Kabanata 2

2321 Words
“Love.” Tawag ni Fajrah sa asawang nasa tapat pa rin ng laptop niya, anong oras na pero nagtatrabaho pa rin ito. Kier answered Fajrah with a "hmm" without even looking at her. Napabusangot r'on si Fajrah. “Tulog na tayo, Love.” ani niya. Naiinis na dahil hindi siya pinapakingga ng asawa. Anong oras na at trabaho pa rin ang inaatupag nito. Napapaisip tuloy siya kung ganito din ba kung isubsob ni Kier ang sarili nito sa trabaho niyong mag girlfriend at boyfriend pa lamang sila. Noong hindi pa sila sa iisang bubong nakatira. Halos hindi na rin ba ito matulog noon? kaya ba minsan kapag nagkikita sila ay halatang pagod ito? She felt sad lalo na dahil siya ang may gustong makita ito palagi without knowing na hindi na pala nakakpagpahinga ang lalaki. “Love, tulog na tayo,” ani niya ulit nang hindi pa tumatayo ang lalaki sa kinauupuan nito. She wants him to take a rest na already dahil halos buong araw na itong nagtatarbaho. Pag-uwi nito galing site ay kumain lang ito ng kaunti tapos hinarap na agad ng latop nito. Sa pagkakataong iyon ay napabuga ng hangin si Kier and looked at Fajrah na nakabusangot na ang mukha. He chuckled at nginitian niya ito before turning his laptop off. Pagkatapos ay inayos muna niya ng saglit ang iilang mga gamit niya sa taas ng lamesa. Hindi talaga nito matiis ang asawa. What he was doing was actually very important, siguro ay gigising na lang siya ng maaga bukas para balikan iyon. Napangiti naman si Fajrah nang makitang sinunod siya nang asawa at tumabi na sa kaniya sa higaan pagkatapos. Agad niyang pinulupot ang isang kamay nito sa tiyan nang asawa and sniff Kier’s scent which is one sa mga gustong-gusto niyang gawin sa lalaki. “Ilang araw na lang mag s-start na ang pasukan.” she said. Na wo-worry siya kasi kapag ganoon ay baka hindi na siya gaanong magkaroon ng oras para sa asawa lalo na dahil fourth year student na siya ngayon, graduating. Maraming mga bagay ang dapat niyang gawin isa na roon ang pag t-take ng dalawang internship sa isang kompanya. Hindi pa siya sure kung magiging madali lang ba iyon o hindi. There’s a big possibility na baka sa ibang probinsya siya ma-aassign kaya nalulungkot siya kasi malalayo siya sa asawa niya. “Hmm.” Nakapikit na sagot ni Kier sa kaniya. Fajrah pouted at naisipang pagtripan ito. “Should I tell my classmates that I am single?” Agad na napamulat sa kaniyang mga mata si Kier. Aware siyang maraming nagkakagusto sa asawa niya. Alam niya iyon dahil marami siyang naging karibal noon sa panliligaw sa kaniya pero lahat ng iyon ay hindi binalingan ng tingin ni Fajrah at tanging siya lang ang nilingon nito but still nakakaramdam pa din naman siya ng takot na baka makuha ng iba si Fajrah mula sa kaniya and knowing that she’s young at marami siyang kaedad na maari niya pang magustuhan, unlike him who’s older than her. “Why?” Tanong niya sa dalaga. Palihim na napangiti si Fajrah dahil sa tono ng bosses nito na tila hindi nagustuhan ang sinabi niya. “But if you don’t want to tell them that you’re married it’s okay.” Bawi nito. At muling pinikit ang mga mata. “Kidding. Kahit ipagsigawan ko pang kasal ako sayo sa field ng university, gagawin ko. Sasabihin ko na, asawa ako ni Engineer Kier Miradel niyo!” sabi ni Fajrah which made them both laugh after. Kier pinched his wife’s nose. “It’s okay if you’ll not tell them that you are married BUT you shouldn’t entertain boys and wag mo kalimutang suotin palagi ang singsing natin.” Sabi niya na hinawakan ang daliri ng asawa kung nasaan nakalagay ang wedding ring nila. “Yes, Love. Hindi ko nama n tinatanggal to.” ani ni Fajrah na may ngiti sa mga labing isiniksik pa lalo ang katawan sa lalaki. Natulog si Fajrah ng nakangiti s a loob ng bisig ni Kier nang gabing iyon. Kinabukasan nagising si Fajrah na wala na si Kier sa tabi niya. Nakita niya ang isang note sa taas ng unan ni Kier kaya binasa niya iyon. “I didn’t bother to wake you up. Eat well. I love you.” Basa niya sa mensahe na agad nagpasilay ng ngiti sa kaniyang mga labi. Pag lingon niya sa side table niya ay nakita niya roon ang isang tray na meron nang pagkain. Ang swerte ko talaga sa asawa ko. Sabi niya sa sarili. Ganoon ang naging takbo ng relasyon nila simula noong tumira sila sa iisang bahay. Kier is always that caring and loving partner to her, sobrang maalaga nito na kapag hindi busy sa trabaho ay inaako na ang ibang gawaing bahay. Wala silang maid and ayaw nilang kumuha hangga’t kaya naman nila at kukuha lamang sila ng katulong kapag may mga anak na sila, kasi gusto ni Fajrah na siya ang mag-aalaga sa anak nila samantalang ang maid naman na ang bahala sa mga gawaing bahay. Pero alam niyang matagal pa iyon kasi sinisiguro nilang hindi muna siya magbubuntis hangga’t hindi pa siya nakakapagtapos ng pag-aaral. Isang taon mahigit pa ang kailangan nilang hintayin para roon. “Love.” Tawag pansin niya sa asawa nang dumaan ito sa likuran niya. Kakauwi lang nito at siya naman ay nasa harapan ng salamin ginagawa ang skin care routine niya. Kier hmmd, while unbuttoning his polo. “Mag s-start na internship ko next week.” Sabi sa kaniya ni Fajrah habang sa repleksyon sa salamin lamang nakatingin sa asawa niyang nasa likuran. Natigilan ito. Alam kasi niyang posibleng sa malayong lugar ma a-assign ang asawa niya at kapag nagkataon ay possible din na dalawang buwan niya itong hindi gaanong makakasama. Fajrah was already pouting nang lingunin niya na ang asawa. “Hindi ako dito I-a-assign.” mas tumaas pa lalo ang nguso nito . “Na assign ako sa Del sur.” Malungkot na sabi nito na tinutukoy ang katabing probinsya, kapag ganoon ay siguradong kailangan nitong mag stay in at hindi makakauwi araw-araw. Kier sighed. Nalungkot din siya but he wants to cheer his wife up kaya lumapit siya rito at niyakap ang asawa. “It’s okay. I’ll fetch you every Friday night then and if you’ll miss me and in the week days feel free to call me anytime.” Sabi nito. “Paano kung busy ka?” Tinaas niya ang tingin sa asawang nakatayo habang nakaakap sa kaniya. “Kailan ba ako naging busy pagdating sayo?” Fajrah chuckled as she remembered those times when Kier was still courting her. Kahit noong nag r-review pa ito para sa exam niya ay pinuntahan pa rin siya nito para samahan siya sa pagpapa-vet sa aso niyang may sakit. Maraming times din na niliban nito ang mga iilang importanteng okasyon sa buhay nito para lang makasama ang girlfriend noon, na ngayon ay asawa niya na. “I will miss you for sure.” Sabi ni Fajrah she turned his body facing him at ipinulupot ang mga kamay sa bewang ng lalaki. Nasisiguro niyang mamimiss niya ang asawa sobra. “I will miss you more.” Si Kier. Fajrah sighed as she looked at the calendar. Ang bilis tumakbo ng oras. Parang kailan lang iyong Lunes kung kailan niya sinabihan ang asawa tungkol sa internship nila tapos ngayon Biyernes na, sa Lunes na magsisimula ang internship niya. Kaya kailangan sa Linggo ay naroon na siya. Ilang oras din kasi ang kailangang byahiin niya patungo roon. “Love.” Tawag sa kaniya ni Kier na agad niya namang nilingon. Kakauwi lang nito galing sa trabaho at nag insist na siya na ang magluluto. “Kain na tayo.” Sabi niya. Sabay silang pumunta sa kusina. “May lakad ka ba bukas?” Tanong sa kaniya ni Kier sa gitna nang pagngunguya niya. Napaisip si Fajrah. Wala siyang pasok bukas at wala din naman siyang lakad kaya inilingan niya ang asawa. “Wala akong lakad bukas pero… I have to pack my things already para sa linggo okay na lahat.” Sabi niya pagkatapos ay uminom ng tubig. “Gusto mo bang pumunta sa La Timbreza?” Tukoy nito sa mansyon ng Lolo ni Fajrah na si Don Venancio. Kung ang pamilya nila Kier na mga Miradel ang pamilya naman ni Fajrah ay mga abugado. Mula sa Daddy niya, sa mga Uncle at Tita at kahit sa mga pinsan niya. Their family is very known din dahil sa negosyo ng Lolo nila at malaking lupain sa probinsya ng Acuna. “Bakit? Wala ka bang work tomorrow?” Nagtatakang tanong ni Fajrah sa asawa. Kadalasan kasi noon ay may trabaho ang asawa kahit sabado. “Wala… Nag paalam na ako na hindi muna pupunta ng site, ibinilin ko muna kay Seb.” Sabi nito na agad na nagpa-excite kay Fajrah. Ibig sabihin niyon ay buong araw niyang makakasama ang asawa bukas! “Sige, Love para makapag-paalam din ako kay Lolo at sa mga pinsan ko… Pwede din ba tayong dumaan sa amin?” Tanong niya tukoy sa bahay ng Mommy at Daddy niya. Natigilan si Kier saglit. “Ahh. Oo naman.” Alam niya kasing hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tuluyang natatanggap ng Mommy ni Fajrah, but he’s doing all his best para ipakita ritong karapat dapat siya sa anak ng mga ito despite the age gap between the two of them. Tulad ng ipinangako sa kaniya ng asawa ay binisita nga nila ang Lolo, nagkataon naman na naroon din ang iilan sa mga pinsan niyang lalaki kaya natagalan sila roon ng kaunti. Pagkatapos naman roon ay sa pamilya naman sila ni Fajrah tumungo at doon na rin sila pinag haponan. Gusto sana ng Mommy ni Fajrah na doon na sila matulog kaso kailangan pa ni Fajrah na mag impake para sa pag-alis niya bukas kaya kinailangan na nilang umuwi din agad. Pag-uwi ay sinimulan ni Fajrah ang pag iimpake. Kakailanganin niya ang iilang damit kaya naghanap siya ng mga damit sa drawer niya na maaari niyang dalahin with her pero pwede din namang kaunti lang din ang dadalhin niya. Siguro naman ay may mapagbibilhan siya roon na mga stores. She brought her essentials too. Kinabukasan ay hinatid siya ni Kier sa magiging apartment niya. Lima naman silang na assign roon kaya okay lang at paniguradong hindi siya mabuburyo doon. “I will miss you.” Sabi ni Kier sa asawa. “Mamimiss din kita.” Fajrah said and give his husband a tight hug. “Wag mong kalimutan ang mga ibinilin ko sayo ha.” Sabi ni Kier na siyang nagpatawa kay Fajrah bago itinaas ang tingin sa kaniya. Ang dami ba naman kasi ng ibinilin sa kaniya ng lalaki which she finds sweet too. Noon pa man ay ganoon na talaga ang lalaki sa kaniya pero hanggang ngayon she feels the same kapag ginagawa iyon ni Kier. Kinikilig pa rin siya ng todo just like the first days niyong bago pa lang sila as couples. “Yes, Love.” She gave him a peck on his lips bago siya umatras at kumaway sa asawa. Kier then maneuvered his car. Kailangan niyang bumyahe na pauwi dahil dalawang oras pa ang babyahiin niya. Dalawang araw pa man ang dumadaan ay namimiss na agad ni Fajrah ang asawa. Fajrah looked at her wrist watch while she's on her shift. "Ang tagal naman tumakbo ng oras. I want to hear Kier's voice." bulong niya sa sarili. Ilang oras pa bago ang break time nila, kaya napapabusangot na lang siya minsan. Bawal kasi gumamit ng phone kapag on shift sila at hindi niya naman magawang mag break ng rules. Kaya nang magkaroon na ng time sa wakas ay hindi na siya nag aksaya pa ng oras at tinawagan na agad ang asawa niya. Agad naman iyong sinagot ni Kier, kahit busy’ng busy at may hinahabol na i-re-report sa amo ay inuna niya ang asawa dahil tulad nito ay miss na miss niya na rin ito. “Love, I miss you.” Naiiyak na ani ni Fajrah habang nag v-video call sila nang asawa niya. She missed his kisses, his touch and his love. Kung pwede nga lang lumipad o magteleport sa tabi nang asawa ay matagal na niya itong ginawa. Ngumiti si Kier. Miss niya na rin ang asawa at kung pwede nga lang eh pauwiin niya na ito at wag nang ipagpatuloy ang internship niya ay gagawin niya. After all, kung hindi man makapagtapos ng pag-aaral niya si Fajrah ay kaya rin naman niya itong buhayin gamit ang sariling pera niya. He have saved a big amount of money already for the both of them, kaya niya na itong buhayin kahit hindi na ito magtrabaho… but of course hindi pwede iyon dahil pangarap ng asawa niya ang nakasalalay roon. Whatever will make his wife happy ay handa siyang supportahan ito roon. “Then, we’ll do video call whenever you’re free.” Sabi niya rito. Ngumiti naman agad si Fajrah, alam niya kasing magkasalungat ang oras nila lalo na dahil first ship siya. Kapag free time niya ay nasa trabaho naman ang asawa, kaya hindi magkatiempo ang oras nila at minsan na lang silang nakakapag-usap. “Call me whenever you want. I’ll answer it.” Sabi ni Kier sa kaniya at totoo nga dahil everytime Fajrah calls ay sinasagot ito palagi ng asawa. Iyon nga lang kapag gabi ay minsan siyang natutulugan nito dahil sa pagod, there are times din na siya ang nakakatulog habang nagtatawagan silang dalawa. “Bawal kang uminom ha.” She reminds her husband. Kier chuckled dahil sa kakulitan at kakyutan nang asawa niya. “Yes maam.” “Bawal magpalipas nang gutom. Dapat kumakain ka sa tamang oras. Wala pa naman ako riyan para alagaan ka.” Hindi kasi siya makakauwi sa linggong ito kaya namimiss niya na ito ng sobra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD