Dali-daling tinawagan ni Dixter si Dane, upang tanungin kung nakita ba niya ang news. Subalit, panay lang ang ring ng phone nito. Inulit niya ng inulit ang pag-dial sa number, hanggang sa may sumagot na sa kabilang linya. "Dude! Saan ka ba?!" Inis nitong tanong. "Yes,dude? Pasensiya na, nandito kasi ako sa gym." "Dude, nakita ko si Hyo-Ji." "A-ano?" "Yes, dude, Si Hyo-Ji talaga 'yon." S-saan mo nakita dude?" " Sa TVShow, panoorin mo sa TVshow replay. Tapos tawagan mo ako ulit," bilin ng kaibigan. Kinabahan si Dane,habang nagta-type ito sa TVSHOW. Hindi mapakali ang lalaki, habang hinihintay niya na mag-play ang show. "Oh my GOD! Hyo- Hyo-Ji!" Bulalas ni Dane. Nang makita niya ang mukha ng babae. Agad bumilis ang t***k ng kaniyang puso, kaba, tuwa, saya ang kaniyang naramdaman.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books