Chapter 8

2141 Words
Chapter 8 Jas Suarez Napabuntong-hininga ako. Parang ang haba ng bakasyon ko kahit Sabado at Linggo lang naman ang dumaan. Miss ko na pumasok. Pero mas miss ko si Ron-Ron. Nakaramdam ako ng bahagyang kirot sa dibdib ko nang maalala siya. Lalo na sa tuwing naiisip ko ang mga ngiti niya noong magkasama sila ni Chesca. Ganoon ba talaga kaliwanag ang mga ngiti niya? O talagang sobrang saya niya lang dahil nakita na niyang muli ang first love niya? Mag-isa ako sa room habang nakapangalumbaba sa bintana. Idinikit ko ang mesa ko sa pader para matanaw ang labas. Ang aliwalas ng paligid, ang sarap siguro tumambay roon sa field. Ang ganda rin ng langit, asul ito at ang daming mapuputing ulap. Mukhang hindi naman uulan pero ang pakiramdam ko, sobrang bigat, parang may parating na bagyo. Idagdag pa sa isipan ko ang taong nakasalamuha ko – ang taong sinusundan ako. Kung sa tingin ng marami ay nakakatuwang magkaroon ng stalker, ngayon pa lang ay sinasabi ko nang hindi. Sobrang creepy! Kahit sa loob ng kuwarto ko ay pakiramdam ko hindi ako ligtas. Kulang na lang ay ipako ko ang bintana para siguradong walang makapapasok. Ang pinto ko ay lagi na ring naka-lock. Sa tuwing may kakatok, bago ko iyon buksan ay tatanungin ko pa muna kung sino. Nawi-weirduhan na sina Mama at Papa pero ayoko namang sabihin sa kanila. Pakiramdam ko tuloy ay nag-iisa ako. Hindi ko alam kung kanino ko ba dapat ito ikuwento. Ayokong makaabala sa ibang tao kaya mas pinipili ko na lang na sarilinin. "Good morning, Jas!" Napabalikwas ako sa kinuupuan ko at saka napatingin kina Kimmey at Gelo na papasok ng room. "Good morning, Kimmey at Gelo," nauutal na bati ko sa kanilang dalawa. Nilingon ko ang kasunod nila pero bumagsak lang ang dalawang balikat ko nang hindi si Ron-Ron ang makita kung hindi si Jethro, isa sa mga kaklase ko. Bumalik ako sa pagkakatingin sa labas at bumuntong-hininga. "Okay ka lang ba?" tanong ni Kimmey nang makaupo sa tabi ko. Hinawakan pa niya ako sa balikat upang ibaling ang atensyon ko sa kaniya. Tumango ako bago pilit na ngumiti at tumingin sa kanila. "Oo naman," sagot ko. Pinaningkitan lang ako ng mga mata ni Gelo ngunit walang sinabi. Pinagpatuloy ko lang ang kung ano ang ginagawa ko. Ni hindi ako umalis doon sa bintana nang dumating ang guro namin. Mas lalo lang akong nanlumo nang hindi pumasok si Ron-Ron – kung may ilulumo pa ba 'tong nararamdaman ko. Mukhang magkasama pa rin sila hanggang ngayon. At handa pa talaga siyang mag-skip para sa kaniya. "HINDI MO YATA kasama 'yong kaibigan mo?" tanong ni Eiji, nakahiga sa sahig habang naka-unan sa dalawa niyang braso. Nandito kami sa rooftop habang nakaupo ako sa sahig, nakatanaw sa kabuoan ng campus at nagpapahangin. Nakapikit lang siya at paminsan-minsang dumidilat upang tingnan ako. Tapos na kaming mag-lunch at ito kami, nag-uusap na para bang normal na iyong bagay. "Wala pa nga eh. Mukhang absent pa," sabi ko sa kaniya sabay kagat ng sandwich ko. Medyo nabitin pa ang lunch ko kanina. "Naaalala mo lang naman ako kapag mag-isa ka." Napatigil ako sa pagkagat ng sandwich ko at nakakunot-noong tumingin sa kaniya. "You sound disappointed," pang-aasar ko sa kaniya. "Nagtatampo ka ba?" Lumapit ako sa kaniya pero umusod lang siya, hindi pa rin dumidilat. "No, I'm not." "Ayie, nagtatampo ka eh," sabi ko sabay kiliti sa tagiliran niya. Agad siyang napapiksi at pagkatapos ay agad natigilan. Nanlaki naman ang mga mata ko. May kiliti siya? Ngayon lang ako nakakilala ng lalaking may kiliti! "Hoy! Tigilan mo 'ko, Jas. Alam ko 'yang mga ganiyang tingin mo!" Tapos hinarang niya 'yong dalawa niyang kamay sa harap habang pinanlalakihan ako ng mga mata. Agad siyang tumayo at saka tumakbo palayo. Natatawa ko naman siyang hinabol. "Ano ba! Hindi na nakakatuwa, Jas!" sigaw niya nang bigla ko siyang ma-corner. Ngumisi ako sa kaniya at dahan-dahang lumapit. "Ano ba? Oo na, may kiliti ako ro'n pero hindi na ako makahinga. Tigilan mo na," sabi niya. Agad akong umiling. "Ayoko! Minsan lang ako makakilala ng lalaking may kiliti kaya susulitin ko na!" Ewan ko ba kung bakit pero nag-eenjoy talaga ako kapag ganito kaming dalawa. Masama ba kung masasanay ako sa ganito? Masyado na ba akong ambisyosa para hilinging sana ganito na lang kaming dalawa? Lumapit ako sa kaniya at kiniliti siya kaya halos mamatay na siya sa katatawa. Hindi naman nagtagal ay nahuli niya ang dalawang kamay ko kaya hindi ko na siya makiliti. Siya naman ang ngumisi sa 'kin at saka ako inatake sa tagiliran ko. Napatili na lang ako. Ako naman ngayon ang halos mamatay na sa kakakiliti niya. "Ah! Tama na. Ayoko na. Suko na po," sabi ko habang walang tigil sa katatawa. Grabe! Ang lakas pa naman ng kiliti ko. Tapos siya naman ay sobra kung makakiliti. Bawing-bawi! Pareho kaming napatigil nang biglang bumukas ang pinto sa rooftop. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ang nagbukas niyon. Seryoso lang kaming tiningnan ni Ron-Ron. Wala ng ibang reaksyon ang mukha niya. Ano ang ginagawa niya rito? "Sorry, mukhang naistorbo ko kayo," aniya. "Mauna na 'ko." Binagsak niya ang pinto at tuluyan na kaming napatigil ni Eiji sa kung ano man ang ginagawa namin. "Ron-Ron!" tawag ko sa kaniya at saka tumayo. Hindi ko na nilingon pa si Eiji para sundan si Ron-Ron. Baka galit siya sa 'kin. Pero bakit naman siya magagalit? At bakit ngayon lang siya pumasok? Naabutan ko siyang hinahagis ang upuan sa loob ng room namin. Agad ko siyang pinigilan nang ibabato niya sa bintana ang isang silya. Nabitin sa ere ang hawak niya ngunit hindi iyon ibinaba. Humihingal siya na parang ang layo ng tinakbo niya kahit na sa rooftop lang naman siya galing. "Ano ang ginagawa mo rito?" tanong niya. Nakahinga ako nang maluwag nang ibaba niya ang silya at naupo roon. Nakatalikod siya sa 'kin kaya hindi ko maaninaw ang mukha niya. "Malamang, sinundan ka. Bakit ngayon ka lang pumasok? Kanina pa kita hinihintay." Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at umupo sa silyang nasa harap niya. "Wala, hinatid ko lang ang kapatid ko." "Hinatid? Bakit naman inabot ka ng tanghalian?" Panaka-naka akong tumitingin sa kaniya, sinusuri kung talaga bang kalmado na siya. Baka mamaya ay sa 'kin niya ihagis 'yong silya. Mahirap na! "Hinatid ko sa sakayan ng barko. Aalis siya at babalik sa tita ko." Tumango-tango ako. "Pa'no 'yan? Mag-isa ka na lang sa bahay niyo," sambit ko, nakanguso habang pinaglalaruan ang kuko ko. "Ganoon na nga. Pinapasama ako ni tita pero hindi ako pumayag," sabi niya. "Eh? Bakit naman?" Ang alam ko ay takot siyang mahiwalay sa kapatid niya dahil ayaw mapag-isa ni Ron-Ron. "Dahil sa isang tao," sabi niya. Napayuko ako at napaiwas ng tingin sa kaniya. Lumapit ako sa bintana at tumingin sa malayo. Hindi kaya dahil kay Chesca? "Puwede ko bang malaman kung sino ang taong 'yon?" tanong ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para itanong iyon. Sigurado naman akong pagsisisihan ko rin pagkatapos marinig ang isasagot niya. Pero siguro ay mayroon sa dulo ng utak ko na umaasang ako ang dahilang 'yon. "Wala, hindi mo kilala," sabi niya. "Siguro si Chesca 'yon, 'noh?" Mahina siyang natawa sa sinabi ko. Hindi tuloy ako sigurado kung pagsang-ayon 'yon o ano. "Mauna na 'ko." Tumayo siya sa pagkakaupo kaya napatingin ako sa kaniya. "Please, don't follow me," sabi niya pero dahil makulit ang lahi ko, sinundan ko pa rin siya. Huminto siya sa unang baitang ng hagdan pababa ng floor namin. "I said, don't follow me." "Pero gusto kitang sundan. Isa pa, na-miss kita," sabi ko habang nakatingin sa sapatos ko. Naramdaman kong napatigil siya lalo dahil sa sinabi ko. Sa tingin ko ay may sumusunod sa 'kin at may balak siyang masama. Natatakot ako. Gusto ko sanang idugtong pero bigla siyang nagsalita. "Bahala ka," sabi niya. "Chesca!" Napatingin ako dahil sa pagsigaw niya. Halos mapatulala ako nang makita si Chesca na naglalakad na ngayon palapit sa kinaroroonan naming dalawa. Mukhang hindi pa niya ako napansin dahil na kay Ron-Ron lang ang tingin niya. "Tyrone, tara na?" yaya ni Chesca. Pinulupot pa niya ang braso kay Ron-Ron. "So, saan tayo?" "Tara sa park." Para naman akong tangang nakatayo lang sa harap ng room namin at nakatulala. Pero ang nakakatawa ay walang luha ang tumulo sa mga mata ko. Nakatulala lang talaga ako kahit na nagsimula na akong maglakad palayo. Nang bumalik ako sa rooftop ay hindi ko na makita si Eiji. Baka bumaba na rin siya para umuwi na. Mga dakilang magagaling talaga kami sa pagka-cutting. Dito na muna siguro ako at maglalabas ng sama ng loob. Naiinis kasi akong isipin na magkasama sina Ron-Ron at Chesca ngayon. "Nakakainis ka, Ron-Ron! Hindi mo ba alam na nagseselos ako?" sigaw ko. Huminga pa ako nang malalim matapos kong ilabas iyon. "Kung makasigaw ka naman, akala mo walang nakakarinig sa 'yo." Pabalang akong napatingin sa likod ko at nakita si Eiji na kapapasok lang ng rooftop. May dala na siyang can ng softdrinks at umiinom doon. Isinara niya ang pinto gamit ang paa niya. "Narinig mo?" tanong ko. Tumango naman siya at tumabi sa 'kin sa may railings. "'Wag mo naman sanang ipagkalat," sabi ko sabay yuko. Tinaasan niya ako ng kilay. "Ano naman ang mapapala ko kung ipagkakalat ko?" "Malay mo, gawin mong pang-blackmail sa 'kin." Ganoon naman kasi talaga 'yong mga napapanood ko. Kapag narinig ang sikreto ng isa ay gagawa ng paraan para may ipang-blackmail. Para mapasunod mo ang isang tao. "Of course not! Hindi ako ganoon, hindi ako cheap," sabi niya. Napairap na lang ako. Kung iyon ang nasa isip niya, wala akong magagawa. "So, hindi mo nga ipagkakalat?" Naninigurado lang din. "Let me see. May gusto ka sa best friend mo?" Parang hindi naman iyon tanong, parang nanghihingi lang talaga siya ng kumpirmasyon. "Oo na nga! Kailangan pang ulitin?" Nakakainis kasi! Mamaya ay may dumating at marinig pa. Hindi nga siya ang mangba-blackmail, ibang tao naman. "May deal akong iaalok sa 'yo," sabi niya. Sumandal siya sa railings patagilid at saka ako hinarap. Hinagis niya ang can ng softdrinks sa malapit na basurahan. "Ano naman 'yon? Kapag iyan kalokohan, ah?" Nakakatakot naman 'yang deal na 'yan kahit hindi ko pa alam kung ano. "Hindi 'to kalokohan. Hindi naman ako katulad mo 'noh!" Aba't isa na lang babatukan ko na ang isang 'to! "So, ano na nga 'yon? Dalian mo at uuwi na ako," naiinip na tanong ko. Pabitin pa kasi eh. "Pagseselosin natin ang bestfriend mo." Tinaasan ko siya ng dalawang kilay dahil mukhang may kasunod pa. Lumapit siya sa 'kin at itinapat ang bibig sa tainga ko. "You and I will go on a date." Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Halos mabilaukan na rin ako sa sarili kong laway dahil doon. Bigla ko tuloy siyang naitulak palayo habang siya naman ay nakangisi lang. "Ano?! Bakit ko naman gagawin 'yon?" tanong ko sa kaniya. Alam kong nakapagsimba na kami pareho pero hindi naman date 'yon! "Kung gusto mong alamin ang nararamdaman ng bestfriend mo, pagseselosin natin siya. Para malaman 'yon ay kailangan mag-date tayong dalawa." "Makikipag-date ako..." Tinuro ko ang sarili ko. "... sa 'yo?" Tinuro ko naman siya. "Exactly!" Tumatango-tango pa siya habang nakangisi, amused sa sarili niyang kalokohan. Hindi ko alam kung ano ang pinaplano niya kaya agad akong umiling. "Ayoko!" Hindi pa ako baliw para pumayag sa gusto niya. Kami nga ni Ron-Ron ay wala pang first date tapos kaming dalawa, dalawa na? "Sige, ikaw bahala. Balita ko ay may date sila bukas sa park," sabi niya. Nagpanting ang tainga ko dahil doon. "Paano mo naman nalaman?" Chismoso yata ang isang 'to. Ako nga na kaibigan ni Ron-Ron ay hindi 'yon alam. "Connections?" kibit-balikat na sagot niya. Napaisip naman ako. Isang beses lang naman na date, 'di ba? Kung sakali mang malaman ko ang nararamdaman ni Ron-Ron ay wala ng third date kay Eiji. Sige na, I'll take the risk! "Oo na, papayag na 'ko," sabi ko. Susubukan ko lang kung magseselos si Ron-Ron. "See? Papayag ka rin naman pala. Bukas Nine AM. Magsuot ka ng maganda." Then he left. Napakurap ako nang dalawang beses. Wait? Iyon na 'yon? Magsuot lang ng maganda? Bahala na. Uuwi na lang ako mag-isa. Malapit na rin kasing dumilim. Ang daldal naman kasi ng Eiji na 'yon pero minsan ang bagal mag-isip. And so much for being cheap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD