Kabanata 1

2135 Words
Nasa bridal car pa lang si Fajrah pero labis na ang kaba at excitement na nararamdamn niya sa loob ng dibdib niya. Hindi siya mapakali at nanginginig ang mga kamay niya sa sobrang kaba. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang seremonya. Ilang mga minuto na lang at mapapalitan na ng apelyido ng pinakamamahal niyang lalaki ang apelyido niyang Bauzon. Napangiti si Fajrah as she imagines her name with her husband’s last name. She even muttered it in silence. “Fajrah Celestine B. Miradel,” she silently muttered at napangiti dahil sa saya. Mayamaya ay napalitan na naman ang mga ngiti niya ng kaba na siyang napansin ng kasama niya sa loob ng sasakyan na si Weather ang kaisa-isang babae na pinsan niya sa side ng Mommy niya, sa side ng mga Timbreza. “Okay ka lang ba?” Tanong nito na nasa tabi niya nakaupo. Ito kasi ang ginawa niyang bride’s maid niya sa kasal niya nang araw na iyon. Nahalata nitong hindi mapakali ang pinsan kaya nag-aalalang tinanong niya ito. Nginitian niya ito upang hindi ito pag-alalahanin ng masyado. “Kinakabahan lang ako.” “Ano ka ba! Enjoy this moment ate, kasi minsan lang ‘to sa buong buhay mo. Smile,” sabi nito cheering her cousin to smile sabay tawa. Alam kasi ng pinsan niya na hindi boto ang Mommy niya sa mapapangasawa nito, si Kier. Hindi dahil mahirap ito at mayaman ang pamilya nila but because he is way older than her. Para kay Fajrah ay wala siyang pake roon at ayos lang naman kasi Kier doesn’t look like too old to her. Ang dami ngang naiinggit sa kaniya eh, kasi maliban sa ang gwapo ng boyfriend niya, successful pa ito. Kaya nga lang walang pake ang mommy niya kung mayaman man ang lalaki o may napatunayan na sa buhay. Hindi nito kailangan ang yaman na meron ang lalaki dahil mayaman naman na sila, what her mom wants is a man that is in her same age. Bukod pa roon ay gusto ng Mommy niyang i-enjoy muna ang buhay niya but she just can’t kasi gusto niya nang maitali sa lalaking alam niyang mamahalin niya ng habang buhay. Siguradong-sigurado na siya kay Kier. But she also belives that time will come na matatanggap din ng mommy niya ang kaniyang nobyo. Kier is a very good man. Hindi ito mahirap mahalin, he’s very nice and gentleman dahilan upang mahulog siya rito. She’s a very choosy person but still Kier made her fall in love with him. Hindi talaga siya mahirap mahalin kaya minsan nakakaramdam siya ng pangamba sa tuwing may mga babaeng lumalapit sa nobyo niya. Natatakot siya na baka ipagpalit siya nito sa mga babaeng mga kaedad at successful na din sa buhay tulad nito. Ilang taon kasi ang agwat nila sa isa’t isa kaya ganoon na lang ang takot niya na baka iwan siya nang lalaki at ipagpalit sa babaeng kaedad nito. Iyong maganda, may trabaho na at mature na kung mag-isip. Walang gaanong insecurities si Fajrah pagdating sa physical appearance at yaman kasi may ibubuga naman siya sa larangan na iyon pero pagdating lang talaga sa edad at pagiging mature mag-isip ay doon siya sobrang nai-insecure. Sa edad kasi na bente doss ay alam niyang hindi pa rin siya gaanong mature. There were still times where she acts like a teenager na sometimes ay hindi niya talaga maiwasan. “Kahit ikaw pa ang pinaka-isip bata na babae sa buong mundo, mamahalin pa rin kita kasi ikaw si Fajrah Celestine Bauzon.” She smiled as she remembers what Kier told her noong isang araw na nagselos siya sa isang babae but Kier always make her feel na siya lang at wala nang iba na mas nagpapalalim pa lalo ng nararamdaman niya para rito. Since that day, he would never forget ta make her feel assured na siya lang at wala nang iba pa itong mamahalin. Hindi na siya makapaghintay na maitali sa lalaki. Matagal niya nang hinihintay ang araw na ito, nilang dalawa actually. At nasisiguro niyang pagkatapos nitong kasalan ay magiging kampante na rin siya. Pag naikasal na sila ni Kier ay hindi na siya mangangamba pa dahil alam niyang sa kaniya na ito and so is her to him. “Baba na po kayo, maam.” Sabi ng organizer. Tinulungan siya nito na makababa lalo na dahil nahihirapan siyang ilakad ang suot-suot niyang wedding gown. Sa pagbaba niyang iyon ay nagsimula naman sa trabaho nila ang mga photographers. Kumuha ito ng iilang mga shots niya. Dalawa ang kinuha nila na photographer para masiguro talagang bawat mahahalagang eksena ay makunan ng mga ito, ang isa ay nasa loob. “Maam dito ka po.” Pag-giya sa kaniya ng organizer sa paglalakad patungo sa tapat ng malaki at nakasirado pang pintuan ng simbahan. Sobrang kinakabahan na siya dahil siya na ang susunod na maglalakad sa gitna. Habang siya ay hindi mapakali, ang organizer naman at ang pinsan niyang si Weather ay busy sa pag-aayos sa mataas na gown niya sa likuran. Maya-maya ay lumapit ang Daddy at Mommy niya. Her mom can’t help not to cry, kahit hindi ito boto kay Kier ay pumunta pa rin ito sa araw ng kasal niya because her mom believes that it’s a very important event for her daughter. Ganoon din ang Daddy niya sa kabilang gilid niya, he was already in tears ng makalapit ng tuluyan sa anak nila. Hindi ito makapaniwala na ikakasal na ang anak nilang babae na naunahan pa nito ang nakakatanda nilang pamangkin na si Lorenzo. “Ready na po ba kayo maam, sir? Papasok na po kayo ngayon.” Sabi ng organizer na may malait sa pintuan. Tinanguan nilang tatlo ito. Hinigpitan niya ng kaunti ang pagkakahawak niya sa mga magulang. Isa sa mga dahilan kung bakit siya kinakabahan ay dahil hindi niya pa kabisado ang vow na sasabihin niya sa kaniyang magiging asawa, sana ay mairaos niya ang mga sasabihin niya mamaya. Bumuga siya nang isang napakalakas na hangin. Nakatalukbong na sa kaniya ang veil at hawak-hawak ang isang bouquet ng mga bulaklak. Nasa tabi niya ang parents niya na mas napaiyak pa lalo nang unti-unti na silang napapalapit sa aisle. Habang papalapit sa unahan ay nakita niya rin ang mga pinsang lalaki doon na pasimpleng napapaiyak sa isang tabi. Mga pinsan na nakasama nilang dalawa ni Weather sa kanilang pagtanda. Sa kanilang lahat na magpipinsan ay siya ang pinaka-unang ikakasal. Binigyan niya ang mga ito ng yakap isa-isa and specially ang Lolo nila na isa rin sa nagpalaki sa kaniya. They were all crying in happiness pero wala nang mas makakapantay sa saya na nararamdaman nilang dalawa ni Kier that day. After hugging her love ones ay ang lalaking pinakamamahal niya naman ang hinarap niya. She was so emotional lalo na nang kunin nito ang kaniyang kamay patungo sa altar, with him who’s also in teary eyes already. It was the most perfect and best day for her. Kahit kailan man ay hinding-hindi niya kakalimutan ang araw na iyon. Ang araw kung kalian unang besses siyang tinawag ng mga tao bilang si Mrs. Miradel. Hindi maiwasang hindi mapangiti ni Fajrah sa tuwing nakikita niya ang malaking litrato nila ni Kier noon sa kasal nila sa loob ng kanilang kwarto na meron din sa kanilang sala. Sa tuwing napapatingin siya roon ay palagi niyang naaalala kung gaano sila kasaya noong araw na iyon. Para sa kaniya ay para bang noong nakaraang araw lang ito nangyari but actually it’s almost a year now and yes, it still feels like yesterday. She smiled at mas isiniksik pa ang katawan papalapit sa asawa niyang tulad niya ay wala ring saplot sa katawan sa ilalim ng makapal nilang kumot. Tinaas niya ang tingin sa mukha ng asawa at nakitang nakapikit pa ito. Napangiti si Fajrah, dahil sa kilig, “Ang gwapo talaga ng asawa ko.” Ani niya sa kaniyang isipan. Hindi niya alam kung ilang besses niya ng nasabi sa sarili iyon na ang gwapo at hindi lang iyon dahil ang hot din ng asawa niya, kaya hindi na siya magtataka pa kung bakit ang daming naghahabol rito. May dugong Turkish kasi ang lahi nila kaya makikita at halatang-halata din talaga sa lalaki ang pagkakaroon ng foreign features. Gusto niyang belatan lahat ng mga lumalandi sa asawa niya. Minsan naman kapag na ba-bad mood siya sa mga ito ay gusto niyang isampal sa mga ito ang marriage contract nila pero siyempre hindi niya iyn ginagawa. She has to act mature diba? Tsaka parati din siyang sinasabihan nang asawang wag nang patulan ang mga ito dahil kahit naman anong gawin ng mga itong pagpapansin sa kaniya ng ibang babae ay hinding-hindi niya lilingunin ang mga ito. Tanging sa kaniya lamang ang mga mata at puso niya, only for her. Dahil doon ay mas napangiti pa lalo si Fajrah sa naalalang sinabi ni Kier sa kaniya noong mga araw na mag boyfriend at girlfriend lamang silang dalawa. Kier groaned. Gising na rin ito. Isang ngiti na naman ang ginawad niya nang maalala ang nangyari kagabi. Ika-tatlong besses na nilang ginawa ang bagay na iyon simula niyong ikinasal sila at kahit gawin pa nila iyon ulit ngayon ay magsisinungaling siya kung sasabihin niyang ayaw niya. Inalala niya ang Nakita niyang magandang katawan ng asawa niya na ngayon, he has abs at kahit ngayong akap-akap niya ito ay ramdam niya ang matitigas na pandesal nito. Dahilan kung bakit napakagat siya sa kaniyang pang- ibabang labi. Kier groaned. “Good morning, Love… Ang ganda mo.” Bati nito sa kaniya, na dahilan upang mas napangiti pa lalo si Fajrah. Kahit ilang besses na nitong nasasabi sa kaniyang maganda siya ay kinikilig pa rin siya kapag naririnig iyon mula sa asawa. “Good morning, Love.” She greeted back before he pecked a kiss on his cheek. “Want something for breakfast?” Tanong nito habang hinahaplos ang braso niya at hinahalik-halikan ang ulo niya. Inangat niya ang mga mata upang makita ito. “Anything, basta luto mo.” She said and give him a peck on his lips na siya namang nagpangiti sa lalaki. “Okay then.” Umalis ito sa pagkaka-akap sa kaniya. Pagkatapos ay inalis ang kumot na nakatakip din rito at tumayo nalang bigla ng wala man lang saplot. Agad na napalunok si Fajrah nang makita ang alaga nang asawa. Nanlaki ang mga mata niya at agad na inilayo ang tingin roon. Kier chuckled nang Makita ang ekspresyon na iyon ng asawa. Tumalikod siya rito and pick up their clothes last night kaya napakagat labi na lang si Fajrah nang ang likuran naman nito ngayon ang nakikita niya. “Shower?” Tanong ni Kier kay Fajrah. Nakahubad pa rin ito at kitang-kita niya na naman ang alaga nitong parang ready sa kung ano mang gyera na dumating. Tinawanan niya ito, tumatyo and she went to the shower with his husband. They make a quick love in there pagkatapos ay ipinagluto na siya ni Kier. Isang linggo lamang ang nileave ni Kier sa tarbaho kaya matapos ang dalawang linggo ay balik na naman sila sa dati. Sa kung saan busy ang asawa sa trabaho samantalang siya naman ay busy sa paglilinis ng bahay. Wala silang katulong, gusto niya sanang may katulong sila pero ayaw naman ni Kier. Hindi niya raw gusto na may ibang tao sa bahay nila. Kaya siya na lang ang nag i-insist na maglinis kasi alam niya namang busy na ang asawa sa pagtatrabah at pagod na kapag umuuwi. Pero minsan kapag walang time silang dalawa ay tinatawagan nila ang isa sa pinagkakatiwalaang katulong nina Fajrah sa bahay nila ng parents niya na si Ate Jang para magpalinis. Isang buwan pa bago ang pasukan kaya palaging naiiwan na mag isa si Fajrah sa bahay nila. Minsan naman kapag gusto niya ay bumibisita rin siya sa mga pinsan niya, sa La Timbreza kung saan ang Lolo niya at minsan lang sa bahay nila dahil alam niya naming wala roon palagi ang mga parents niya. Mas madalas siya sa La Timbreza kasi madali lang niyang mamiss ang mga pinsan niya lalo na’t nasanay siya na ang mga ito ang palagi niyang nakakasama noong hindi pa siya kasal. Madalas ay na b-bored siya sa bahay nila ni Kier lalo na’t ang laki niyon at wala naman siyang ibang ginagawa kundi ang manuod lang ng tv, makinig ng music at magtanim ng mga halaman sa labas. Change ng landscape design and such. “Hi, Love.” Bati niya sa asawa nang makauwi ito galing sa trabaho. “I’m from the site. Mabaho ako.” Sabi nito nang akapin niya ito. “Kahit ikaw pa ang pinakamabahong tao sa mundo, hindi pa rin ako magsasawang yakapin ka.” Sagot naman sa kaniya ni Fajrah na siyang nagpangiti at nagpatawa sa mahal niyang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD