Jas "Bakit mo ako dinala sa bahay-ampunan?" tanong ko pagkapasok namin sa sasakyan niya. "Alam kong hindi tungkol sa prinsesa ang pinunta natin doon." Bumuntong-hininga si Eiji at nagsimulang magmaneho. "Pasensiya na. Gusto ko lang talagang ipakilala sa 'yo si Erika." Kumunot ang noo ko. "Bakit?" Saglit siyang tumingin sa 'kin bago ibinaling ang tingin sa daan. "Gusto kong malaman mo na mayroong mga gaya niyang tao." "Gaya niyang tao na biktima ng bullying?" tanong ko. Tango lang ang naging sagot niya. Huminga ako nang malalim. "Alam ko namang mali ang ginagawa ko. Pero alam kong wala akong nagagawan ng kalokohan na hindi nila deserving." "Sino ba ang mga deserving at sino ang hindi? Tayo ba ang makapagsasabi niyan?" Natigilan ako sa sinabi niya at napatulala. Hanggang sa makarati