CHAPTER 2

1033 Words
  CHAPTER 2   "Great! Samahan mo kami mag-shopping bukas, kahit wala kang bilhin ayos lang naman. Kain na rin tayo sa labas if you want to come with us. Please?" pilit pa nila. Shopping? E, malapit na 'yung midterm exams namin at ang dami pa ng aaralin.  Kung ganitong mga babae ang ka-kaibiganin ko panigurado babagsak talaga ako sa kangkungan pati ang grades ko.  Kumuha si Roxanne ng kung ano sa bag niya, sinulyapan ko ang laman non. I pursed my lips, walang books o notebook na kahit maliit man lang, puro cosmetics! "Here's my card, phone number ko nandyan pati na rin social media accounts. Add mo 'ko tapos chat tayo mamaya if gusto mo sumama bukas," maarte niyang nilahad sa harap ko ang card, napansin ko ang kuko nito na sobrang haba pero well-manicured. Bawal sa laboratory namin 'yon ha. "Ay huwag pala mamaya, busy ako kapag gabi," she chuckled, in a maarte ulit na way. I'm definitely not gonna want to be friends with you and your squad! "Sure," saka ko kinuha ang card. But on the other hand ulit, dad and mom wanted me to be 'very galing' in socializing.  I sighed. Heavily! Kinabukasan, I decided to come with them. After classes daw, 7:50 PM ang tapos ng classes namin today, can you believe it? Balak pa nila gumala. Dumiretso sila sa cr para mag-change outfit ng maiiksing skirt and crop tops. "Naka-uniform ka lang, Hailey?" pansin ni Mariza sa 'kin habang nagpupunta na kami sa dalawang car na sasakyan naming lahat papuntang mall. Parang nandidiri sa sinisita. Naka-white blouse na uniform ako at white pants. Normal na suot namin sa school. What's wrong? Marami ngang student sa mall na naka-uniform pa.  Aarte. "Oo, hindi ko na naisip magdala ng pamalit." "Nag-pm ako sayo kaninang umaga, hindi mo yata na-seen?" si Roxanne habang umuupo sa driver's seat.  Hindi ko talaga si-neen. Ang sabi niya kasi doon magdala ako ng extra damit katulad ng mini skirt at magandang top or dress daw na above the knee, 'yong pang-night out! Naghanap ako sa closet pero puro jeans 'yon at t-shirt na plain, oversized pa. "Sorry, hindi ako naghahawak ng phone palagi." ngumiti lang ako, a sorry smile. Nagkibit-balikat na lang sila, obviously disappointed and nag-iinarte.  The whole byahe sobrang ingay nila, joking around about boys and chukchukan at the bar, laplapan and drinking hard liquors. Can't relate. And I do not! I do not want to feel related about those experiences they were talking about, in the future! "Ikaw, Hailey, top or bottom?" baling sakin ni Lori habang natatawa at naghahawak ng camera. Nagvi-video, vlog yata. "Lights off or hindi? Sige na, sagot ka na," pilit nila. Ngumisi lang ako, napipilitan at naiirita pero hindi nagpahalata. "Syempre top at lights on."  Naghiyawan sila, hindi inaasahan ang mga sinabi ko.  Wala naman talaga akong alam sa mga bagay na 'yon I had no boyfriend since birth, pero parang bastos yata 'yon. Sumagot nalang ako kasi baka bawiin pa nila ang offer na friendship. Mom and dad, be proud of your daughter, gumugusto ng top at lights on!  Gross! Then we arrived at the mall. Pinilit ko makihalubilo for pete's sake, pero guess what happened. Nagshopping sila, mega shopping like there's no tomorrow while vlogging. Pero ako ang tagabitbit. "So this is how you all treat your new friend in the squad?" hindi na ako nakatiis, nagkatinginan silang lahat after lumingon sa akin. We were all in the middle of the mall. Bwisit 'tong mga 'to, gagawa talaga ako eksena dito. "Hailey? What do you mean?" Pinaghahagis ko sa kanila ang mga shopping bag nila. Those are more than 10, okay! "Ano ba, Hailey!"  "Ouch!"  "Brand new 'to, how dare you!" Nagtaas ako ng kilay at pumameywang sa kanila. "Gagawin niyo pala 'kong alalay dito, wala talaga kayong kwenta kausap at kasama, ano?" Nag-iba ang ekspresyon ni Roxanne, the usual b***h face nito na ginagamit kapag may ayaw siyang tao sa campus.  "Hoy, ikaw, sabi mo payag kang sumama, 'di ba? Then do your part! Tyaka tingin mo ba talaga..." tumawa muna ito saka lumingon sa mga kaibigan, lumapit ito nang mas malapit sa 'kin, mas mahina ang boses para siguro hindi marinig ng crowd, "tingin mo ba talaga aayain kita maging kaibigan? Itsura mo pa lang hindi ka na belong sa 'min," Past 9 PM when I decided to walk across the street of our village, hindi na ako sumakay ng taxi pauwi. Lakad na lang, malamig naman at maraming street lights.  Ubusin ko oras dito kasi maba-badtrip lang ako sa bahay at bawal magbasa ng books.  Kung tatanungin nyo ako kung anong nangyari kanina sa mall, sasabihin ko lang na umuwi akong nakangiti habang sila... umuwing basang mga sisiw. How? I just have my water jug with me at all times. I'm a water person, mabuti na lang. Ang kakapal talaga ng mga mukha, and all along they've been taking a video of me pala para pagtawanan ako at i-prank. See? That's why I cannot trust anyone ever since. They all see me as a weirdo, nerd and a loser.  Pero normal naman ako manamit, wala namang jologs dito, tahimik lang talaga ako. Well, kapag maingay ka kasi at ma-kwento sa generation na 'to, in ka na agad at maraming friends pero kapag quiet ka lang, outcast ka na at boring. What ever. I love the sound of silence and the flipping pages of my books more than hanging out with them. Truly, books are way safer to trust than people. Come on, change my mind! Pagliko ko ng kanto I was half-shocked when I found a book shop. Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil parang ngayon ko lang 'to napansin dito, bagong gawa ba 'to? "Parang wala naman 'to kaninang morning pagkadaan ko rito." hindi makapaniwalang bulong ko habang sinisipat ang hitsura nito. All white, classy looking shop na hugis librong naka-buklat ang build nito.  Napaka-ganda! Kung anime lang 'to baka nagkikislapan na ang mga mata ko sa pagka-inlove sa shop na 'to! Ang lapit pa sa bahay! Baka dito na ako bumili ng maraming books simula ngayon! Then I heard imaginary voices of mom and dad saying 'Quit reading muna, hija'.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD