NINOY Aquino International Airport. I was pulling my three huge luggages on a cart. Lumabas ako ng exit gate. Nakita ko ang karamihan sa mga sumasalubong sa mga bagong dating ang pag-welcome sa mga pamilya o kakilala nila. I don’t have anyone. I didn’t tell my parents that I was coming back after spending six years in New York. Wala akong kakilala rito sa Maynila. At hindi rin ako pamilyar, kaya naman pinili kong sa Makati manatili kung saan ay medyo gamay ko ang lugar dahil dito ako nag-aral ng kolehiyo. I hailed a taxi and told the driver to send me to a hotel. Dahil may pera akong nakuha kay Justin, sabi niya ay tulong daw niya sa pagsisimula ko sa Pilipinas, pero ang totoo, bayad iyon para sa ginawa kong pag-ako sa kasalanang dapat ay sa kanya.