CHAPTER 3: AM I?

1134 Words
CHAPTER 3: AM I? Bagsak ang balikat na sinilip ko na lang ang loob. Ang ganda ng chandelier, mahahalina ka pumasok. But then again, bawal na nga pala. Hay, hay!  Uuwi na lang ako. Daig ko pa ang feeling brokenhearted ngayon. Lumamig ang buga ng hangin sa paligid, pakiramdam ko may nagbago, parang unusual na tahimik na ewan ko. Tapos feeling ko may nakatingin sa 'kin at- "Hi!"  "Ay!" tili ko nang may biglang lumitaw sa harapan ko, she literally jumped papuntang harapan ko, from somewhere na hindi ko napansin. "Sorry! Nagulat kita!" Tumawa siya nang tumawa. Babae siya na kasing-height ko, at parang ka-edad. "Pasok ka sa shop ko, interested ka yata sa books?"  Hinawakan niya ang braso ko saka hinila ako sa entrance door, ang lamig ng kamay niya, parang may electric static na mahina. Binawi ko agad ang braso ko saka nginitian siya ng hindi siguradong ngiti. "Ay, pasensya na, anong oras na kasi, kailangan ko na rin umuwi ng bahay," pakunwa'y sinipat ko ang relo ko. 9:38 PM, totoo naman, kahit hindi naman ako hahanapin nila mom at dad sa bahay kasi mamaya pa silang midnight dadating from work and business. "Come with me, saglit lang naman. May ibibigay lang akong book sayo, for free." "Sa 'kin?" lumingon pa ako sa likuran ko baka may iba siyang kausap. Kaso ako at sya lang ang tao. "Pero bakit?" seryoso ba siya? free?  "Wala lang, alam ko lang na para sayo 'yon at ang istoryang nasa librong 'yon. Someone just told me to give it to you, Hailey."  Napaawang ang bibig ko. I was speechless nang hatakin niya ako sa loob. Paano niya nalaman ang pangalan ko? At sino ang nagpapabigay ng libro sa 'kin? Who could it be? Sobrang dilim. Wala akong makita. Probably, nananaginip na naman ako, palaging ganito kapag gabi. I need to wake up now and wake up early, 7 AM ang pasok ko ngayong araw. Plus the fact na hindi talaga ako natutulog nang walang ilaw. Takot ako sa total darkness kagaya ng nangyayari sa akin ngayon!  I tried to slap my face but it was no use, nandito pa rin ako. I started to feel scared, hindi kaya nabulag ako?! Imposible naman na patayin nila mom at dad ang ilaw dito, alam nilang may trauma ako sa total darkness. Tama, I'll shout and call them! "Mom? Dad?!" paulit-ulit, tatlong beses na sinigaw ko palakas nang palakas para marinig hanggang first floor if ever nandoon pa sila mom.  Sweats started to roll down from my forehead.  Wake me, wake me! "Hailey, calm down," "Maggie?!" "Oo, ako nga." Pero paano? Nasa shop niya pa ba 'ko? O nasa kwarto ko? Paano, what the heck, I'm starting to panic! O may kumidnap sa 'ming dalawa? Oh my gosh, what is happening, really! "Ang dilim, Maggie!" "Listen to me, Hailey," umpisa niya, "This is the drill, you will enter a fantasy story. Another book than Magic Paradise that I gave you and-" "What?" Anong kalokohan ba 'to, at bakit ba sobrang dilim! Natatakot na 'ko! "You will enter there to fulfill a consequence, find Apricot and talk to her since she's the one responsible of why this needs to happen, you are going to enter her body and continue her life," "Maggie, hindi na ako nakikipag-biruan, okay? Takot ako sa dilim, please turn on the lights now!" "Seryoso rin ako, Hailey. I cannot help you this time, keeper lang ako. This is the only thing that I can do to help you, inform you... that you will be Apricot starting this second." "Maggie, stop it!" Hindi na ako makahinga sa sobrang panic, anxiety and the memories of the root of my total darkness trauma's starting to creep me out in my mind! "There will be powers and magics and unusual things that will happen around you starting this moment," she sounded like a worried mother na naghahabilin sa anak. Totoo ba? But how- Hinawakan ko na ang dibdib ko, nag-uumpisa na akong hindi makahinga sa takot at pagpa-panic. Sa tingin ko nauubusan na ako ng oxygen sa baga ko, buksan niyo na ang ilaw! "This is where the story will begin, good luck to your journey!" Tumili ako nang sobrang lakas nang maramdaman kong parang may tumulak sa likuran ko tapos parang nahuhulog na ako ngayon sa isang malalim na bangin! Did she just push me?!  Humanda ka sa 'kin kapag nagkita tayo ulit! And as if she heard what I just said in my mind, a voice echoed. "Sorry! Bawi na lang ako! Be safe!" Whatever! You already pushed me! Now I'm about to die! Biglang lumiwanag ang paligid at ngayon kitang-kita ko na kung saan ako nahuhulog. Sa bangin nga! In between two mountains, pabulusok sa... hindi ako sigurado kung ano ang mga nandoon sa babagsakan ko pero may mga gumagalaw. Mga tao? I don't know and I don't care anymore!  Ang punto dito... nahuhulog ako na nauuna ulo! Mabilis akong nahuhulog at halos hindi ako makahinga sa impact ng hangin na sumasalubong sa 'kin! What if mahulog ako sa malaki at matulis na bato? Tapos mabagok ako? Oh my gosh! What if malimutan ko ang mga ni-review ko for midterm exams?! Pinagpuyatan ko pa naman kabisaduhin at aralin ang mga 'yon! "Aah!" I shouted at the top of my lungs! "Help! Me!" "Help!!! Me!!!" Bad ba ako para maranasan lahat 'to?! "Help me! Mommy! Daddy!" Tumama ako sa bubong ng payong na malaki, nabutas pa nga 'yon sa lakas ng impact ng pagkakabagsak ko at lumusot ako sa ilalim! Bumagsak ang katawan ko sa cart na malaki at gawa sa kahoy. Loaded by red apples! Nagkalat ang mga mansanas, lahat sa sahig at maraming tao sa paligid ang nagkagulo para pulutin isa-isa ang mga 'yon. At itakbo. "Hoy, teka! Mga magnanakaw! 'Wag niyo kunin ang mga paninda ko!" Ugh! Ang sakit ng balakang ko! Mula sa pagkakadapang pwesto ay naupo ako, mabilis na sinipat ang buong sarili at hinawakan ang mga pisngi! "May kamay pa ako, dalawa pa rin ang mga paa ko, hindi nahiwa sa dalawa ang katawan ko," pumikit-pikit ako at hinawakan ang mga pisngi ko, "Oh my gosh may mga mata pa ako, flawless pa rin ang face!" Good thing dito ako nalaglag! Nabalik sa realidad ang pansin ko nang may humila sa kwelyo ko. 'Yung babae na kanina pa sumisigaw na ‘wag itakbo ang paninda niyang apples. Mukhang siya ang tindera ng mga apple na pinagbagsakan ko. Galit na galit ang hitsura! "Ikaw na naman! Basta talaga narito ka minamalas ang negosyo ko!" Umawang ang bibig ko sa gulat, pagtataka at teka nga, "Excuse me! Ngayon nga lang ako napadpad dito!" nilibot ko ang paningin ko at naalala na naman ang mga wirdong sinabi ni Maggie.  Am I already inside a book?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD