Chapter 2: Why?

1452 Words
PAKIRAMDAM ni Callen, may nakabara sa kanyang dibdib ng mga sandaling iyon. Alam niya namang napaka-straightforward magsalita ni Asia pero nasaktan pa rin siya. Actually, paulit-ulit na siya nitong nire-reject, e. Kaso, wala pa sa bokabularyo niya ang pagsuko. As usual, palilipasin niya lang ito tapos babalik ulit sa dati na parang wala lang. Nang pumasok ang taon na ito, nalilito na siya sa nararamdaman niya towards Asia. Hindi lang pala siya natutuwa sa dalaga kung hindi nagkakagusto na rin. Pero walang nakakahalata noon sa mga kaibigan niyang lalaki. Akala lang ng mga ito, sinususugan siya lang ang pagka-disgusto ni Astin kay Asia dahil sa naging nakaraan ng magulang ng mga ito. Ewan niya lang sa mga babae nilang mga kaibigan kung iba ang paningin ng mga ito sa pakikitungo niya kay sa dalaga. Sa totoo lang, nakailang tanong na siya kay God kung kailan kaya mapapagod si Asia kay Astin. Seryoso, nandito kaya siya, kaya bakit kay Astin pa? Nakailang tingin din siya sa salamin, gwapo naman siya. Kaya bakit hindi siya pwedeng mahalin ni Asia? Saka mas maganda ang pakikitungo niya rito kumpara kay Astin. Natigilan na naman siya bigla. Oo nga pala, may kani-kaniya tayong gusto. Kahit na ano pa ang kapintasan o pag-uugali meron ang isang tao, balewala sa mga taong bulag. Not literally bulag, huh? Ang ibig niya, bulag sa pag-ibig. Ganoon. Tinampal niya nang pagkalakas ng isang beses ang kanyang dibdib, pero ganoon pa rin. Masakit talaga. Kaya tumigil siya sa paglalakad saglit para pakalmahin ang sarili. Nilingon niya ang kinaroroonan ni Asia kanina pero wala na ito doon. Naghanap na rin ang kanyang mata ng banyo, pero malayo pa mula sa kinaroroonan niya. Kaya imbes na pabalik kila Astin, nagpasya na lang siyang umuwi dahil mas malapit ang sasakyan niya. “Señorito, kanina pa ho may tumatawag sa isang telepono niyo.” Sabay abot ng butler niya na si Joaquín ng extra phone niya. Kakarating lang nito sa tapat ng sasakyan niya noon. Bukod ang sinasakyan niya kasi kapag may pasok siya sa unibersidad. “Sinong tumatawag?” tanong niya. “Si Ma’am Keana po. Pero nagpadala na po siya ng text sa akin. Tinatanong kung kailan daw kayo makakadalaw sa kanya. Kung may schedule na raw ho, tawagan niyo na lang siya para masabi niya raw sa office.” Natigilan siya nang marinig ang pangalan ng Tita Keana niya. Alam na niya ang pag-uusapan nila. Hindi pa niya masasagot ang tanong nito sa kanya. Saka wala siya sa mood ngayon. Magpapakalma lang muna siya. “Tawagan ko na lang siya kamo.” “Sige ho, sasabihin ko, Señorito.” Pagkasabi ni Joaquín ay tumalikod na ito sa kanya. May sasakyang lalabas rin kasi noon. Dinala siya ng sasakyan niya sa Tagaytay. May bahay siyang nabili rito noon na almost 64 sqm. Malaki na para sa kanya. Kita rin ang magandang view ng Taal lake mula sa bedroom, kahit na sa living room, kaya nakakatulong sa pagpapahinga niya. Kapag bagot siya o ‘di kaya kailangan niyang tapusin ang mga pending niya, dito siya pumupunta. Kumakalma kasi siya dito. Nakakapag-isip rin nang maayos. Parang matatawag niya na ngang haven ito. Inabot lang naman siya ng madaling araw sa Tagaytay. Pero wala naman siyang ibang ginawa doon maliban sa magpahinga. Marami siyang pagod na naramdaman dahil sa sinabi na iyon ni Asia. Buong sistema niya talaga ang apektado. Hindi siya pwedeng bumalik nang ganoong state kaya nagpagpasya siyang magpahinga. Pero kailangan niya ring bumalik ng Maynila dahil kinabukasan, kailangan niyang pumasok sa opisina. Dahil siya ang panganay, sa kanya nakalaan ang mataas na position sa dalawang kumpanya ng magulang niya. Mas pokus nga lang siya sa Narvaez Energy Corp ngayong taon dahil kailangan nang tulong ng ina niyang si Dominique o Dom kung tawagin ng mga kaibigan nito. Nakaupo pa naman ang Papa niya sa Moore Holdings— ang umbrella company nila, o ang tinatawag na parent company. Tapos pokus din nito ang Fly AirMoore— ang wholly owned subsidiary company nila, kaya walang problema doon sa side ng ama niya. May iba pa silang subsidiary company pero may mga humahawak din doon. Pero soon, lilinisin yata ng Papa niya bago siya umupo. Sa pagkakaintindi niya sa huling meeting kasama ang amang si Caleb Moore, baka bibilhin ng MH ang ilang subsidiary companies ng Narvaez GOC, tapos i-merge na lang ang main companies saMH. Pero hindi pa ito sigurado. Gusto kasi ng ama na makapagpahinga naman ang ina. Maliban sa pag-asikaso sa kanila kasi, hands on din ito sa kumpanyang naiwan ng magulang nito. Wala namang ibang aasahan kasi. Kaya nga bago siya magsimula ng college, pumapasok na siya sa company nila dahil hindi basta-basta ang position na maipapasa sa kanya soon. Kaya marami siyang pinagkakaabalahan. ARAW ng foundation noon, masigla ang buong campus. Marami ring nagsisigawan dahil sa mga laro na pinapanood ng mga ito. Non-academic at academic ang programs ngayon. Pero basketball lang ang sinalihan ni Callen. “Bilis, hinihintay na tayo nila coach,” ani ng isang kaklase nila na kasama niya sa laro. “Sila Astin at Ezi, nandoon na ba?” “Kararating lang din halos.” Tumango siya rito at sumunod na lang. Pagdating sa court ay nandoon na nga ang mga kaibigan. Ang team nila Zale, Ian at DK ang kalaban nila ngayon kaya hindi niya alam kung may mga susuporta sa kainila mula sa mga kaibigan nila na hindi kasali. Mas ahead kasi silang tatlo sa iba. Saktong natapat ang mga ito sa kanila na lalaban ngayon. Dapat ka-batch niya ang mga ito, pero hindi. Isa kasi siyang accelerated student. Tapos graduating na rin pala kami sila ngayong taon. Agad na hinanap niya ang dalagang laging gumugulo sa isipan niya. Napangiti siya nang makita sila Laura. Kung nasaan kasi si Laura, nandoon din si Asia. Nakangiti si Asia nang makita niya kaya napangiti rin siya. Pero napalis iyon nang mapansing si Astin ang tinuturo ni Asia na noo’y naka-upo katabi ng isa nilang ka-team. Kaya naman pala kilig na kilig at malapad ang ngiti nito dahil sa kaibigan. Nagpakawala siya nang malalim na buntonghininga bago lumapit sa kaibigan. Lumapit na rin sa kanya si Ezi at binigay ang susuotin niyang jersey. Balimbing ang grupo nila Laura dahil kay Andrea at Asia. Hindi malaman kung kanino susuporta. Ganoon din si Lexxie pero mas lamang ang cheer nito para kay Zale. “Go, Callen!” Ngumiti siya sa grupo ng mga kababaihan na malapit kila Laura. Napatingin tuloy sa kanya si Asia dahil sa grupo na iyon. Hindi siguro akalain nito na may magche-cheer sa kanya mula sa ibang grupo. Pero mas maganda sana kung i-cheer siya ni Asia. Ngumiti siya kay Asia pero sumimangot lang ito sa kanya. Well, okay na siya roon, at least, tiningnan siya nito. Kahit na kaunting porsyento lang ng posibilidad na baka mapansin siya nito, masaya na siya. At least, sabi nga nila. Pumapalakpak nga ito kapag nakaka-shoot siya ng bola. Nga lang hindi, hindi gaya kay Astin. Talo ang grupo nila Ian sa basketball. At dahil may pustahan din iyon, sila ang sagot sa inumin nila kapag nagawi ng ZL Lounge. Hindi pwede mamaya dahil may party, kaya naman sa ibang araw na lang itinakda. “Sinong ka-date mo mamaya?” Nilingon niya si Lexxie nang marinig ang boses nito. Pumunta lang ito rito para manood ng basketball. Graduate na ito, ilang taon na rin, dahil mas matanda nga ito kesa sa kanila. Natawa siya. “Wala.” “Good. Para naman hindi ako ma-out of place. So, kita na lang tayo later?” Sabay tampal ni Lexxie ng balikat niya. “Uwi ka na?” “Duty first!” anitong nakangiti. “Ingat sa pagmamaneho, mate!” “Thanks, mate!” Nakangiting sinundan niya nang tingin ang kaibigan. Alam niya kung bakit ito nandito. Hindi dahil sa niyaya ito nila Laura kung hindi dahil iyon kay Ian. Pusong babae kaya si Lexxie na hindi alam ni Ian. Akmang lalabas siya nang tawagin ni Laura at ni Andrea para i-congratulate. Nakangiti ang dalawa pero si Asia, busy sa cellphone nito, hindi man lang siya tinapunan nang ngiti. Panay lang naman ang scroll. Nagpaalam din ang mga ito kaagad para umuwi. Mag-aayos pa raw ang mga ito para mamayang gabi. Malungkot na lang na tinanaw niya si Asia. Hindi niya talaga maintindihan sarili kung bakit hindi siya nito magustuhan. Kagusto-gusto naman siya. May mga nakausap na nga siyang ka-schoolmate nila na nagpapahangin sa kanya, natanong niya kung ano ang nagustuhan ng mga ito sa kanya. At gaya lang din ng sagot ni Asia pagdating kay Astin, malakas ang appeal niya sa mga ito. Kaya bakit hindi ganoon ang nararamdaman ni Asia sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD