"Where is she dude?" tanong ni Shash, nang makalabas sila mula sa kuwarto? "Sino ang hinahanap ninyo?" Boses ng ina ni Dane, na kalalabas lang galing sa kusina. "Ikaw na ang sumagot dude," utos ni Shash sa kaibigan. "Si Huang Yong ma, hinahanap ni Shash." "Hoistt! Huwag mo akong ibulabog, nakakahiya kay tita." turan niya at bahagya pang nagkulay rosas ang pisngi nito. "Over naman 'tuh! Magpakatotoo ka dude, ang tanda mo na." Nakasimangot na tugon ni Dane. "Umalis na si Huang Yong, hinahatid nya si Dekker sa school." "Ump, gano'n ba tita? Sige, mamaya na lang." Anang lalaki. "Bakit gusto mo ba si Huang Yong?" Tanong ng ginang. "Huh!? Umm..Parang natamaan ako tita." "Well, I like her. Para sa'yo, mabait si Huang Yong at mapagkatiwalaan sa lahat ng bagay. But I'm warning you, don't