Chapter 2

1192 Words
Biglang tumahimik ang lahat nang bumukas ang pinto at pumasok ang napakapamilyar na mukha. Si Mrs. Cruz, ang guro namin sa Filipino noong nakaraang taon. "Nagagalak akong makita kayong muli," nakangiti niyang sinabi. Mababakas sa mukha ng lahat ang kasiyahan. She's one of the most loved and respected teacher among the others. Hindi lang dahil siya ay napakabait kung hindi ay magaling din siyang guro. "At dahil unang araw pa lamang ngayon at nararamdaman kong magkakilala na kayong lahat kaya ay wala tayong gagawin." Biglang naghiyawan ang lahat kaya ay itinaas ni Mrs. Cruz ang kaniyang mga kamay, tanda na tumahimik ang lahat. "Ngunit sa isang kondisyon. Hinaan lamang ang inyong boses," pagpapaalala niya. Halata namang sumasang-ayon ang lahat. Bigla-bigla ay humarap si Janice sa akin habang nakangisi. Hindi ko alam kung ano na naman ang pumasok sa kaniyang isipan. "Remember yesterday? Nung bumili ako ng mga gamit sa school?" "Yeah, why?" mausisa kong sagot. "I think may bagong lipat dito satin," humihirit niyang sinabi. "May nakita kasi akong pogi, bumubili rin. Hindi ko lang alam kung dito rin siya nag-aaral o baka college na siya, pero, Jasper! Ang gwapo niya," dagdag pa niya. Bumuntong hininga na lamang ako. Ang akala ko ay may kiling ang kaniyang sasabihin ngunit tungkol sa lalaki lang pala. "Nako sinasabi ko sa'yo. Kapag ka nakita mo yun ay siguradong magkakagusto ka rin sa kaniya," aniya. Nakahawak pa siya sa aking braso habang ako ay niyuyugyog. "Bakit lahat nalang ng lalaking nakikita mo ay gusto mo?" pabirong tanong ko sa kaniya. "No, hindi lahat ng lalaki. Mga poging lalaki lang," she said while waving her' hand like a miss universe. Napailing na lamang ako sa kapilyohang taglay ni Janice. Tatlong katok sa pintuan ang nagpahinto sa lahat ng aming ginagawa. Tumayo si Mrs. Cruz upang pagbuksan ang kung sino man ang nasa labas. Isang kamay ang may nag-abot ng isang maliit na pirasong papel sa kaniya. "Mahusay, madadagdagan na naman kayo ng isa pang mag-aaral," saad ni Mrs. Cruz. "Pasok ka at magpakilala," dagdag pa niya. Nang mabuksan ng malaki ang nakaawang na pinto ay parang natigil ang pag-galaw ng mundo. Isang maputi at matangkad na lalaki ang pumasok. Ang kaniyang mga mapupungay na mata ay dahan-dahang nagmamasid sa paligid, na animo'y parang nagmamanman ng mga halaman sa hardin. Ang kaniyang matatangos na ilong at senswal na labi ay nakakadagdag sa kaniyang nakakaakit na mukha. Parang anghel na bumababa sa langit. Nang magtagpo ang aming mata ay pumintig ang aking puso, para bang nasisiyahan ito sa kaniyang nakita. Para akong hinihigop sa kailaliman ng kaniyang titig na kahit hininga ko ay kaniya ring nadadala. Hindi ko na namalayan ang mahigpit na hawak ni Janice sa aking braso, napansin ko lamang nang nakaramdam ako ng sakit mula sa kaniyang kuko. Nang tingnan ko ang kaniyang mukha ay namumula ito at parang nagpipigil ng sigaw. Bigla siyang tumingin sa akin at inilapit ang kaniyang bunganga sa aking tainga. "Siya yun," ang marahas niyong bulong. Sa umpisa ay naguguluhan ako sa kaniyang sinabi ngunit nang rumehistro ay doon ko lamang napagtantong tama nga siya. Kapag makita ko ay magugustuhan ko rin siya. Ibinalik ko ang aking tingin sa aming bagong kaklase at natagpuan kong nakatitig parin siya sa akin. Anong galak na lamang ng aking damdamin nang gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi habang sa akin ay nakatingin. "Good morning. I'm Kairo Alvaréz," pagpapakilala niya. Maririnig ang mga mahihinang tili ng mga babaeng nasa harapan. Kahit si Janice ay hindi rin nakapagpigil. Matapos niyang magpakilala ay pinaupo siya ni Mrs. Cruz. Umupo siya sa bandang likuran, kung saan nakaupo ang mga self-entitled hearthrob ng iskuwelahan. May pagkukumpas pa ng kamay siyang sinalubong ng mga ito. Exchanging fond gesture. Kahit na kinakausap ako ni Janice ay hindi mawala-wala sa aking isipan ang kaninang ngiti ni Kairo. Hanggang sa kami ay nakaupo na't kumakain sa canteen. "Hoy, okay ka lang? Kanina ka pa tulala, ah," sabi ni Janice habang iniwagayway ang kaniyang kamay sa aking mukha. Napatingin ako sa kaniya nang bumalik ako sa aking ulirat. "Ha? Oo naman. Bakit?" nagtatakang tanong ko. Magkasalubong ang kaniyang kilay na animo'y parang nais pasukin ang aking isipan. "Sabi ko, masuwerte tayo kasi kaklase natin si Mr. Pogi," pumapalahaw niyang wika habang pinapaypayan ang sarili. "Hay, sa wakas. Matititigan ko narin siya ng matagal," bungantulog niyang sinabi. Tumahimik at tumango na lamang ako dahil ayokong isipin niyang kahit ako ay nasisiyahan din. "Pero nakakainis nga lang dahil alam kong magkakainteres na naman si Nicole sa kaniya," naasar niyang sinabi. Kilala si Nicole sa pagiging maganda at mapagmataas. Spoiled brat din siya dahil lahat ng gusto niya ay dapat makukuha. Lalo na kapag may magugustuhan siya ay gagawin niya ang lahat makuha lamang ito. Lalo na pagdating sa lalaki. "Nakita mo ba yung palitan ng ngiti nila ni Nicole kanina?" Dahil sa kaniyang sinabi ay biglang nagising ang aking diwa. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kahihiyan. Buti na lang at hindi alam ni Janice ang aking iniisip kani-kanina lang. I mentally kick myself for assuming. Ni hindi ko man lang inalam kung ako ba talaga iyon, basta-basta na lang akong umigtad sa pasyang para sa akin iyon. "Anong nangyari sa'yo? Ba't namumula ang pisngi mo?" nagtatakang tanong ni Janice. "Ah.. wala 'to. Mainit lang dito kaya ganun," palusot kong sinabi. Buti na lang at tapos na akong kumain kaya ay napagpasyahan kong itapon ang basurang naiwan para makaiwas sa kaniyang masusing paningin. Mabilis akong tumayo at hinablot ang tray na may lamang basura at biglang lumingon papuntang basurahan. Ngunit ako ay napatigil nang mabundol ako sa kung sino man ang nakaharang. Nabitawan ko ang tray na hawak, rason upang magkaroon ng ingay na kumuha ng atensiyon ng nakararami. Inangat ko ang aking tingin at nabigla nang makita ko kung sino ang aking nabangga. Si Kairo, seryosong nakatingin sa akin ngunit may bahid ng pag-aalala. Kung sa malayo tingnan ay siguradong walang emosyon ang iyong makikita sa kaniyang mukha ngunit iba ang nakikita ko sa kaniyang mata. Sa kaniyang kanang balikat ay walang iba kundi si Nicole, mahigpit na kumakapit na parang takot hablutin at agawin sa kaniya ang hawak na pag-aari. "Are you okay?" tanong ni Kairo. Namula ang aking pisngi nang namalayan kong lahat ng tao ay sa amin nakatingin. Akma sana siyang yumuko upang pulutin ang mga nabitawan kong gamit ngunit hinila siya ni Nicole, pinigilan siya na gawin ito. Agad akong kumilos at mabilisang pinulot ang mga kagamitang kumalat, buti na lamang ay tinulungan ako ni Janice. "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya. Tumango na lamang ako, walang tiwala na ibuka ang bibig upang magsalita baka ay manginig lamang at mapapahiya pa lalo. “Are you okay?” ulit ni Kairo. “Oo,” nauutal kong tugon. Hinila ako patayo ni Janice at siya na mismo ang nagtapon ng basura. Pagkatapos ay kinuha niya ang aming mga gamit at hinila ako papalabas ng canteen. "Nagpapapansin lang siguro ang baklang iyon." Narinig kong bulong ni Nicole. Tila ay narinig din ito ni Janice dahil bigla siyang tumigil sa paglalakad. Ayoko ng gulo kaya ay ako na ang humila sa kaniya papalayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD