Laura ang telepono niya. “Sa pagkakatanda ko, hindi siya dumating sa first signing event niya. Kaya ‘wag ka nang mag-expect ngayon dahil ang bali-balita, babae ‘yan.” “Hindi nga, e. Lalaki siya, malakas ang pakiramdam ko.” 200% sure siya sa bagay na ‘yan. Hindi siya maaaring magkamali dahil dito kaya siya magaling. “Hay, naku na lang, Asia Jade. Kung kay Callen mo na lang tinutuon ang atensyon mo, hindi ka na mag-cutting class pa.” Sumimangot siya nang marinig ang pangalan ni Callen. “Kung si Callen man lang, no way, kahit na may highway! Kay Astin na lang ako, noh! Nang mabigyan naman nang hustisya ang pagkagusto ko sa kanya. Ang tagal na, o. Pero walang response! Tutal ayaw mo naman talaga sa kanya, ‘di ba?” Bahagyang ngumiwi ang labi niya nang tingnan ang kaibigan. “Sayong-sayo na si Astin,” mabilis nitong sabi sa kanya. Lumiwanag ang bigla ang awra niya. Napaangat siya ng kilay. “So, itutuloy ko na ang pagbigay ng invitation sa kanya?” “Invitation para saan?” Mukhang nakalimutan ni Laura na malapit na ang foundation day nila. Naroon din kaya ito nang sabihin ni President na approve na ang party na iyon. “Hello! Malapit na ang foundation, bestie! Ganoon daw ulit sabi ni Pres, may party.” Pero natigilan siya at tinitigan ang kaibigan. “Wala kang balak na umattend, noh?” “Wala,” walang buhay na sagot ng kaibigan. “P-paano ako? Kami ni Andeng? A-attend kaya kami.” “Makakalimutan niyo rin ako sa araw na iyon, kaya sige lang. Go!” Napapadyak siya. “Hindi pwede! Kailangang umattend ka sa ayaw at sa gusto mo!” “Ay, ewan ko nga sa inyo.” “Basta umattend ka, huh? Magagalit ako. Sige ka.” This time, seryoso na siya kaya napatitig ito sa kanya. “Sige na nga.” Parang hindi ito masaya. Pero wala siyang pakialam. Ang mahalaga, pumayag ito sa gusto niya. “Asia,” tawag nito sa kanya mayamaya. Muli niyang binabasa ang nasa feed ng app niya tungkol sa book signing event na iyon. “Hmm?” aniya. “S-si Astin ang yayayain mong maging escort?” “Yup!” mabilis niyang sagot. “Pero kung makita ko si Ismael at pumayag siya na siya ang maging escort ko, hindi na si Papa Astin.” Imbes na magkomento sa sinabi niya, iba ang lumabas sa bibig ng kaibigan niya. “Teka nga pala. ‘Di ba, may digital signature naman ang mga book na inilalabas ng pubhouse na ‘yan?” “Meron. Pero iba pa rin ang pirma niya. ‘Yon ang gusto ko.” Napailing sa kanya si Laura. “Ewan ko nga sa ‘yo. Isang malupit na good luck na lang sa ‘yo.” Hindi na niya pinansin ang reaksyon ng kaibigan. Basta, a-absent siya bukas. Actually, hindi na mawala sa isipan niya ang book na nabasa niya na pinublish ng manunulat na iyon. Ewan ba, kinilig siya. Feeling niya, siya ang babae sa istorya na iyon. Tapos nang malaman niya na na lalaki ang author, nagkaroon siya nang interes na makita ito. Kaya lahat ng post at isyu tungkol sa unang book ni Ismael ay sinundan niya. Napag-alaman niya pa sa comment section ng mga post na pogi nga raw ang nasa likod ng Ismael na pen name. DALI-DALING tumakbo si Asia palabas ng classroom nila matapos makita ang oras. Nawala sa isipan niyang ngayon nga pala ang book signing ni Ismael at confirmed na a-attend nga ito. Dapat talaga a-absent siya ngayon gaya ng sabi niya kahapon, pero hindi nangyari dahil wala ang Mommy niya sa mood. Hindi pa umuuwi ang Daddy niya mula sa business trip nito. Ayaw niya namang dagdagan ang isipin ng Mommy niya. “Shuttang igit na malagkit!” pasigaw niyang sabi nang bigla siyang bumangga sa matigas na dibdib. Inis na nag-angat siya nang tingin. Lalong nadagdagan iyon dahil mukha ni Callen ang nabungaran niya. “Sinadya mo bang harangan ako para sa ‘yo ako tumama?” “Matagal ka nang tumama, hindi mo alam?” “Ano?” Hindi niya ito maintindihan. “Nothing. Next time, tumingin ka kasi sa dinadaanan mo.” “Wow. Ako pa talaga ang sinabihan mo niyan? Eh, bigla ka na lang lumitaw kaya sa ‘yo ako bumangga! Kaloka ka! Ikaw ‘tong may kasalanan kaya.” “Me? Hindi, a!” Tinuro pa ni Callen ang sarili. “Ikaw ‘yon, Corazón.” Biglang naging malumanay ang pagsabi ni Callen niyon. “Ikaw itong tumatakbo na parang may-ari ng hallway. Pasalamat ka na lang dahil sa tamang lalaki ka tumama.” “Tama ka dyan! Baka ikaw ‘tong may tama sa utak. Matagal mo na akong kilala tapos tatawagin mo akong Corazon? Gosh! Nakakainis ka!” Matagal na napatitig sa kanya si Callen. Lagi na lang siya nitong tinatawag na Corazon kaya. Nakakaasar. Sa isip niya kasi, kapag tinawag na Corazon, manang o ‘di kaya para siyang matandang hindi nag-aayos. O ‘di kaya parang bruha? Dugyot? Basta ganoon ang nasa isip niya. Kesa magsayang ng laway at masira ang araw ay iniwan niya si Callen. Baka ma-badtrip lang siya dahil sa binata. Natigilan siya mayamaya nang makita si Astin. Nakasimangot na naman itong nakatingin sa kanya. Kanina pa kaya ito rito? Malamang, ano? Magkaibigan ito at si Callen, e. Tapos kasama rin ng mga ito ang iba nilang kaibigan. Si Eziah, Dariel at Ian. Si Dk naman ay kausap sa malayo si Zale. Tumigil siya sa harapan ni Astin kaya napataas ito ng kilay. “Get out of my way,” anito. Ngumiti lang siya kay Astin. “Papa Astin—” “You’re not my daughter para tawagin mo akong Papa.” Akmang aalis ito sa harapan niya nang mabilis niyang inilabas ang invitation. Pero imbes na si Astin ang kukuha ng invitation, may ibang kamay na kumuha doon. Si Callen iyon kaya nainis na naman siya. “Akin na ‘yan!” sigaw niya. Pero tinago lang nito iyon sa kanya. Lumayo pa ito sa kanila ni Astin para basahin. “Damn, pal. Are you going to accept her invitation? Paano si Laura?” sunod-sunod na tanong ni Callen kay Astin. Bigla siyang kinabahan sa isasagot ni Astin kay Callen. Sana naman pumayag ito. Iyon ang dinadalangin niya ng mga sandaling iyon. “Parang hindi mo ako kilala, Pal. Of course, may Laura na ako. Kaya hindi ko na kailangan ng ibang babae.” Malungkot na sinundan niya nang tingin si Astin. Kahit ano talaga ang pahangin niya kay Astin, hindi siya nito magugustuhan. Ayaw naman ni Laura dito kaya dapat tumigil na ito. Nandito naman siya, handang saluhin ang puso nito. Napaayos siya nang sarili niya nang mawala ang mga ito sa paningin niya. Kung nabigo siya ngayon kay Astin, kay Ismael na lang nga muna siya huhugot nang lakas. Hindi pa man siya nakakasakay sa sasakyan niya nang may humarang na sa pintuan. Napahilot siya sa ulo niya nang makitang si Callen na naman iyon. “What?” “W-wala ka bang ka-date sa party? Available ako kung gusto mo.” Bigla siyang natawa. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang paglunok ni Callen. “Sino ka naman para maging ka-date ko? Iw,” aniya na parang nandidiri. Magandang lalaki naman si Callen. May mga katangian din ito na meron si Astin. Habulin din ito ng mga babae. Kaso mas gusto niya talaga si Astin, e. Mas may appeal ito para sa kanya. Parang magiging bored ang relasyon nila kapag inentertain niya ito. Mukhang na-offend niya yata si Callen. Namula na ang pisngi nito kahit na ang tainga. “O-okay ka lang, Callen?” nauutal niyang tanong. Kasi naman wala na siyang imik talaga. “I-I’m good.” Sabay talikod nito sa kanya. Nakonsensya siya bigla sa mga binitawan niyang salita. Bakit nga ba kasi siya nag-iw? Hindi naman ito nakakadiri dahil ang guwapo naman nito talaga. Hindi lang talaga niya type ang binata. Pinilig niya ang ulo niya mayamaya. Mabilis siyang sumakay ng sasakyan at pumunta sa malapit na mall kung saan naroon si Ismael— ang bago niyang pagkakaabalahan. Pero pagdating doon, napangiwi siya nang makitang maraming tao. Akmang makikipagsiksikan siya nang pigilan siya ng mga bodyguard niya. Lumabas na naman ang mga ito dahil maraming tao. Ano pa nga ba, utos ‘yan ni Daddy niya! Hindi na niya nagawang makipagsiksikan nga dahil hila-hila na siya ng bodyguard niya. Akala niya makakalusot siya, hindi pala. Pero nahagip nang tingin niya ang lalaking pumipirma sa gitnang mesa. Nahawi kasi bigla ang mga tao noon para maupo. Pero parang useless lang din dahil may sumbrero at facemask si Ismael. Tapos full pa. Tanging mata lang nito ang nakalitaw. Nanghihinayang siya ng mga sandaling iyon. Hindi man lang niya nakita ang mukha ni Ismael. Ang tagal niya nang inaasam ito tapos mabibigo pa siya! Kaya naman iginiya niya na lang ang sarili sa food court at umorder ng makakain. Hindi na siyapwedeng bumalik sa university dahil last subject na niya iyon kanina kaya wala na talaga siyang babalikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD